Part 2 – Mafia’s Competition Pangalawang araw ng kompetisyon. Mas naging mabigat ang mga larong sinalihan nila at mas nangibabaw ang tensyon sa pagitan ng mga estudyanteng magkakalaban. Ngayong araw ay isa laban sa isa o dalawa laban sa dalawa pa rin ang mga paligsahan na binuksan. Sa mga susunod na araw pa magkakaroon ng patimpalak ukol sa grupo. Muli namang naging kumpleto ang Elite Gang dahil kasama na nila si Philip. Bago magsimula ang kompetisyon ay nagsama-sama muna sila sa isang classroom upang tignan ang bagong schedule nila sa mga laro na nakalagay sa teacher’s table. “Welcome back, Philip!” nakangiting sabi ni Yumi. Binati rin nila Snow, Gabriel, Roze, at Iza ang lalaki nang makita na nila ito. “Salamat,” nakangiti ring sabi ni Philip. Inakbayan naman ni Jasper si Phi

