Mafia Island Pag-uwi ni Rara at Daem galing Throne Palace ay dumaan muna sila sa kanilang mansyon para kunin ang ilang gamit na dadalhin nila sa Japan bago magtungo sa Open Area. Nakahanda na ang eroplanong sasakyan nila, sila na lamang ang hinihintay. Hindi na nila ito ipinagpabukas dahil gusto na talagang makita ni Rara ang kanyang anak. “Love,” ani Demone at muling niyakap si Rara pagpasok nila sa loob ng kwarto. Humigpit naman ang pagyakap ni Rara sa kanya. “Tell me your thoughts. I’m here, your husband.” “I’m just scared for our child. No’ng una si Daddy, sunod si Mommy na namatay na lang na walang pasabi. Ngayon si Yumi…takot na takot ako, Daem. Parang…parang unti-unti na naman kayong kinukuha sa akin,” muling bumuhos ang luha sa mga mata ni Rara. Ang Ina ni Rara na si Samanth

