Part 2 – Mafia’s War “Before that…” natigilan na lang sila nang muling magsalita si Elizabeth. Lumingon siya upang senyasan si Laro na lumapit na sa kanila. Tila naguluhan naman ang iba, maliban kay Amira na alam na ang gagawin dahil bago pa sila makapunta rito ay nakausap niya na si Elizabeth mula sa call na susubukan niya munang idaan sa usapan si Laro bago sumiklab ang gera. Gayunpaman, lahat ay nanatiling tahimik habang nakikinig at pinapanood sila. “Amira Miller,” panimula ni Laro nang magkaharap na sila. Silang dalawa na lang nasa gitna. “No’ng huli tayong nagkita ay mukha ka pang hindi makabasag pinggan, ngunit ngayon ay masasabi kong nagbago ka na,” pagpapatuloy niya. “Mister Laro Imperial,” aniya at hindi na nagpaligoy-ligoy si Amira. Inilabas niya na ang sulat na galing s

