IT WAS a rainy morning when Ares walk through outside of his European house. The wind is howling and swirling surround. He rolled his eyes around and saw the dusky atmosphere with furious lightning. What are you doing, Hephaestus? Do you want to ruin this world? He uses his ability to stay dry while he's outside with zero visibility raindrops.
"Ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Isn't that great?"
Marahan siyang nagbaba ng tingin saka niya nabungaran ang nakangiting si Anchises. Nasa harapan niya ito at tulad niya ay hindi rin ito nababasa ng ulan. Isang kakayahan na tanging sila lamang na imortal ang nakakagawa.
"We can reverse this kind of worst spell." Naglakad ito palapit sa kaniya. "But, this is the best way on how to show our dejected feelings. Masyadong nasaktan ang kabaro natin sa sinapit niyang buhay pag-ibig sa isang mortal. Ito rin ang paraan kung paano natin pinapakita ang nararamdaman natin sa opposite s*x. It sounds weird but—"
"Isn't weird!" Pinutol niya ang sinasabi ng kabaro. "He doesn't know how to control his feelings when it comes to her. Masyado siyang nagpadala sa damdamin niya sa mortal na iyon!"
"Bro, you can't blame him. Hephaestus is in love! Sige ka, kapag ikaw naman ang tinamaan ng pana ni Kupido, kakainin mo rin iyang sinabi mo." Nag-uumpisa na namang mang-asar si Anchises sa kaniya.
"If ever it will happen, I'll curse Cupid and throw him away together with his bow and arrow to Tartarus!" Banta niya. "Siyangapala, bakit ka nandito? Kung sisirain mo na naman ang araw ko, then better stay away from me."
"Chill ka lang, Ares. Walang kasalanan si Kupido para gawin mo iyan. By the way, let's go to Green Valley Office. Zeus wants to discuss some important things about our transportation in Middle East."
"Oh? At kailan ka pa naging messenger ni Zeus?"
"Ngayon lang. Tara na at pag-uusapan na rin natin kung paano pahuhupain ang masamang panahon na ito," yaya nito sa kaniya.
"Itanong mo sa kabaro mong nabaliw nang dahil sa babae," napailing siya.
Napapangiti na lamang sa kaniya si Anchises saka sila gumamit ng vanishing spell. Isang spell na kayang mag-divert sa iba't ibang lugar o maglaho kung kailan nila naisin. Ang mga diyos na kinabibilangan nila na may mataas na antas sa kanilang lipunan ang may kakayahang gumawa niyon.
Ang kompanyang G&A Int'l Corporation na pagmamay-ari nila ay hawak ang pinakamalaking transportasyon sa buong mundo at siya ang namamahala sa bahaging iyon. Si Ares din ang tipo ng mga diyos na kakaiba sa lahat dahil na rin sa temper niyang nakuha pa niya sa nakaraang buhay niya. Walang pinag-iba subalit nagawa naman niyang kontrolin ang sarili depende sa oras at panahon. Kung pisikal lang din naman ang pag-uusapan, hindi siya nalalayo sa ibang mga kabaro. He's very handsome, just like every woman's dream. He's perfect than other usual immortal character has and also has a seductive charm that can't resist by women. Nasa kaniya na rin ang lahat subalit wala pa rin ang babaeng itinakda para sa kaniya.
PASADO ALAS ONSE nang dumating sila sa Green Valley Office. Naabutan nila roon ang iba pa na nagpupulong na at pinag-usapan kung paano matutulungan si Hephaestus sa problema nito kay Mitch. Ang mortal na itinakdang maging carrier o ducentibus ng isang mahiwagang katana at asawa ng kabaro niya. Si Hephaestus din ang dahilan kung bakit masama ang panahon nang araw na iyon. Hindi nagkasundo ang dalawa at tinatalikuran na ni Mitch ang pagiging carrier nito.
Ayon sa propesiya, mga mortal na dalaga ang nakatakdang muling magpaliyab sa labindalawang katana na sinaunang sandata noon ng mga diyos na dapat sana ay iaalay ng mga naunang carrier nito ngunit nabigo. Nakapaloob din sa propesiyang ito na ang mga dalagang mortal ang magiging kabiyak ng kanilang buhay subalit nakatakda rin silang maglaho oras na magliyab na lahat ng mga sandata kasama ng mga casting soul na nakapaloob dito. At kung tatanggihan naman ito ng mga itinakda, isang malagim na katapusan sa lahi ng mga imortal at mortal. Isang masaklap na kapalaran para sa dalawang lipunan sa mundong ibabaw.
"So, how can we help the couple? Shall we use our magic to make them conciliate?"
"No! I don't want any of you would interfere with their misunderstandings. Let our brother Hephaestus would fix that matter," Zeus said to them.
"I agree." Singit ni Apollo. "Kung ako nasa sitwasyon ni Hephaestus, ayoko rin na pangunahan niyo ako. Kilala natin si Mitch ngunit mas nakakakilala sa kaniya si Hephaestus. He will do something that makes her decision change."
"Apollo is right. Pero hindi tamang magpatuloy ang ulan na ito at naapektuhan ang buong karamihan. Baha na sa iba't ibang parte ng mundo at marami na rin ang nagbuwis ng buhay. Hindi ko kayang tingnan na lamang ang mga inosenteng ito para lang sa damdamin ng isang diyos. I'm sorry. We need to end this as soon as possible." Nagpakita rin ng pagsang-ayon si Achilles sa nangyayari sa paligid na kailangan na nilang solusyunan.
"Zeus, kailangan mong magdesisyon para dito. Malaki ang epekto nito lalo na sa dimensional world. Our other lower creatures are afraid and, they might in danger if this will continue." Nagsalita na rin si Hermes para malaman ang kalagayan ng iba.
"Ang pag-ibig nga naman! Hahamakin ang lahat," pabirong wika ni Anchises.
Masama ang tinging ipinukol nilang lahat sa kabarong mapagbiro. Hindi naman sa ayaw nilang pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig ngunit ayaw lang nilang paulit-ulit na naririnig ang salitang iyon lalo na at iyon ang naging sanhi ng problema sa kasalukuyan.
"I mean—"
"Sa baranggay ka na magpaliwanag!" Korong wika nilang lahat.
Napapailing na lang siya sa ugaling mayroon ang kabaro. Maya-maya pa ay biglang lumitaw si Aphrodite at naabutan nito ang kanilang pinag-uusapan.
"Boys, lahat naman tayo ay dadaan sa ganyang estado. So, why are you feeling detached and remained silent when it comes to love? Hephaestus needs your help and, people also need you guys. You can do reverse spell if you will. Naging diyos pa kayo kung hindi niyo rin naman kayang protektahan ang dalawang lahi." Nagsimula na naman ang dalagang manermon sa kanila.
"Aphrodite, we wanted to do that. Pero ito lang din ang isa sa paraan para magbago ang isip ng asawa niya sa tadhana nila. Just like, we need more patience to wait for that moment. And then, we can do the reverse spell." Dionysus replied to Aphrodite.
"Well, it’s part of the Gods decision. Anyway, they are here. Siguro naman ay may mga plano na kayo para sa mga dalagang ito?" Ngumiti ang nag-iisang dalaga roon na si Aphrodite sa lahat na tila may ibig sabihin.
"Anchises will do the rest," turo ni Demeter dito.
"At bakit ako? That’s not a good idea."
"Gumawa ka ng paraan para magkaroon ng aberya sa confirmation bookings nila," suhestiyon ni Persius.
"No way! Ayokong masisi pagdating ng panahon. I won't do that," tanggi ni Anchises.
"Do you want me to do that? Hindi lang confirmation bookings nila ang sisirain ko." Noon lang siya nagsalita at may halong pagbabanta na naman ang boses niya.
Tinapik lang siya ni Hercules tanda na hindi niya dapat gawin iyon. Madalas ginagawa na lang iyon ng kabaro kapag nagsasalita na siya na hindi rin ito sumasang-ayon at alam na niya ang bagay na iyon. Sa huli, si Anchises na rin naman ang gumawa ng paraan para magkasalubong ang landas nila at sa mga dalagang itinakda.
"Shall we go?" yaya ni Aphrodite sa kanila.
"Of course! We are excited to meet them at the lobby." Achilles on his sweetest smile.
Inirapan lang ito ng dalaga. "Ang bilis mo talaga sa babae." Napapailing na tumalikod na lamang ito saka naglaho.
Nag-apiran na lang sina Achilles at Anchises saka nangngitian. Habang siya at and iba ay napapailing na lang din sa tinuran ng dalawa. Mabilis pa sa kidlat ang mga ito pagdating sa mga babae. Sabay-sabay na silang naglaho at nagtungo sa Green Valley Hotel kung saan makikilala na nila ang ibang may hawak ng mga sandatang tinutukoy ng propesiya.
TAHIMIK habang nakatitig sila sa mga dalagang naroon sa harapan nila habang ang isang babae naman ay nag-abot ng papel kay Zeus. Napako ang tingin niya sa dalagang iyon at hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng hatak ng inra nito sa kaniya. Ang inra ay isang inner strenght kung tawagin. Isang enerhiya na dumadaloy sa katawan ng isang nilalang at mahahalintulad ito sa chakra. Maraming iba't ibang kulay ng inra ngunit ang karamihan ay puti tulad nila.
Halos lahat din ng mga dalagang kaharap nila ay may taglay na inra scent. Sa lahing mortal, natatangi ang mga nilalang na ito at itinuturing itong espesyal. Habang nakikinig sila sa paliwanag ng dalaga, naririnig nila ang mga kalokohan ng iba at hindi naiwasang pag-usapan nila sa isipan. Nagagawa rin nila ang kakayahang iyon.
"Mukhang makakasundo ko ang mga ito," sambit ni Anchises sa isipan ng lahat.
"At mukhang may karamay ka na sa kalokohan," tugon ni Apollo.
"They are beautiful and their inra scent smells so great. Nakapagtataka sa mga mortal na tulad nila," wika naman ni Achilles.
"Lahat naman nakikita mong kababaihan ay magaganda. So, what's new? Anyway, they are my wife's friend." Paliwanag naman ni Hercules sa kanila.
"At sila ang undercover agent under Aphrodite's regime, right?" tanong niya.
"Yeah. Si Aphrodite na rin ang gumawa ng paraan para magtungo sila rito. They seem normal women and, they could make the flaming blades out of their real form." Namamangha namang singit ni Hermes.
"Still, mortal pa rin sila. Anong magagawa ng mga mortal na ito sa labanan? Baka tayo pa ang magligtas sa mga iyan." Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga plano ng lumikha sa kanila.
"Judger ka naman." Tukoy ni Anchises sa kaniya. "Let's see some other days. They are well-trained agents and, you know that."
"Whatever. Hindi pa rin ako sumasanayon," tugon niya.
Ganoon ang ginagawa nila kapag tahimik at may malalim na dapat pag-usapan. Hindi na sila nakigulo pa at hinayaan lang din nilang sina Zeus at Aphrodite ang kumausap sa mga ito. Nanatili pa sila sa lobby habang may hinihintay na dalawang babaeng pababa gamit ang elevator ng hotel. Nais nilang masaksihan ang reaksiyon ng mga ito kung sakaling magtagpo-tagpo ang lahat sa iisang pagkakataon habang siya naman ay hindi pa rin iniiwas ang tingin sa dalaga. At sa wakas ay nagtama rin ang paningin nila. Lalo siyang napakunot-noo nang mabasa niya ang iniisip nito na tanging siya lang ang nakakarinig. Gumamit siya ng kakayahan niya tulad ng iba na kaniya-kaniya lamang silang makakarinig sa bawat sinasabi sa isipan ng mga dalagang kaharap.
"Problema ng isang ito? At bakit hindi pa umaalis ang mga ito?" wika ng dalaga sa isipan nito.
Lalo lang lumalim ang tingin niya rito ngunit pinigilan na lamang niya ang sarili. Ayaw niyang magpakita rito ng kayayahang hindi nito magugustuhan ayon na rin sa batas na sinusunod nila. Depende na lang kung nakakasama nila ang mga ito, kamag-anak o hindi kaya ay nakakakilala sa kanila bilang mga diyos. Sa ngayon, tamang malalim na pagtitig na lang ang kaya niyang ibahagi. Mga mortal nga naman.
Mula nang araw na iyon, hindi na niya ito nakalimutan pa. Halos tumatak na sa isipan ng binata ang maamong mukha ng dalaga ngunit alam na rin niyang hindi sila magkakasundo. Naramdaman na rin niya ang inra nitong hindi pagkagusto sa kaniya na literal lang naman na damdamin ng isang mortal kapag nakakakilala o nakasalamuha niya. Marahil ay natakot na rin sa karakter niyang ayaw ng magulong buhay at sa emosyong pinapakita niya. Idineklara na rin ni Aphrodite na mananatili ang mga ito sa Root Valley at upang makasama na rin ang kaibigan nito. Ang mortal na kinababaliwan ng kabaro niya.