Samantala, habang nagmamaneho si Kane ay nag-usap naman sila ni Zurikka tungkol sa napansin nila kanina sa meeting. Hindi lang sila nakaramdam no’n kundi pati rin sila Wilder at Ibbie na ngayon ay pauwi na rin para masamahan na ang kanilang anak. Katatapos lang mag-message ni Zurikka sa kanilang anak kaya naman ibinaling niya na ang paningin sa asawa. “Hon, napansin mo ba sila Fairoze kanina?” panimula ni Zurikka. “Yes, love.” Pagtango niya. “Mukhang may problema sila at hindi komportable sa pinag-uusapan kanina.” “Oo nga!” namilog ang mga mata ni Zurikka nang may mapagtanto. “Iyon ‘yong tinanong mo na ang tungkol sa bata na traydor. Hindi kaya may alam sila?” “Maybe, one of their children is a traitor,” tugon ni Kane na hindi malayo sa katotohanan. Nanlaki ang mga mata ni Zurikk

