Nagpatuloy ang kompetisyon habang si Amira at Mortem ay may sarili ding pinagkakaabalahan. Umaga pa lang ay nagtungo na sila sa Mafias prison matapos nilang dumaan sa Throne Palace. Pagkababa nila sa sasakyan ay nagtungo na sila papasok sa gusali ng presinto. Muli nilang kakausapin si Dr. Orata at sa mga oras na ito ay pinalabas na ang balita sa mundo ng Mafia na patay na ang doktor sa Mafia Island. Na kagabi lang ginawa ang kunwariang pagpatay sa matanda. Ang Gang ni Kane at Daem ang nagsagawa nito habang sinusunod ni Dr. Orata ang sinasabi nila. “Kumusta, Dr. Orata?” ani Amira nang magkaharap na sila. Wala si Mortem sa tabi niya ngayon dahil nagtungo ito sa pinakataas kung saan ang opisina ng head guard para ito’y kausapin. Wala siya sa loob ng kwarto ni Dr. Orata kundi nasa isang ro

