Spain Matapos magpaalam sa apat ay umalis na ulit siya sa Villa. Siya lang mag-isa, iniwan niya ang mga tauhan niya para bantayan ang mga bata dahil muling makikipagkita si Mitra kay Ken. Pagdating niya sa hotel ay nagtungo na siya sa 13th floor. Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nabigla na lang siya nang makita ang mga tauhan nito na hinahalughog ang buong paligid ng kwarto na tila may hinahanap. “What happened?” tanong niya nang makalapit na kay Ken. Umiinom lang ito ng alak habang pinapanood ang mga kasama niya. “Estoy en lo cierto,” aniya at tinapon na sa harapan mismo ni Mitra ang sirang spy cam na mukhang maliit na robot. “One of the kids is dangerous.” (Estoy en lo cierto mean I’m right in Spanish) “What do you mean?” “Nakita ko ‘yang pasunod-sunod sa akin. Hindi ‘yan ga

