Part 1 – Mafia’s Competition Makalipas ang ilang araw na pag-eensayo ng mga Mafia student at paghahanda ng mga guro ay dumating na rin ang pinakahihintay nilang araw ng kompetisyon. Nagsama-sama na ang mga magkakagrupo at sabay-sabay na tinahak ang daan papasok sa open stadium para sa opening ceremony. Napaupo na sila sa kani-kanilang pwesto. Elite Gang, Santo Ria Mafia, Arazona Mafia, Mckinley Mafia, Talifa Mafia, Deus Mafia, Falco Mafia, Polar Mafia, Emenz Mafia, Borza Gang, Dino La Organization, and Ordinaries. Sila-sila ang mga estudyante ng Mafia University na magtatanghal sa iba’t ibang kompetisyon na may kinalaman sa pakikipaglaban at patalinuhan sa mundo ng Mafia. Hindi naman makakasama ngayon si Philip Micasa sa opening ceremony dahil kinailangan pa niya ulit dumaan sa mga

