CHAPTER 13

2333 Words
Philippines Makalipas ang dalawang oras ay nakarating na ang sinasakyang eroplano nila Demone sa Pilipinas. Bumaba na sila at nakisabay sa iba pang pasahero na naglalakad patungo sa Arrival area. Hindi nila inalintana ang tirik na araw. Wala ring naging problema dahil may kasama silang personnel na nag-approach sa kanila, namukhaan ito ni Visca kung saan nakita niya kanina sa folder na pinabasa sa kanya. “Hanggang dito na lang ako. Mag-iingat kayo, paalala ng Reyna,” mahinang sabi ng lalaki na nakarating naman sa tainga nila. “Salamat,” tugon ni Aeron. Habang ang tatlo ay tumango na lamang at kinuha na ang luggage nila mula sa trolley na hawak ng lalaki. “Let’s go,” ani Iza na tumalima naman ang tatlong kasama niya. May sasakyan nang nakahanda sa carpark na maaari nilang gamitin. Pinindot lang ni Demone ang hawak niyang susi ay tumunog na ito at nalaman agad nila kung saan naka-park ang kotse. Nauna nang sumakay ang dalawang babae habang si Aeron at Demone ay nilagay pa ang dala nilang bag sa compartment kung saan doon nakalagay ang importanteng gamit nila. Pagkatapos sumakay na rin sila sa kotse, si Demone na ang nagmaneho habang si Aeron ay katabi niya dahil sa likod pumwesto si Visca at Iza. “Visca, may lead ka na ba kung saan natin mahahanap ang Wipon Mafia?” tanong ni Demone kahit na alam niya na ang sagot. “I’m currently accessing their data’s organization,” tugon niya habang nakatuon lamang ang atensyon sa laptop na kinakalikot niya. “Mga ilang oras pa?” naitanong naman ni Aeron dahil gusto niya ng matapos ang misyon nila rito para mapuntahan na si Roze. “Thirty minutes. Ang hirap nilang hagilapin,” tugon nito. Napabuntong-hininga na lamang si Aeron, bahagya pang napasulyap si Demone sa kanya. “Sa tingin ko, hindi mo na kailangang gawin ‘yan, Visca.” Natigilan naman si Visca upang tignan si Iza. “Bakit?” nakakunot-noong tanong niya. “They’re not hiding. Tignan mo, mayroon pang social media si Dethro Wipon. Sikat siyang businessman,” paliwanag niya at ipinakita kay Visca ang article na nabasa niya sa cellphone. “Welcome to the Philippines. People here will never know, only us. Magaling silang magpanggap,” ani Demone. Napasapo na lamang sa noo si Visca habang si Aeron ay natawa naman. “Hindi katulad sa isla natin may sarili tayong batas at malaya tayo ro’n, e dito? Oras na mahuli sila, maaari silang maparusahan na naayon sa batas ng bansang ‘to,” ani Iza habang ang mga mata ay nakatingin na sa paligid mula sa bintana. “But their justice system is too bad. That’s why until now, they’re good at hiding their real identity while interacting with people, especially drug lords,” dagdag ni Aeron nang maalala ang nabasa niyang balita kagabi tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas. “I guess every state has its wickedness.” Napatango na lang si Aeron sa sinabi ni Demone. “Okay, fine! Para mapabilis ang misyon natin. Ikaw ng bahala, Demone,” mananahimik na lang dapat si Visca ngunit nagawa niyang ilabas ang inis niya dahil nasayang ang oras niya sa pag-operate sa laptop imbis na makapagpahinga siya. “Alam mo na ba kung saan sila mahahanap?” “Yeah, where is it, Iza?” sabi naman ni Demone. “Greene-villa,” sagot ni Iza. “Great, alam n’yo na pala. Bakit hindi n’yo sinabi sa akin agad?” Visca felt betrayed. “We already did. Hindi ka lang nakinig sa usapan kanina. Masyado kang abala sa laptop mo,” ani Aeron na nagpipigil na nang tawa. Napaawang na lamang ang bibig ni Visca na kaagad ding isinara, may sasabihin pa dapat siya pero itinikom niya na lang ang bibig niya. “Pinagti-tripan n’yo ako!” sa isipan niya na lang. “Masyado ka kasing seryoso sa trabaho mo. Relax, Visca. This is a democratic country, don’t be too hard on yourself,” ani Iza. Tumango na lamang si Visca at isiniksik na ang sarili sa gilid saka ipinikit ang mga mata upang matulog muna. Natahimik na sila at naisipan na ring matulog ni Iza dahil mahaba-haba pa ang byahe lalo na’t traffic pa sa dinaanan nila habang ang dalawang lalaki ay mulat na mulat sa daan. Makalipas ang ilang oras na paghihintay sa traffic ay umarangkada na ulit ang sasakyan. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa harap ng subdivision kung saan nakatira si Dethro Wipon. Nagising na ang dalawang babae at napaayos ng upo. Bago pa man sila pagbuksan ng gate ay tinanong muna ng gwardiyang nagbabantay ang identity nila. Hindi naman nag-alinlangan si Demone, kinuha niya ang card sa kanyang bulsa at ibinigay ‘to sa lalaki. Ang card na iyon ay galing mismo kay Amira Miller. Isang logo na makikita lamang sa Mafia Island. Nang mabasa ng lalaki ang nakalagay sa card ay nanlaki ang mga mata nito. “M-mafia—” natigilan na lang siya dahil napalakas pa ang boses niya sa kadahilanang baka marinig siya ng ibang tao. Matapos ibalik ang card kay Demone ay kaagad niya ng binuksan ang gate para papasukin na sila sa sariling subdivision ng Wipon Mafia. Ang lupa ay nakapangalan mismo kay Dethro Wipon. Ang mga taga-Mafia lang ang maaaring tumira dito o may kaugnayan sa Wipon Mafia. “Tuloy po kayo!” Tinanguan na lamang siya ni Demone at nagmaneho na patungo sa loob. Mayamaya pa ay nakarating na sila sa mismong mansyon ni Dethro Wipon. Sinalubong sila ng naglalakihang bodyguard na nakahilera sa harap ng mansyon. Pagbaba nila sa sasakyan ay kasabay rin nang pagpapakita ni Dethro sa kanila. “Good afternoon,” bati niya. Malumanay lang ang boses nito na parang hindi Mafia boss. Napatungo sila, pagbibigay-galang sa Mafia boss ng Wipon Mafia. “Ikinagagalak ko kayong makilala. Maaari ko bang malaman ang pangalan ninyo?” “Demone,” unang nagsalita ang lider ng grupo. Sunod na nagpakilala ay si Iza na sinundan ni Aeron at Visca. Tumango si Dethro at iminuwestro ang kanyang kamay patungo sa pinto papasok sa mansyon. “Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob para ipagpatuloy ang usapan,” aniya. Sinundan naman nila si Dethro hanggang sa makapasok sila sa mansyon at nagtungo sa sala. Pinaupo sila sa upuan, nasa mahaba silang sofa kung saan magkakatabi silang apat habang si Dethro ay napaupo sa isang armchair na nasa gilid. Tamang-tama lang ang pwesto niya para makausap ng maayos ang apat. May pinahanda namang meryenda si Dethro sa kanyang mga katulong na ngayon ay sini-serve na sa kanila. Isa-isa nila ‘tong nilapag sa table na pinapagitnaan nila. “Kumain muna kayo,” ani Dethro na kaagad namang sinunod ng apat. Si Demone ay napainom lang ng tsaa. Si Iza na kumuha lang ng isang slice ng cake. Si Visca na sarap na sarap sa cupcake na kinakain niya at hindi pa nakuntento dahil isa-isa yatang kakainin ang mga nakahandang sweets sa harap niya. Habang si Aeron ay tumikim lang ng isang biscuit. Bahagya namang natawa si Dethro habang pinapanood niya ang apat na kumain. Napasimsim siya sa kape at muling nagsalita. “1st mission n’yo ay hanapin ako. Akala ko ay gagabihin pa kayo pero nahanap n’yo agad ako.” “Naging madali lang sa amin na hanapin ka dahil sikat ang profile mo sa social media, Sir Dethro,” tugon ni Iza. Muli itong tumawa. “Tama ka nga riyan. Sikat akong tao rito pero hindi nila alam ang sikreto ko,” nakangising sabi naman ni Dethro. Napatango naman ang apat. “Well, kumusta sa Mafia Island? Balita ko ay madaming problema ngayon sa isla, madami pang namatay.” Napakunot ang noo ni Visca. “Namatay?” Wala silang kaalam-alam sa nangyari na nakaabot na ang balita sa iba’t ibang Mafia. Tumaas ang kilay ni Dethro. “I see. Hindi n’yo nga alam,” binaba niya ang hawak na baso. “Kaya kayo sinabak agad sa misyon ay para mailayo kayo sa isla dahil mapanganib na ro’n. Iyon talaga ang gustong mangyari ni Amira, ang Reyna ninyo.” “Kung gano’n kailangan na naming bilisan para makatulong—” hindi naman pinatapos ni Dethro si Aeron. “You must obey your Queen, right?” Napatungo si Aeron at marahang tumango. “So, you must understand the Queen for doing this to all of you.” “Yes, Boss!” tumalima agad sila. “Kaligtasan ang gusto niya para sa inyo kaya sana maintindihan n’yo. Take time while you’re all here. Enhance your skills and work for me. Is that clear?” “Yes, Boss!” “Call me Sir Dethro,” at tumayo na siya. “Sa ngayon ay magpahinga na muna kayo. Feel free to roam around in this house. Bukas ko na kayo papahirapan,” nakangiti pang sabi niya. Handa naman ang apat sa kahit anong hirap na ipapagawa sa kanila. Sanay na sila sa Mafia University kaya makakayanan din nila rito lalo na’t magaan naman sa kanilang dibdib ang ugali ng susundin nilang Boss na si Dethro Wipon.   “Yes, Sir!” tugon nila. Umalis na si Dethro para magtungo sa opisina niya dahil sa afternoon meeting mula sa kanyang kompanya. Sinundo na kasi siya ng sekretarya niya. “Sinasabi ko na nga ba,” tuluyan nang nagsalita si Demone. “Kaya tayo pinaalis agad ng Reyna para sa misyon na ‘to ay dahil sa problema na kinakaharap nila sa isla.” “Bukod sa Imperial, may iba pa silang kalaban,” sabi naman ni Iza. “Wala tayong choice kundi ang tapusin ang misyon natin dito,” napatayo na si Aeron. “I’ll just take a rest,” dagdag niya at nagpasama na sa isang katulong para ihatid siya sa kwartong tutulugan niya.   Naikuyom na lamang ni Aeron ang kamay niya at marahang sinuntok ang pader pagpasok niya sa kwarto. Gusto niya ng makasama ang babae, ipinangako niya pa naman kay Roze na susunod siya sa Japan. “Mukhang matatagalan pa ako rito,” sa isip-isip niya. Napabuntong-hininga naman si Visca. “Baka nga hindi pa tayo paalisin agad hangga’t hindi pa naaayos ang gulo sa Mafia Island.” “Mabuti na rin siguro ‘yon para hindi tayo maging sagabal sa kanila,” ani Demone. “Hindi lang dahil do’n. Ayaw rin tayong mapahamak ni Queen Amira,” sabi naman ni Iza. “Ano kayang ipapagawa sa atin ni Sir Dethro?” naitanong na lamang ni Visca at tumayo upang lapitan ang glass window sa harapan nila kung saan makikita ang hardin sa labas. Kung sa normal na sala ay mayroong television set na madalas makita sa bahay. Ibahin mo ang mansyon ni Dethro dahil imbis na television, ang kaharap nila ay isang glass window kung saan makikita ang kagandahan ng hardin. “Hindi ko alam,” sagot naman ni Iza. Sasagot na sana si Demone nang magsalita muli si Visca. Napailing na lamang siya at inubos na ang tsaang iniinom niya. “Ang yaman,” wala sa sariling nasambit ni Visca nang pagmasdan na ang buong paligid. Hindi niya na rin napigilang hawakan ang ilang mamahaling vase sa bawat sulok ng sala.   “Gusto n’yo bang ikutin ang mansyon?” pagsingit ng isang matandang lalaki. Servant ni Dethro, ang namamahala sa kaayusan ng bahay. Tuluyang napatayo si Demone at Iza dahil sa pagkagulat sa matanda. “Ah, sige po,” nahihiyang tugon naman ni Visca na nauna nang naglakad kasabay ng matanda. Nagkatinginan naman si Iza at Demone, sabay na napabuntong-hininga. Wala silang nagawa kundi ang samahan si Visca. Hindi nila ito maiwan mag-isa.   Viner Pagdating ni Amira at Mortem sa Viner, dumiretso kaagad sila sa opisina ni Dr. Orata. Pagpasok nila sa opisina ni Dr. Orata ay sinalubong naman sila ng doktor na parang kanina pa sila hinihintay. “Maupo kayo,” aniya. Umupo naman ang dalawa, kaharap si Dr. Orata. “May problema na naman ba?” nakangiti pang sabi nito. “Matagal mo na ring nakasama si Dr. Mike, hindi ba? Wala ka man lang napansin sa kanya?” hindi na nagpaligoy-ligoy si Amira. “Alam mo bang patay na si Dr. Mike? Tapos ikaw, parang wala lang sa’yo. Sino ka ba talaga, Dr. Orata?” “Oo, magda-dalawang taon na sana. Wala akong napansin. Mabait siya sa akin at maayos naman ang trabaho niya. Kagabi ko nalaman…at Amira,” he suddenly coughed. “Bakit ako magluluksa sa lalaking traydor?” at humalukipkip siya. Bahagyang nagulantang si Amira. Kumpleto ang sinagot sa kanya ni Dr. Orata na parang walang tinatago sa kanila. Hindi nagpatinag si Amira, nagtanong ulit siya. Si Mortem naman ay nakikinig lamang sa usapan habang hinahaplos ang hita ni Amira. “This will be the last, Amira,” tila nag-init ang tensyon sa pagitan ng dalawa. “Kung ayaw mong maniwala, wala na akong magagawa. Matagal na ako sa islang ‘to at ang katapatan ko ay nasa Hari pa rin at ikaw na anak niya ay lubos kitang nirerespeto kaya sana maintindihan mo. Wala na akong oras para makisali pa sa gulo n’yo ng Imperial. Matanda na ako.” At dahil nabanggit ni Dr. Orata ang Ama ni Amira ay tuluyan itong natauhan. Humingi na nang pasensya si Amira at nagpaalam na. Nauna nang lumabas si Amira habang si Mortem ay saglit na nagpaiwan. “Be careful, Dr. Orata. Hindi pa nahuhuli ang salarin kaya mapanganib pa rin sa isla. Baka isunod nila ang buhay mo,” paalala niya na may halong pagbabanta. “Salamat, Mortem.” Pagsara ni Mortem ng pinto ay napangisi na lang siya. Para sa kanya, umubra man ang sinabi ni Dr. Orata kay Amira, pwes sa kanya hindi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD