Gabi na nang matapos ang business party. Pagdating nila sa mansyon ay nauna nang umakyat ang apat sa kanilang mga kwarto. Nakakain naman na sila sa labas kaya magpapahinga na sila dahil bukas na ang misyon nila. Habang si Dethro at Sandra ay nagtungo sa sala para mag-relax. Dito magpapalipas ng gabi si Sandra. Pagkaupo nila sa sofa ay sumandal na si Sandra sa dibdib ni Dethro habang yakap-yakap siya nito. “Are you sleepy?” tanong naman ni Dethro. Kasalukuyan niyang hinahaplos ang buhok ni Sandra. “I’m just tired wearing a smile on my face all day, babe,” aniya. Pagod siya ngunit nagawa niya pa ring ngumiti kay Dethro. “You don’t have to smile on me, babe. Just rest. Hindi mo na kailangan magpanggap sa harapan ko,” nakangiting sabi nito at hinalikan si Sandra sa noo. “My feelings

