MAKALIPAS ang isang araw, ipinatawag sila upang muling makaharap ang mga imortal na tinutukoy ng mga kaibigan niya. Nasa loob sila ng isang silid na halos puti ang nakikita sa paligid at ang sahig nito ay nababalutan ng puting usok. Inihanda na rin ni Po ang sarili oras na may mga kakaibang ipapakita ang mga ito sa harapan nila. Kasama na nila si Mitch na noon ay nagkamabutihan na sa asawa nitong si Hephaestus. Wala na rin ang malakas na ulan na siyang dahilan na rin na hindi pagkakaintindihan ng dalawa ayon sa mga nalaman nila.
"Mitch, sino bang kakausap sa atin dito? Ang cool sana ng lugar pero kakaiba," bulong ni Anna rito.
"Chill ka lang, Anna. Malalaman niyo rin mamaya," tugon nito.
"Mukhang nasa heaven na tayo. Puting-puti ang buong paligid at kulang na lang ay pakpak," biro ni Jingky.
"Ssshh. Silence please!"
Napalingon ang lahat sa likuran nila nang marinig ang nagsalitang boses ng isang lalaki. Nanlaki na lamang ang mga mata nilang naroon na ang mga ito. Ang iba naman ay nakangiti at ang iba naman ay seryoso lang. Nahagip na naman ng paningin niya ang binatang kagabi pa laman ng isipan niya. Siya na naman!
Muling itinuon nila ang atensiyon sa harapan saka unti-unting lumitaw ang isang imahe ng lalaking halos kasing-edad lang ng mga kalalakihang naroon. Umusbong na naman sa loob-loob niya ang bahagyang pagkagulat at pagkamangha dahil sa unang pagkakataon ay nakakita sila ng taong bigla na lang lumitaw sa kanilang harapan.
"Hi! I'm Sifu. Alam kong nagtataka kayo kung bakit kayo naririto at kung bakit ko kayo ipinatawag. Well, some of you know about the reason why I gathered you here." Seryosong wika ni Sifu sa lahat na naroroon.
"Uhm, excuse me. Is this all about this odd thing?" Ipinakita niya ang tsuka ng isang katana o handle na walang talim. Wala naman na kasing ibang dahilan kung 'di ang kakaibang bagay na iyon na nasa pangangalaga nila.
"Definitely, yes!" Sifu answered.
"Maaari niyo bang ilapag ang lahat ng mga tsuka sa mesa." Tukoy nito sa puting mesang kwadrado na nasa gawi nito.
Isa-isa naman silang nagsilapitan sa mesang naroon sa harapan at inilapag ang mga hawak. Nabanggit na ni Mitch ang tungkol sa mga handle at sa magiging tadhana nila kasama ang mga binatang imortal. Subalit kailangan pa rin nilang maliwanagan sa lahat ng mga posibleng mangyari dahil hindi naman iyon ganoon kadali.
"Okay. Mayroon ditong walong tsuka ng katana maliban sa dalawang hikaw na nasa tenga ni Khorie at ang bangle na nasa kamay naman ni Jho. Labindalawa ito at kulang pa ng isa." Bumaling si Sifu kay Khorie. "Sino pa ang pinagbigyan mo?"
"Ho? Uhm, iyong isang kaibigan namin na naka-base rito sa London. She is working under G&A International Telecommunication Department," tugon ni Khorie.
"Alright. Anyway, did Mitch told you about the legend of the swords?"
Sabay-sabay silang nagsitanguan. Noong isang araw nila nalaman ang bagay na iyon at kahapon naman nila nalaman ang mga pangalang nakaukit sa tsuka. Pangalan kung saan nila ito ipagkakaloob matapos itong magliyab. Napag-alaman na rin nila na hindi kaya ng diyos ang ilabas ang alab nito at tanging sila lamang ang makakagawa niyon ayon na rin sa naunang flaming blade carrier na si Mitch.
"Alright. Upang magabayan kayo sa tadhana niyo, inaatasan ko ang isa sa mga Legendary Sorceress upang tumulong sa pagtupad niyo sa tadhanang iyon hanggang sa itinakdang araw." Pagpapatuloy ni Sifu.
Bumulong si Jingky kay Mitch. "Sorceress? Talaga bang may sorceress pa sa panahong ito?"
"Oo. Sabi ko nga ay nasa Hogwarts tayo," napangiti si Mitch dito.
"Hogwarts? Kulto 'ka mo," sabat niya.
Suddenly, a beautiful woman appeared in front of them. She’s wearing a white sorceress dress with white hood and a magical stuff on her hand. Napamaang at nagulat na naman sila sa ipinamalas na mahika. Totoo nga! Kulang na lang ay himatayin sila isa-isa sa mga nakikita. Akala nila ay sa mga pelikula lang nangyayari ito subalit hindi.
"Yes. Ako ang isa sa mga gagabay sa inyo." Tinanggal nito ang white hood na nakatakip sa ulo nito.
"Wow!" Hindi naiwasang mapahangang sambit ni Khale at mapamaang. "She's really beautiful and she really exist!
"Para akong nanonood ng fantasy movie," titig na titig din si Lea.
"Popcorn please..." Napapailing na biro na lang ni Jingky.
Nagsalitang muli si Sifu. "Mula ngayon, siya na ang naatasan kong gumabay sa inyo. Siya na rin ang magtuturo ng mga dapat niyong gawin at maghahanda sa inyong pagte-training."
"Tama si Sifu. Ako nga pala si Andromeda. Isa ako sa mga makakatulong sa inyo lalo na ang tungkol sa mga flaming blades. Ikinagagalak kung makilala ang mga bagong carrier na nandito." She also bowed her head to show respect to the Gods in front of her. "Alam kong hindi lingid sa kaalaman ng iba sa inyo ang nakatakdang maging tadhana niyo. Ang iba sa inyo ay nagdadalawang isip pa rin hanggang ngayon. Tama ba ako?" Isa isa silang tinitingnan nito.
Naglakas loob na nagtaas ng kamay si Jona. "Miss Andromeda, hindi naman maiiwasan na maramdaman namin iyon. Natural lang iyon dahil nasanay kaming mamuhay sa simpleng paraan at hindi nahahaluan ng kung anong mahihiwagang bagay. Mag-aadjust oo at sana po kahit papaano ay may freedom pa rin kami. Nakakabigla po na isipin ang matutunghayan namin dito ay ang kakaibang misyon. Bigyan niyo po sana kami ng panahon para unti-unting matanggap ang bagay na tinutukoy ninyong tadhana namin sa kanila." Tukoy ni Jona sa mga binatang may kakaibang kakayahan.
"Freedom? Katulad nina Michelle at Hephaestus, hangga't hindi pa dumating ang itinakdang oras, mamumuhay naman kayong malaya. Iyon nga lang ay kailangan niyong masanay kung paano gamitin ang mahika na nakapaloob sa katana. Dahil kaakibat ng isang matinding responsibilidad na iyan ay malalagay sa panganib ang inyong mga buhay. You should learn how to use magic."
"Gusto ko iyang magic na iyan, Miss Andromeda. Kailan po kaya kami mag-uumpisang mag-training?" tanong ni Jingky. Bakas sa mukha nito ang excitement.
"Sa lalong madaling panahon. Makakatulong ang mga binatang iyan kung paano niyo gagamitin ito," muling tugon ni Andromeda.
"Siyangapala, sila na rin ang bahala sa mga pangangailangan niyo habang nandito kayo sa Green Valley." Sumingit si Sifu. "Nangangako rin ang buong society na gagawa kami ng paraan upang mapigilan ang itinakdang araw. Gabayan sana tayo ng lumikha. Kunin niyo na ang mga tsuka na nasa mesa."
Wala silang nagawa kung 'di ang sumunod. Wala rin silang magiging choice kung sakaling tumanggi pa sila. Subalit hindi pa rin mawawala sa isipan nila ang pag-aalala para sa mga mahal nila sa buhay. Kung ang pagiging undercover ay nasa bingit ng kamatayan ang buhay nila, sa tadhanang tatahakin pa kaya nila? Pagkalabas nila sa kwartong iyon ay dumiritso na ang lahat sa kanilang kwarto habang ang mga binata naman ay nagpaiwan sa loob.
MAKALIPAS ang dalawang linggo, ikinasal ang kaibigan nilang si Mitch kay Hephaestus. Buong puso nilang sinuportahan ito dahil naramdaman naman nilang mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa kahit na hindi pa roon natatapos ang lahat. Nag-anunsiyo rin si Zeus na pagkatapos ng kasal ng dalawa ay sasailalim na sila sa matinding training.
"Po!" tawag ni Anna.
"Yes?" Lumingon siya rito at nakita niyang papalapit si Anna sa kaniya.
"Saan ka pupunta?"
"May bibilhin ako sa Center Valley. Gusto mong sumama?"
"Ah, hindi na. Sa..sa garden ako tutungo. May kakausapin lang."
Napakunot-noo siya. "Sino?"
"Si...si Persius." Nag-alangan pa itong tumugon.
"Si Persius? Ah..."
"Yeah. Sige at baka hinihintay na niya ako." Ngumiti ito sa kaniya saka ito naglakad patungong Root Valley Garden.
Gumanti din siya ng pagkakangiti sa kaibigan saka sinundan niya ito ng tingin habang papalayo. Maya-maya pa ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad palabas. Mabuti pa si Anna, kinakausap na ni Persius. Ang lalaking pag-aalalayan niya ng mahiwagang sandatang iyon. Ang iba naman ay mukhang kasundo na rin ang mga lalaking iyon. Sa dalawang linggong pananatili namin rito ay halos nakakasalamuha ko na rin naman sila maliban kay— Napatigil siya sa kakaisip saka napailing. Hay, ewan! Kung bakit pa sa lahat ng pwedeng pagbigyan, siya pa!
Hindi pa siya nakakalayo sa Root Valley nang bigla na lang umihip ang malakas na hangin. Nagulat siya at mabilis na napahawak sa laylayan ng bestidang suot. "Anong——" Mabilis din niyang hinawakan ang mahabang buhok at hinawi mula sa pagkakatakip sa mukha niya.
It was slow motion when she saw a man walking towards her. Not just an ordinary man but—it's him! Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya habang papalapit ito nang papalapit. His massive looked with forehead wrinkled while staring at her glance deeply. Hindi niya maintindihan nang sandaling nagtama ang kanilang mga paningin kasabay ng pagbilis ng pintig ng kaniyang puso. Hindi niya naramdaman ang ganoong atraksiyon kahit na sa nobyo niyang naiwan sa Pilipinas. Yes! She has a boyfriend and they are already engaged. Balak na sana nilang magpakasal sa susunod na taon ngunit hindi na mangyayari iyon. Hindi pa niya nasasabi ang bagay na iyon sa nobyo dahil naghahanap pa siya ng tiyempo.
"Don't stare at me like that or else I'll curse you," seryosong wika nito.
"Huh?!" Noon lang niya naramdamang nasa harapan na pala ito. "Ah..." Napuna rin niyang hindi na umihip ang malakas na hangin sa paligid. Mabilis niyang binitawan ang pagkakahawak sa laylayan ng bestida niyang medyo naka-angat na pala at inaayos ang ilang mga hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya. Damn! Naisip niyang ito ay may kagagawan sa biglang pagbabago ng paligid.
"Come with me and let’s talk about some important matters," he said.
"Talk about what?" she asked.
"You already heard me, woman. Ayoko ng paulit-ulit," pagsusungit nito.
Napameywang siya. "Mister, ang ibig kong sabihin kong anong klaseng pag-uusapan natin. Does it sound like redundancy? Malay ko ba sa mga pinagsasabi mo at hindi naman tayo close! At kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon!" Hindi niya naiwasang sungitan din ito. Mapagpasensiya siyang tao ngunit mauubusan siya kung ito ang lagi niyang kaharap. Malay ko rin kung saan mo ako dadalhin!
Naningkit ang mga tingin nito sa kaniya at mas lalong napakunot-noo. "Yeah. It sounds like that. I want to talk you privately. Sumunod ka kung ayaw mong—" Pinasadahan siya nito ng tingin. "Nevermind!"
Matapos itong magsalita ay biglang hinawakan nito ang kaliwang braso niya saka sila tila dumaan sa isang time travel zone. Sandali lamang iyon ngunit nagdulot naman iyon ng hindi niya paghinga ng ilang segundo.
"Follow me."
"Huh?! Anong—" Napasinghap siya. "Anong ginawa mo?!"
"I did nothing."
"It was like—I'm—" Hindi siya makapagsalita nang diretso. Abot-abot rin ang kaba sa dibdib niya nang maramdaman ang kakaibang reaksiyon ng paligid at katawan niya.
"It's a time travel and I also used a vanishing spell to divert. Huh! Bakit ba ako nagpapaliwanag sa isang mortal?" Noon lang nito binitawan ang braso niya at tumalikod saka naglakad.
"Time travel?!" Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Paulit-ulit."
Narinig niya ang huling sinabi nito saka natuon ang mga mata niya sa malaking bahay. Nagpalinga-linga na rin siya sa paligid at noon lang niya napagtantong nasa ibang lugar na siya. Nahintakutan man siya sa sarili subalit sumunod pa rin siya sa binatang pumasok na sa loob. Pambihira!
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakausap niya ito at nakalasamuha nang matagal. Hindi pa man sila pormal na nagpakilala sa isa't isa ngunit ramdam na niya ang bigat sa kaloobang hindi talaga sila magkakasundo. Ang binatang diyos na ito ang pinakakaiba sa lahat ng nakilala niya.
NATAGPUAN ni Po ang sariling nakaupo sa malambot na sofa habang naghihintay sa binata. Bakit ba ako nandito? Ginamitan ba niya ako ng mahika para sumunod? Infairness, ang lawak at magara ang bahay na ito. He owned this Europian house? Sino kaya ang kasama niyang tumira dito? Pero...pakialam ko kung sino ang kasama niyang tumira sa bahay na ito! Nagtatalo ang isipan niya nang dahil sa inis niya sa binata.
"Juice." Inilapag ng binata ang isang baso ng orange juice sa center table.
Gulat pa siyang napatingin dito nang bigla na lang itong lumitaw sa harapan niya. It's a kind of vanishing spell again. Anong— Napamaang din siya habang nakatitig sa gwapong mukha nito. Inaamin niyang attractive siya rito ngunit hindi sa ugaling mayroon ito. Lahat naman ng mga kabaro nito ay may taglay na charm ngunit iba ang dating nito sa kaniya. At kahit sinong mortal ay maaakit sa karismang taglay ng mga diyos tulad nito
"Inumin mo na at ng matanggal iyang mga ipis sa utak mo." Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha at ang pagsusungit nito.
"Anong ipis? Ayoko nga! Baka mamaya may lason pa iyan o kaya isumpa mo ako. You're so rude!"
"Rude na kung rude!" Umupo ito sa tabi niya.
"Iinumin ko lang iyan kapag ikaw ang unang tumikim. Ano ba kasi ang pag-uusapan natin?" Napahalukipkip siya.
"If I wanted to end your life as soon as possible, that's not the way I should do to you. I can burn you alive or end your life with a click of my finger if ever I wanted."
"Malay ko kung gusto mo akong makitang nahihirapan!"
Narinig na lamang niya ang mahinang buntong-hininga nito saka ito natahimik. Muli niya itong sinulyapan sa tabi saka nito kinuha sa ilalim ng center table ang isang plastic envelope. Binuksan nito ang laman at inilapag sa mesa ang mga laman. Dalawang cards at iilan mga dokumento ang mga naroon. Nagtataka siya ngunit hinintay na lamang niyang ang binata na ang magpaliwanag nito sa kaniya kung para saan iyon.
"It's yours." He said. "You can use it while staying here or travel somewhere. Napagkasunduan ng board na bigyan kayo ng access sa lahat ng facilities dito sa Green Valley at sagot na namin ang lahat ng financial needs niyo. It's up to you if you'll use it or not."
Umiwas siya ng tingin dito at itinuon sa mga nakalapag sa center table. "How about that documents? Para saan naman iyan?"
"Why don't you try to take a look on it? Baka masagot mo ang tanong mo na iyan," sarkastiko nitong tugon.
Nagpipigil siya sa sariling dinampot ang mga papeles at binasa. Kung hindi ka lang kakaibang nilalang, kanina pa kita gustong—naku! Nanggigil ako sa'yo! Inis na inis na siya ngunit gusto pa rin niyang huminahon. Ayaw niyang ang binata lang ang dahilan ng pagkasira ng araw niya. Itinuon niya ang pagbabasa sa mga nakasulat doon at nanlaki ang mga mata niya sa mga nabasa.
"That's the contract between your family business and my transportation business at the Philippines. Kung bakit pa kasi naisipan ng pamilya niyong mag-business ng mga kabaong at gustong mag-export."
Gusto niyang matawa ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili. "Eh, business nga hindi ba?" Napataas pa ang kilay niya. "So, ikaw pala ang dapat mag-approve nito." Hindi na niya naalala ang kontrata na iyon dahil matagal na itong hinihintay ng mga magulang niya at hindi na niya natandaan iyon.
"Kung magpapakabait ka sa akin, I'll help your family with the other clients to invest. Mag-invest ng kabaong," pagdidiin sa huling sinabi nito.
Muli niya itong sinulyapan na saktong nagtama na naman ang tingin nila sa maraming pagkakataon. "Paano kung ayokong maging mabait sa'yo? At ano naman ang masama kung mag-business kami ng kabaong? Gusto mo sukatan pa kita e!"
"Bahala ka. Sundin mo lang ang mga gusto ko, magkakasundo tayo. "
"Paano nga kung hindi ako susunod?"
"Gagawin kitang pataba sa lupa," banta nito.
"What?! That's the way how you treat a mortal woman like me?"
"Yeah. Ibahin mo ako, Miss." Tumayo ito. "Sige na, umuwi ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo." Pagtataboy nito sa kaniya.
"I have a name, Mr. Arrogant!" Napatayo na rin siya. "Bahala ka nga sa buhay mo!" Inirapan niya ito at akma na sanang aalis ngunit napansin niyang hindi pa niya nainom ang juice. Kinuha niya ito saka diri-diritsong nilagok ang buong laman. "Nauhaw ako!" Inunahan na niya ang binata pagkatapos niyang ubusin ito saka niya muling inilapag ang baso.
"May lason iyon," wika nito.
"Mumultuhin naman kita kapag namatay ako!" Tinalikuran niya ito at naglakad na palabas subalit bumalik siya dahil may nakalimutan siyang dalhin. Mabilis niyang dinampot sa center table ang dalawang cards. "Sayang din ito!"
"Ares. I want you to call me in my ancient name."
Napatigil siya saka muling pinagmasdan ang binata. Naroon pa rin ang ganoong ekspresyon nito sa mukha ngunit may hatid na kakaiba ang huling linyang sinabi nito. "Hindi ako interesado sa pangalan mo." Hindi na niya hinintay ang tugon nito saka siya tuluyang lumabas ng bahay nito. I don't care if who you are! Ayokong makilala ang lalaking pasan ang daigdig at pinaglihi sa kadiliman. Parang hindi imortal ang isang iyon. Hay, mababawasan ang ganda ko sa'yong tukmol ka! Pagngingitngit niya.