EPILOGUE

2377 Words

Meanwhile… Nagtungo sila sa malapit na bangin kung saan inutos ni Laro Imperial. Madaming bangin na nakapaligid sa Isla, ang pinuntahan nila ay sa likod na nasa dulo ng palasyo kung saan makikita ang pinakamataas na talampas na ang ilalim ay malalim na karagatan. “Livia, aalis na kayo ni Gio sa Isla. Ako na ang tatapos sa kanila,” ani Laro sa kanyang anak paglabas nila sa sasakyan. “No! Mananatili ako rito,” pagmamatigas naman ni Livia. Hindi pa siya tapos kanila Amira, Mortem, Elizabeth, lalo na kay Brendan na kanyang kapatid. Sa isip-isip niya, hindi pa siya nakakaganti kaya hindi pa siya p’wedeng umalis lalo na’t pinagtaksilan siya. Higit sa lahat, ayaw niyang iwan mag-isa ang kanyang Ama. “Mamaya ay parating na ang helicopter na magsusundo sa inyo kaya makinig ka na lang, Anak…”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD