CHAPTER 15

2329 Words
Philippines “Ito lang gagawin natin? Eh, palagi na nga tayong nagte-training sa MI. Pati ba naman dito?” hindi na napigilang magreklamo ni Aeron. Kasalukuyan silang nag-eensayo sa ikatlong-palapag ng mansyon. Ang buong floor na iyon ay training area. May iba’t ibang kagamitan na makikita sa loob. Katulad ng iba’t ibang klase ng baril na maaari nilang gamitin. May iba’t iba ring klase ng kutsilyo, katulad ng dagger na madalas nilang gamitin sa training. Mayroon ding space para sa equipments na makikita sa gym at boxing ring para sa sparring o area sa pag-ensayo ng martial arts. “Kahapon ka pa parang galit sa mundo, Aeron,” nagtatakang sabi ni Visca habang may tinitipa sa laptop. Hindi siya nagte-training dahil may iba siyang pinagkakaabalahan sa laptop, nakaupo lang siya sa gilid ng room. Hinarap naman siya ni Aeron, tinigilan niya muna ang pag-workout. “Nandito tayo para sa misyon, ‘di ba?” Nagkibit-balikat na lang si Visca. “Ang sabi ni Sir Dethro ay mag-ensayo kaya kailangan natin siyang sundin,” pagsingit ni Demone na naglalagay ng bala sa baril. “Pero—” hindi naman naituloy ni Aeron ang kanyang sasabihin nang magsalita na si Iza. “Bakit parang nagmamadali ka, Aeron? May gusto ka bang sundan pagkatapos ng misyon natin dito?” taas-kilay na tanong ni Iza, kakababa niya lang sa boxing ring. “Huh? Wala,” agarang sagot naman ni Aeron. Hindi niya magawang sabihin ang totoong dahilan kung bakit gano’n na lang ang inaakto niya sapagkat may kinalaman ‘yon kay Roze. Tumango na lang si Iza at niyaya na si Demone na makipag-sparring sa kanya. Kaagad namang pumayag si Demone, umakyat na sila sa boxing ring. Habang si Aeron ay iniwan na sila, walang saysay ang pagte-training niya dahil wala naman talaga siyang gana at baka magtanong pa sila kaya minabuti niya ng umalis. “Anong nangyari do’n?” naitanong na lamang ni Visca pagkaalis ni Aeron. “Nagbibinata na,” sagot naman ni Iza na ikinatawa ng dalawa. Pagkatapos ni Aeron na magpalit ng damit ay bumaba naman siya at nagtungo sa dining area upang kumain. Niyaya siya kanina nang makasalubong siya ng katulong na kumain ng meryenda sa baba dahil may hinanda silang pagkain. “Excuse me po,” aniya bago maupo sa upuan nang makitang may tao. “Oh, nasaan ang iba mong kasama, iho?” tanong ng matandang maid pagkalagay niya ng pancake sa lamesa. “Nasa taas pa po,” tipid niyang sagot. “Ah, sige. Kumain ka lang diyan,” nakangiti nang sabi nito. “Nga po pala, p’wede po bang magtanong?” bawat salitang binitawan niya ay puno talaga ng respeto. Muling ngumiti ang babae. “Oo naman. Ano iyon, iho?” “Alam n’yo po ba kung anong oras makakauwi si Sir Dethro?” “Nako, baka gabi pa iyon dahil sa trabaho niya.” “Ah, salamat po.” Tumango na lamang ang matanda at iniwan na mag-isa ang lalaki. Napabuntong-hininga na lang si Aeron nang mapagtanto na training lang talaga ang gagawin nila ngayong araw. Wala naman siyang magagawa dahil taga-sunod lang siya. Mayamaya pa ay kumain na lang siya, pampalipas oras hanggang sa dumating na rin ang tatlo para saluhan siya. Matapos kumain ay naisipan nilang magpahinga na lang sa kwarto. Hihintayin na lang nila si Dethro mamayang gabi upang tanungin ang tungkol sa magiging misyon nila. Hindi na makakapayag si Aeron kung bukas ay training pa rin ang gagawin nila. Pagsapit ng gabi ay bumaba na sila para salubungin si Dethro sa labas ng mansyon. Pinagsabihan din kasi sila ng matandang servant na bumaba na dahil parating na si Dethro. Mayamaya pa ay dumating na si Dethro. Pagbaba niya sa sasakyan ay kaagad na tumungo ang apat. Bahagya namang natawa si Dethro dahil masyado pa ring pormal ang apat. “Hindi n’yo na kailangan gawin ‘yan. Nagmumukha tuloy akong matanda dahil sa pinaggagawa ninyo,” at muli siyang tumawa upang pagaanin ang tensyon sa kapaligiran. “At saka, nasa Pilipinas na kayo. Hindi ‘yan uso rito.” Dahil sa sinabi ni Dethro ay inangat na nila ang kanilang ulo. “Mabuti pa pumasok na tayo sa loob. Madami tayong pag-uusapan,” dagdag ni Dethro kaya gumilid na ang mga gwardiya para padaanin sila papasok sa loob ng mansyon. Nang makarating sa dining area ay umupo na sila sa kani-kanilang pwesto. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa kaya kakain na lang sila. Ang lalaking servant naman ni Dethro ay nakatayo sa gilid niya para kung sakaling may i-uutos, magagawa niya agad. “Nakapag-training ba kayo kanina?” panimula ni Dethro. “Yes, Sir,” tugon ni Demone. Tumango si Dethro saka kinuha ang table napkin para ipampunas sa kanyang labi at muling nagsalita. “Kung gano’n magsisimula na kayo bukas,” aniya. “Sa misyon namin?” naniniguradong tanong ni Aeron. “Yes. Isasama ko kayo bukas sa Wipon Organization. Hindi ko na kayo patatagalin dito dahil maiinip lang kayo. Mas mabuti na mahasa na ang kakayahan n’yo sa bansang ‘to bago kayo bumalik sa Mafia Island.” “Yes, Sir,” tugon ni Iza at bahagyang napasulyap kay Aeron upang tignan ang reaks’yon nito. Tila lumiwanag naman ang mga mata ni Aeron na kanina ay parang walang buhay. “Bago ko kayo isabak sa mabigat na misyong haharapin ninyo. Ipapakita ko muna sa inyo bukas kung anong klase ang mga tao rito. Know your opponent first before you strike, iyon ang motto namin sa Wipon Mafia,” at saglit na uminom ng wine. “Hindi kami basta-basta umaatake, inaalam muna namin kung ano ang kahinaan nila.” Habang nanguya ay tumatango naman si Visca para ipakitang nakikinig talaga siya. “Mas madaling talunin ang kalaban kung alam mo na ang kahinaan nila. Mabagal man, sa huli ay magtatagumpay ka naman. Alam n’yo ba kung sino pa ang gumagawa nito?” Napakunot ang noo ni Iza at Aeron maliban sa dalawa na kasapi ng Inferno Gang. “Queen Amira,” sagot ni Demone. “You’re right,” at ngumiti si Dethro. “Iyon ang hindi alam ng ibang Mafia kaya mahuhulog na lang sa bitag ang magtatangkang kumalaban kay Amira.” Napainom naman ng tubig si Iza nang marinig ‘yon. “Totoo po bang naging kaklase mo si Queen Amira noon?” biglaang tanong naman ni Visca. “Okay lang po kung ayaw n’yong sagutin. Curious lang,” agarang sabi niya. Natuklasan ni Visca mula sa pag-imbestiga niya sa kanyang laptop. “Mukhang may nakita ka,” at muling napainom si Dethro ng wine. “Tama ka, naging kaklase ko nga noon si Amira. Gusto ko pa nga ang Mafiusang ‘yon pero hindi siya naging sa ‘kin dahil kay Mortem,” napailing na lang siya nang maalala ang nangyari noon na napalitan din nang pagtawa. “Ang lalaking ‘yon, masyadong halata. Mabuti na lang sa huli ay nagkatuluyan sila kahit komplikado ang relasyon nila.” “Okay lang sa’yo ‘yon?” tanong naman ni Aeron. Dahil para sa kanya, ipaglalaban niya pa rin ang nararamdaman niya sa babae.   “Of course, alam kong hanggang kaibigan lang ako ni Amira. Hindi na ako p’wedeng maghangad ng mas higit pa ro’n. Besides, Mafia world is complicated. You’ll never know until it happens to you,” makabuluhang sabi ni Dethro. Napatango na lang si Aeron at inubos na ang pagkain sa plato niya. Mayamaya pa ay natapos na rin ang iba at bago pa man sila makaakyat sa kanilang kwarto ay may sinabi pa si Dethro na nagpatindig ng balahibo nila. “Baka makalimutan ko, sasabihin ko na,” pinakiramdaman ni Dethro ang bawat galaw ng apat. “Gusto ko nga pa lang ipaalam sa inyo. Sumalakay na ang ibang Mafia sa MI para patalsakin sa trono si Amira pero bumaliktad ang sitwasyon. That’s how powerful your Queen is. Soon, the traitors in your island will be found.” Nang makapasok na sa kwarto si Iza ay dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya para tawagan ang totoong Boss niya ngunit natigilan na lang siya nang mapagtantong huli na siya kung ibabalita niya pa dahil nangyari na. Napahiga na lang siya sa sahig habang yakap-yakap ang sarili, iniisip kung gagawin na ba ang inutos sa kanya. Habang si Aeron ay napatalon na lang sa kama at humiga nang may ngiti sa labi. Nanumbalik ang sigla dahil bukas ay magsisimula na sila. Si Visca naman ay nagbabad sa bathtub, nagpapatugtog pa ng classical music. She’s finding peace in the bathroom while thinking about the people they will going to meet tomorrow. Pagkatapos ni Demone mag-shower ay nagtungo naman siya sa balcony para magpahangin. Mayamaya pa ay pumasok na siya sa loob nang matuyo na ang buhok niya. Hindi na siya nagbihis, matutulog siyang naka-bathrobe dahil komportable siya ro’n. Kasabay nang pagpatay niya ng ilaw ay may kumatok naman sa pinto. Napakunot na lang noo niya pero nagtungo pa rin sa harap ng pinto para pagbuksan ang taong ‘yon. “Iza?” hindi niya akalain na ang kanina pa niya iniisip ay siyang magpapakita sa kanya. “I can’t sleep,” aniya at marahang tinaas ang dalawang hawak na baso na naglalaman ng gatas. “Samahan mo ako,” dagdag niya at pumasok na lang sa kwarto ni Demone. Naguguluhan man hinayaan na lang ni Demone si Iza. Sa balkonahe sila uminom dahil may upuan ro’n. Si Iza nga lang ang nakaupo habang si Demone ay nakasandal sa railings. “Kanina ka pa balisa, may problema ba?” tuluyan nang nagtanong si Demone dahil sa hapunan kanina ay nakatingin lang siya kay Iza. “Wala naman,” at napatingin na lang si Iza sa iniinom niya. “Are you sure? You can always rely on me, Iza.” Napahigpit ang paghawak niya sa baso saka mabilis ‘tong ininom. Kung ano-ano na naman ang pumasok sa isipan niya dahil sa sinabi ni Demone. “Bakit ba ang bait-bait mo sa akin?” at napatingin na kay Demone na kanina niya pa iniiwasan sa mata. “Dahil gusto ko. Bawal ba ‘yon?” kunot-noong tanong ni Demone. “Ayokong gan’yan ka. Pakiramdam ko kinakaawaan mo na naman ako…” Napabuntong-hininga si Demone saka sumimsim sa gatas at tumalikod kay Iza. Isinandal niya ang siko sa railings habang ang mga kamay ay nakakapit ng mabuti sa baso. “Hindi kita kinakaawaan. Malayo ‘yon sa iniisip ko tungkol sa’yo, Iza.” “Anong ibig mong sabihin?” Muling napasimsim sa gatas si Demone saka malayong napatingin sa paligid. “Baka kapag sinabi ko sa’yo layuan mo ako.” “We’re not kids anymore, Demone. Maiintindihan naman kita.” “I know,” at humarap na ulit siya kay Iza. “Pagbalik na lang natin sa MI, sasabihin ko sa’yo. H’wag muna ngayon.” “Paano kung may mangyari?” ani Iza habang dinadaga na ang dibdib. “What do you mean?” Nang mailapag ni Iza ang baso sa table ay nilapitan niya na si Demone. Kinuha niya rin ang baso kay Demone at nilapag din ito sa table saka muling tinignan sa mga mata si Demone. Hindi na makagalaw si Demone sa kinatatayuan niya dahil sa lapit ng mukha nila sa isa’t isa. “Paano kung masama ako? Traydor, ha? A-anong gagawin mo?” at marahan niyang hinawakan sa magkabilang pisngi si Demone. “Papatayin mo ako, hindi ba?” Umiling siya. “No, I’ll hear you out. May rason lahat ng bagay kung bakit ‘yon nangyayari…kaya alam kong may rason ka rin, Iza. May problema ba? Sabihin mo naman sa akin. I’ll risk everything just to—” hindi naman naituloy ni Demone ang kanyang sasabihin nang bigla na lang siyang halikan ni Iza. Nanlaki ang mga mata niya at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang nanigas ang buong katawan niya. “I’m sorry, Demone…k-kailangan ko ‘tong gawin,” sambit ni Iza matapos niyang halikan sa labi si Demone na ngayon ay unti-unting nakakaramdam ng antok hanggang sa tuluyang bumigat ang talukap niya dahilan para mawalan siya ng malay sa bisig ni Iza. “Kailangan mo munang matulog. Ang pinainom ko sa’yo ay may halong droga,” paliwanag niya kahit hindi na siya maririnig.   Habang yakap-yakap si Demone ay buong lakas niya itong dinala papasok sa loob saka pinahiga sa kama. Nilabas niya na ang kutsilyo na kanina niya pa tinatago at saka tinutukan sa leeg si Demone na walang kamalay-malay. “I’m sorry, Demone…” paghingi niya ulit ng tawad. “I’m sorry I have to do this.” “Are you sure? You can always rely on me, Iza.” Napapikit na lang si Iza nang marinig na naman ang boses ni Demone sa kanyang isipan. “No,” pagpilit niya pa rin sa kanyang sarili. “No, Iza…” at sa pag-iling niya ay nabitawan niya na lang ang kutsilyo dahil na rin sa nanginginig niyang kamay. Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib at pinakiramdaman ang bilis nang pagtibok ng puso niya. “Hindi ko kaya…hindi kita kayang patayin, Demone.” “Ang hirap na…” “Bakit ba ang bait-bait mo sa akin, ha? Bakit kailangan mong iparamdam sa akin na mahalaga ako?” aniya habang nagtatangka nang tumulo ang luha sa mga mata niya. Sa mga oras na ito, hindi na maitatanggi ni Iza ang tunay niyang nararamdaman kay Demone. Her 2nd mission to kill as a Mafia Reaper of Imperial Mafia failed…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD