Throne Palace “Inosente talaga si Dr. Orata?” tanong ni Fairoze. Nasa meeting room ulit ng Throne Palace ang Reyna’t Hari pati ang mga Mafia boss para sa isang diskusyon na naman tungkol sa pagkamatay ni Dr. Mike. “Oo, wala talagang nakuha sa kanya. Na kay Dr. Mike lahat,” tugon ni Amira. “Pero alam nating inosente si Dr. Mike, hindi ba? Maaari ngang may alam siya pero dahil sa nangyari sa kanya alam kong hindi siya ang traydor,” ani Ibbie. Sumang-ayon naman ang lahat dahil sa sinabi ni Ibbie. “Hayaan n’yo na,” nagsalita na si Mortem. “Ang Inferno Gang na ang bahala sa isyu na ‘yon. Itigil n’yo na ang pagsususpetsa kay Dr. Orata dahil mas lalo lang tayong mahihirapan na mahuli ang salarin.” Pumayag naman sila na ibigay na ang trabaho sa Inferno Gang na nasa pamumuno ni Morte

