CHAPTER 88

2166 Words

Jet Black Gang (Mansion) “Iza, anak?” Pahiga na sa kama si Iza nang may kumatok sa pinto. Kaagad siyang lumapit sa pinto upang pagbuksan na si Fairoze nang marinig niya ang boses nito na tinatawag siya.  “Mom,” nakangiting aniya nang makapasok na ito. Niyakap naman siya ni Fairoze at umupo muna sila sa sofa upang makapag-usap. Mayamaya pa ay kinuha naman ni Iza ang suklay niya na inutos sa kanya ni Fairoze. Pagkabigay niya ay sinimulan na ni Fairoze na pagsusuklay sa buhok ng anak niya. “May problema po ba?” naitanong na ni Iza. “Pangarap ko kayang gawin ito,” nakangiting sabi ni Fairoze. “Salamat sa pagbabago mo, Anak. Ngayon ay nakikita na kitang ngumingiti. Masaya ako dahil madalas ka na rin naming makausap,” sinserong sabi niya habang marahang sinusuklayan ang buhok ni Iza.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD