CHAPTER 12

2354 Words
“Kumusta ang kalagayan ni Dr. Mike?” tanong ni Amira pagpasok ni Mortem sa meeting room. Silang dalawa muna ang nasa loob dahil may inasikaso pa ang ibang Mafia boss tungkol sa nangyari kanina. Si Tim naman at iba pang mga Mafiusu ay nasa Viner pa rin. “Ginagamot na siya sa white room,” tugon niya at tinabihan na ang asawa saka hinawakan ito sa kamay. “How are you feeling?” dagdag niya. Ang White Room ay isang prison room kung saan doon kinukulong ang mga nahuling suspect o traydor sa isla para sa mahaba-habang pag-imbestiga. Malakas ang security doon dahil high profile ang mga kinukulong doon katulad na lamang ni Dr. Mike na pinaghihinalaang kasabwat sa Imperial Mafia na matalik na kaaway ng Mafia Island. Ngumiti si Amira at hindi na napigilang yakapin si Mortem. “I’m getting used this…killing them. Kung ‘yon ang paraan para hindi mamatay ang mga tao rito sa isla, gagawin ko. Hindi na ako natatakot na madungisan ng dugo ang kamay ko dahil ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko bilang Reyna ng isla para mapanatili ang kapayapaan dito sa isla.” “Yes, My Queen.” Humigpit ang pagkakayakap ni Amira kay Mortem. “Lalo na ikaw…ikaw na lang ang meron ako, Mortem. Ayokong mawala ka.” Kumalas na si Mortem upang mahalikan sa labi si Amira. “Mahal na mahal kita, Amira. Hindi ko rin kakayanin na mawala ka sa buhay ko.” “I love you more, Mortem.” Makalipas ang ilang oras ay dumating na rin ang mga Mafia boss. Umupo na sila sa kani-kanilang pwesto at sinimulan na ni Amira ang meeting. “Kumusta ang mga bata, Ryker?” panimula ni Amira. “H’wag na kayong mag-alala, ligtas ang mga bata na nakarating sa destinasyon nila.” “Mabuti na lang talaga ay nakaalis na sila bago sumiklab ang panibagong problema dito sa isla,” ani Fairoze. “Kaya nga,” sabi pa ni Zurikka. “Ano na? Hindi p’wedeng manatili na lang tayo rito at maghintay sa Imperial,” sunod na nagsalita ay si Kane. “Tama ka, Kane,” ani Wilder at ibinaling ang tingin kay Amira. “Huwag na nating hayaan na pumunta pa sila rito, Amira.” “Oo, alam ko,” tugon naman ni Amira. “Halata namang naghahanda na sila para sa gera na gusto nilang mangyari,” ani Ibbie. “Kaya paghahandaan din natin ‘yan,” sagot ni Mortem na matagal nang hinahanda ang Inferno Gang. “Nand’yan ang mga Gang para tumulong sa atin.” “Indeed,” pagsang-ayon ni Kane. “Ilang araw na lang naman ay aalis na kami ni Mortem,” sabi pa ni Amira. “At gusto ko sana na bago kami umalis ay maayos muna ang problema rito sa isla.” “Oo nga, lalo na sa Viner,” ani Rara. “Masyado tayong naging abala sa ibang bagay.” “Kung gano’n makakaasa ka, Amira. Pag-alis n’yo, kami na ang bahala rito sa isla,” ani Ryker. “Salamat sa inyo,” ani Amira at sandaling tinignan si Mortem. Nang magtama ang mga mata nila ay tipid na ngumiti si Mortem saka muling hinawakan ang kamay niya. “Let’s go. P’wede na nating makausap si Mike,” agap ni Daem. “Mabuti pa nga,” ani Amira at nagsitayuan na ang lahat. Palabas na sila sa meeting room ng Throne Palace nang bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang hingal na hingal na Mafiusa. “What happened?” tanong ni Daem. “S-si Dr. Mike—” hindi na nila pinatapos ang Mafiusa. Tuluyan na silang lumabas sa kwarto, napagilid na lamang ang Mafiusa at sumunod na rin sa kanila. Nagmadali sila para lang maabutan ang nangyayari sa Mafias Prison na malapit lang sa Viner dahil tago ang dalawang lugar na ‘yon kung saan hindi malapit sa siyudad. Makalipas ang sampung minuto na pagmamaneho ay narating na agad nila ang Mafias Prison dahil na rin sa tulong ng tauhan ni Ryker na pinagilid muna ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada para makarating sila agad sa Prison. Pagbaba nila sa kanilang sasakyan ay kumaripas na sila ng takbo patungo sa loob ng Mafias Prison. Dali-dali naman silang sinalubong ng Head Guard. Nakatungo lang ito, hindi makapagsalita sa kadahilanang nagka-problema nga sa bilangguan. Pagdating nila sa kwarto ni Dr. Mike ay natulala na lang sila nang tuluyang makita ang kalagayan nito. “f**k!” napamurang sigaw ni Daem. “Anong nangyari sa kanya?” nanlalaki ang mga mata ni Amira habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ni Dr. Mike. Nakahilera naman sa gilid ang mga gwardiya, nakatungo ang mga ito at handa nang tanggapin ang magiging parusa nila. Maski ang Head Guard na nasa gilid ng pinto ay nakatungo pa rin at nanginginig na ang katawan dahil alam niyang magagalit ang mga Mafia boss. “Anong nangyari sa kanya!” pag-ulit ni Amira na ngayon ay pasigaw niya nang sabi. Tuluyang napaluhod ang Head Guard. “Matapos siyang gamutin ay iniwan muna namin siya saglit ngunit pagbalik ng Mafiusa para masuotan ng maayos na damit ang lalaki ay nakita niya na lang ‘to sa sahig na patay na at may bula-bula na sa bibig,” paliwanag niya. “Nilason siya,” siguradong sabi ni Fairoze. “Bullshit! Sino na naman ang traydor!” hindi na rin napigilang sumabog ni Mortem. “This is insane,” hindi rin makapaniwalang sabi ni Zurikka. “Hindi ko na alam kung sino pa ang dapat paniwalaan,” sabi pa ni Ibbie. “We’re all in danger here,” ani Rara. Nang pumasok sa isipan ni Amira si Dr. Orata ay kaagad niyang tinawagan si Tim. Wala pang sampung segundo ay sinagot na ito ni Tim. “Linisin n’yo na ‘yan,” kalmado nang sabi ni Mortem. “Ihanda n’yo na rin ang libingan niya at siguraduhin n’yong mahuhuli ang salarin sa pagkamatay ni Dr. Mike,” utos niya sa Head Guard. “Yes, Boss!” tumalimang sabi ng Head Guard. Ang mga nakahilerang gwardiya naman ay sumunod na sa Head Guard. Nakahinga na sila nang maluwag dahil hindi na sila sinigawan ni Amira matapos nilang humingi ng tawad.   -On call- “Yes, Queen?” “Nand’yan ba si Dr. Orata? Ano ng nangyayari diyan sa Viner?” “Hindi siya lumabas sa Viner, Queen Amira. Nakasunod lang siya sa amin.” Napapikit na lamang si Amira at nagpakawala nang mabigat na hininga. “Bukod sa makalat na opisina ni Dr. Mike, iyon lamang ang nakita naming kakaiba. Inosente talaga si Dr. Orata dahil wala akong nakitang ebidensya na magpapatunay na siya ang traydor. Sa tingin ko, si Dr. Mike lang ang dapat managot.” “That’s the problem. Patay na si Dr. Mike.” Hindi agad nakasagot si Tim. “Paano na iyan, Queen?” “Let’s just meet in the Inferno HQ.” “All right, Queen!” -End-   Walang nagawa si Amira at ang kanyang mga kasama kundi panoorin na lamang na ilibing si Dr. Mike. Kasalukuyan na ring pinapahanap ni Ryker ang pamilya ni Dr. Mike para ito’y mailayo sa kapahamakan. Iyon na lang ang magagawa nilang tulong dahil hindi na nila maibabalik ang buhay ng lalaki. “I know this is crazy, but Dr. Mike is innocent. Nadawit lang siya sa Imperial Mafia!” muling nakaramdam ng galit si Amira habang nagpapaliwanag. “Yes, baby. Calm down,” pakiusap ni Mortem habang hinahaplos na ang likod ng asawa. Nasa loob na sila ng opisina ni Mortem, sa HQ ng Inferno Gang. Katatapos lang ng libing kanina. Inabot na sila nang paglubog ng araw bago makarating sa HQ dahil may inasikaso pa sila sa Throne Palace lalo na’t may tinapos pang pirmahan na papeles si Amira. “Hangga’t hindi pa nahuhuli ang tunay na salarin nanganganib pa rin tayo rito. Sigurado akong pinatay na siya bago pa masabi sa atin ni Dr. Mike ang tungkol sa nalalaman niya.” “Sunod-sunod ang problema. Mabuti na lang nakaalis na ang mga bata,” ani Amira. Iyon talaga ang gustong mangyari ni Amira para mailayo sa gulo ang mga bata. “Yes,” at niyakap na ni Mortem si Amira. “Don’t worry. Ako na ang kikilos.” Kaagad namang humiwalay si Amira sa yakap ni Mortem nang marinig ang sinabi nito. “What? No. Akala mo ba hindi ko alam? Palagi ka kayang nakilos para sa kapakanan ko. Alam ko na ikaw ang nagpapatahamik sa ibang Mafia boss na ayaw akong mamuno rito sa isla. Kung hindi dahil sa’yo paniguradong hindi na ako Reyna ng Mafia Island kaya…” hinawakan ni Amira ang magkabilang pisngi ni Mortem. “Thank you, baby. I love you so much.” Tuluyan nang napangiti si Mortem at hinawakan ang isang kamay ni Amira na nakahawak sa pisngi niya. “I love you more. Para sa’yo gagawin ko lahat, Amira.” Napatango na lamang si Amira at niyakap na pabalik si Mortem. Mayamaya pa ay nakarating na si Tim upang i-report ang balita tungkol sa Viner. Habang binabasa ni Amira ang files sa folder na dala ni Tim ay nag-usap naman ang dalawang Mafiusu. “Wala ka talagang napapansing kakaiba kay Dr. Orata?” “Wala talaga, King Mortem. Kalmado lang siya at tumulong pa nga sa amin kanina. Sa mga oras na nasa presinto si Dr. Mike ay nasa tabi ko si Dr. Orata at hindi siya nakita ng mga tauhan na lumabas. Nasa Viner lang siya buong maghapon.” “My guts tell me that there is something else,” ani Mortem at pinagkrus ang mga daliri habang nakapatong ang siko sa hita. “Me, too,” pagsang-ayon ni Amira. Napalunok si Tim nang maramdaman ang tensyon ng dalawa. “Ano ng gagawin natin, Queen?” at ibinaling din ang tingin kay Mortem. “King?” “For now, bantayan n’yo si Dr. Orata. Huwag n’yong ipahalata na pinagsususpetsahan natin siya.” “Masusunod,” tugon ni Tim kay Mortem. Napabuntong-hininga na lamang si Amira at tinapon na ang folder sa table matapos niyang basahin saka napasandal sa upuan. “Dr. Orata is innocent,” aniya sapagkat iyon ang sinasabi nang nabasa niya. “Pero tama si Mortem, Tim. Huwag kayong magpapahuli.” “Yes, Queen.” Pagkatapos ng huling habilin ni Amira kay Tim ay nagpaalam na siya para bumalik na sa mansyon. Muling naiwan ang dalawa. Inutusan naman ni Mortem ang isang Mafiusa na hatiran sila ng pagkain dahil oras na ng hapunan. Habang hinihintay ang pagkain ay sumandal muna si Amira sa dibdib ni Mortem upang magpahinga. Si Mortem naman ay hinalik-halikan ang ulo ni Amira habang yakap-yakap ito. “Are we going to be okay?” natanong na lamang ni Amira. Natigilan naman si Mortem at nang tumingala si Amira sa kanya ay lumabas na lamang ngiti sa labi niya. “We’ll going to be okay, baby.” Kumain na sila nang dumating na ang pagkain. Payapa lang silang kumakain nang may gumambala sa kanila. Biglang tumawag si Kane. Napatigil sa pag-kain si Mortem upang sagutin muna ito dahil baka importante. Maski si Amira ay tumigil, ni-loud speaker ni Mortem ang cellphone niya para marinig din ito ni Amira.   -On call- “Man, patay na ang pamilya ni Dr. Mike.” “What the f**k? Kailan pa?” hindi makapaniwalang sabi ni Mortem. Si Amira ay napayuko na lamang. “Kanina lang din. Kung anong oras pinatay si Dr. Mike, gano’ng oras din pinatay ang pamilya niya. The Imperial Mafia plan it all! They all saw this coming.” “Pinaglalaruan nila tayo!” sa kabilang linya ay narinig nila ang boses ni Ryker. “Magbabayad sila…kailangan nilang magbayad sa mga kahayupang ginawa nila!” mariing sabi ni Amira. -End-   Hindi na nila naubos ang pagkain dahil sa binalita ni Kane. Nawalan sila ng gana at tuluyang umusbong ang galit ni Amira sa Imperial Mafia. Mayamaya pa ay naisipan na rin nilang umuwi sa mansyon upang makapagpahinga dahil maaga pa silang pupunta bukas sa Viner para makausap muli si Dr. Orata.   Viner Sa gitna ng gabi, napahalakhak na lamang si Dr. Orata nang muling maalala ang nangyari kanina. Nagtagumpay siya sa kanyang plano. Napaglaruan niya ang Reyna at mga Mafia boss. Lingid sa kaalaman niya na bago pa man siya mahuli ng kanang-kamay ni Amira ay nakagawa na siya ng plano para hindi siya mabuking at ‘yon ay gawing scapegoat si Dr. Mike. Kasalukuyan siyang nasa itaas ng gusali, nagpapahangin. “So peaceful and quiet…” at napasimsim sa kape habang nakatingin sa tanawin. Nang tumunog ang cellphone sa bulsa ng lab coat niya ay kaagad siyang napatayo ng tuwid. Naging seryoso din ang ekspresyon ng mukha niya at napatikhim bago sinagot ang tawag. “Yes, Milady?” aniya. “Well done, Dr. Orata!” tuwang-tuwa na sabi ni Livia sa kabilang linya. Bakas pa ang pagtawa nito. “Thank you, Milady. Darating na rin diyan ang pera na nakuha ko sa nakaraang transaksyon. Huwag kang mag-alala, hindi na ako magpapahuli.” “Oh, it’s fine. Kahit na may mamatay pa basta ‘wag lang nilang malalaman na ikaw ang tunay na may kasalanan dahil kailangan pa kita. Nagustuhan ko ang ginawa mong pagtataksil kay Dr. Mike. I can’t wait to see Amira’s down fall.”   Napatango na lamang si Dr. Orata kahit na hindi siya makikita at nagpaalam na kay Livia. Matapos ang tawag ay inubos na ni Dr. Orata ang kape niya sa paper cup at marahas itong nilukot saka tinapon sa ere na parang doon binuhos ang galit. “Kailan nga ba mamamatay ang isang katulad ko?” naitanong niya na lamang sa kanyang sarili kasabay nang pagsalubong sa kanya ng hangin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD