MAAGANG nagtungo si Po sa BGC upang makipag-coordinate sa head nila na nangangasiwa sa kanilang grupo. Kabilang siya sa isang lihim na organisasyon bilang mga trained women agent na ang main base nila ay sa London. Nang malaman nilang aborted ang misyon ni Mitch sa bansang iyon ay nagpatawag agad si Miss Jow ng isang importanteng meeting upang talakayin ang mga posibilidad na nangyari sa kaibigan at kasamahan na rin.
Maliban sa pagiging spy, nagmamay-ari din ang pamilya niya ng isang funeral business na sikat sa buong Marikina. Ang St. James Funeral Services. Ngunit wala roon ang interes niyang magpatakbo ng negosyo ng mga magulang. Nais niya pa rin na magtrabaho sa malalaking kompanya at magamit man lang ang kaniyang pinag-aralan. Though, she's helping her parents sometimes. Nang alukin din siya ng mga kaibigan niya na maging kabahagi ng isang sekretong organisayon ay hindi na siya tumanggi.
Alam niyang delikado ang pinasok niyang trabaho subalit dito lamang niya naramdaman ang pagiging masaya lalo na at kasama ang mga kaibigan. Halos tatlong taon na rin siya sa ganoong kalakaran at siya na ngayon ang naging lider ng kanilang grupo mula noong tumiwalag na ang dalawa sa kanila. She guides them whenever their assigned mission. She also operates their computer satellites and other technologies that help her co-agent.
Natapos din ang diskuyunan ng grupo sa unit ni Miss Jow at hindi pa rin nawala sa isipan niya ang mga taong bigla na lang sumabog at nagkapira-piraso. Naging abo na rin ang katawan nito nang mapatumba ng kaibigan niyang si Mitch habang pinapanood ang CCTV footage. Nasa basement na siya at akma na sanang sasampa sa kotse nang may tumawag sa kaniya mula sa likuran.
"Po!"
Lumingon siya. "Lea?" Nakita niyang papalapit na ang kaibigan at kasamahan din niya sa trabaho.
"Pwede ba akong sumabay?" tanong nito.
"Ikaw lang pala. Sure!"
"Thanks." Ngumiti ito sa kaniya saka ito umikot sa kabilang side ng kotse upang sumampa na rin.
"Nasaan pala ang kotse mo? Nasa pagawaan pa rin ba?" Nasa kahabaan na sila ng C-5 Road at mabagal lang ang takbo niya dahil trapik.
"Oo at mamayang hapon ko pa makukuha. Siyangapala, excited ako sa magiging misyon natin kaya lang ay hindi ako sanay na mawalay sa pamilya ko lalo na sa mga kapatid ko. Masyadong malayo ang London."
"Well, that's part of being an agent. Isa pa, hindi naman tayo magtatagal sa lugar na iyon. At ang lugar na iyon ang isa sa mga pinapangarap mo, tama ba ako?"
Ngumiti ito. "Oo at naalala ko na naman ang aking prinsipe."
"Crush mo na siya since highschool kaya chance mo na rin siyang makita ng personal."
"I'm so excited!"
Nakatuon pa rin ang tingin niya sa daan ngunit nakikinita naman niya sa isipan ang kasiyahan sa mga labi ng kaibigan. Batid niyang matagal na nitong gusto ang prinsipe ng buong Europe. Marami pa silang pinagkwentuhan ng kaibigan niyang si Lea at isa ito sa mga malapit sa kaniya sa grupo. Masaya itong makatuntong sa lugar na iyon ngunit hindi nila alam ang mga nakaambang mga panganib na kakaharapin ng kanilang grupo.
KINABUKASAN, nasa Manila International Airport Terminal 1. Maaga sila roon upang makapagcheck-in at dumaan sa immigration. Bilang lider ng grupo, nakaatang sa kaniya ang lahat ng responsibilidad. Mabuti na lang at walang aberyang nangyari sa araw na iyon.
HALOS labinlimang oras din ang kabuuan ng nilakbay nila mula Pilipinas hanggang sa hotel na pinagdalhan sa kanila. Pagod na pagod na ang lahat subalit hindi maiwasang mapahanga sa kagandahan ng luxury hotel kung saan sila dinala mula London Airport. This is incredible mission we ever have. Sana lang ay walang mga naka-ambang problema. Panalangin niya sa sarili. Nagpahinga na rin siya tulad ng iba at mahaba pa ang lalakbayin nila kinabukasan.
LULAN sila ng isang puting van na magdadala sa kanila sa Green Valley, ang pamosong lugar. Tatlong oras ang lalakbayin nila at mas pinili na ang by land travel. Tahimik naman siya at ang iba ngunit makalipas ang dalawang oras ay bumuhos na ang malakas na ulan. Nakakapagtaka naman. Tirik ang sikat ng araw kanina saka biglang bumuhos ang malakas na ulan? Sumilip pa siya sa tinted na salamin at halos wala na siyang masyadong nakita sa nadadaanan.
"Bakit kaya umulan?"
"Hindi ko rin alam. Kanina naman ay hindi masama ang panahon ayon sa weather forecast." Nakasilip din nang bahagya si Lea na katabi lang niya sa upuan.
Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating sila sa kanilang destinasyon. Huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang building na tantiya niya ay iyon na ang hotel. Hindi man lang nila naramdaman ang pagpasok ng sasakyan sa naturang lugar dahil sa tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa paligid. Dali-dali rin silang nagsibabaan habang naririnig niya ang usapan ng mga kaibigang dismayado sa masamang panahon. Nauna na rin siyang naglakad at tumungo sa reception area upang ayusin ang kanilang matutuluyan.
"Good morning, Ma'am!" wika ng receptionist.
"Reservation for Miss Santiago," wika niya rito. Inilapag niya sa front desk ang papel saka kinuha ito ng babae.
"A moment, Ma'am." Ngumiti naman ang receptionist sa kaniya.
Naghintay pa siya ng ilang minuto ngunit muli rin nagsalita ang babaeng kaharap. Halatang OFW ito roon at isang Pilipino base na rin sa pisikal na kaanyuan nito. Kasama nito ang isang babaeng nagsalita ng kanilang lengguahe kaya napagtanto niya rin ngunit hindi na muna niya siya nagpahalata.
Siya naman ay hindi mahahalatang may dugong Pilipino rin. Makinis at maputi ang balat niya, may mahabang blonde na buhok at matangkad. May maamo rin siyang mukha at kung titingnang maigi, hindi nalalayo ang kutis niya sa mga asian beauties. Hindi lang naman siya kung 'di halos lahat silang magkagrupo ay hindi napaghahalataan ngunit may puso at dugong kanilang pinagmulan.
"I'm sorry, Ma'am. But, we can't find your payment reservation under the name of Miss Po Teresa Santiago."
"What? I mean—are you sure? Can you check it again? I'm the who made that payment reservation from this hotel," tugon niya.
"Okay, Ma'am. I'll try it again."
Naghintay pa siya ng ilang sandali ngunit batid na rin niyang pagod na ang mga kasama niya at ayaw niyang magtagal sila sa reception area. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas at nararamdaman na niya ang malamig na hangin na nanunuot sa kalamnan kahit may suot pa siyang jacket.
"I'm sorry, Ma'am. There's no booking payment under your name."
"Huwag mo ng ipilit kung wala talaga sa system natin. Baka mamaya ay fake pala ang payment reservation na iyan at tayo pa ang malilintikan," singit ng isang babae.
Medyo hindi rin maganda ang tono ng boses ng kasama nito at doon na nagpanting ang tenga niya. "What?! You mean—wala sa system niyo ang ang booking confirmation namin? How can that happen?" Hindi na niya naiwasang tumaas ang boses dahil sa impokritang receptionist.
Nagkatinginan ang dalawang babae na halos hindi makapaniwalang nagtatagalog siya. Hindi rin tuloy makaimik ang mga ito. Nagtataka rin ang mga ito kung bakit hindi mahanap sa computer ang reservation nila. Ayaw naman sanang magalit ni Po subalit hindi rin maganda ang narinig niya mula sa isang kasama nito. Anong akala ng mga ito? Scammer kami? Nagtitimpi siya saka lumapit sa kaniya si Sam at ang iba pa upang kumpirmahin ang nangyari.
"Po, ano daw nangyari?" tanong ni Sam.
"Wala daw record ang system nila na nag-book tayo! Pinakita ko pa nga ang payment at booking reference number! Badtrip!" Napahalukipkip si Po sa sarili at dinamdam ang sobrang pagkainis. Alam ng lahat na mapagpasensiya siyang tao ngunit sumagad sa pagkakataong iyon.
"Oh? Paano nangyari iyon gayong may booking at payment reference number tayong hawak?" Napakunot ang noo ni Sam sa kaniya.
Bumaling si Anna sa receptionist. "Miss, pwede bang makausap ang manager niyo? Baka sira iyang system ninyo at kailangan nang palitan!" Hindi na rin naiwasan ni Anna ang mainis sa nangyari sa kanila at isa rin ito sa mga lumapit sa kaniya roon.
"Y-yes, ma'am! Sandali lang po at kinakausap na po ng kasama ko ang head manager." Aligagang tumugon ang kawawang receptionist.
Saglit na naghintay sila sa reception upang makausap ang manager. Mabuti na lang at kaunti lang ang tao roon na dumadaan dahil na rin sa kondisyon ng panahon. Isa pa, ang haba ng nilakbay nila mula Pilipinas hanggang London at ito lang ang magiging kahinatnan ng lahat. Abo-abot pa ang panalangin ng dalaga na wala sanang maging aberya.
Muli niyang binalingan ang kausap kanina. "Where's your manager, Miss? We're running out of time! Malamig sa labas at alangan namang dito lang kami nakaupo hanggang mamaya. My Goodness! Anong klaseng hotel ito at hindi man lang kayo marunong mag-asikaso sa mga guests? What the—" Hindi na niya naipagpatuloy ang susunod na sasabihin nang biglang nahagip ng tingin niya ang isang grupo ng mga nagguguwapuhang kalalakihan papasok sa lobby ng hotel. Hindi lamang siya ang napalingon dito pati na rin ang mga kasama niya.
Kasama ng grupong pumasok ang isang napakagandang babaeng foreigner. Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan niya ang mga ito. Napagtanto niyang ito ang mga may-ari mismo ng G&A Int’l Corporation kung saan sila under nito. Nalaman niya iyon mula sa nga files na ibinigay sa kaniya ni Miss Jow noong nasa Pilipinas pa sila. Nakiusap na rin ito na huwag na huwag nilang sasabihin ang tunay nilang pakay at magkunwaring hindi nila kilala ang mga ito.
The Gods from heaven walked through the aisle from the entrance to the lobby. Napatitig ang mga dalaga sa grupo ng mga binatang papalapit sa direksiyon nila. May kung anong bugso ng tadhana ang nag-adya na pagtagpuin ang kanilang landas sa pagkakataong iyon. Maya-maya pa ay namayani ang katahimikan sa pagitan ng magkabilang panig nang tuluyan na silang magkaharap-harap. Binasag naman ng isang lalaking kasama sa grupo ang katahimikan ng lahat at base sa napag-aralan nilang profiles, ito ang nagngangalang Non Pem Persius Villa Acosta.
"Are you the guests who—"
"Are you the manager?" Hindi na natapos ang sasabihin nito nang sumingit si Anna.
"Actually, all of us manage this hotel," the woman said.
Narinig na lamang niyang nag-uusap ang mga kasamahan niya sa likuran nila ni Anna. Gustuhin man niyang mapangiti sa mga ito ngunit pinigilan na lamang niya ang sarili. Nagpupuyos pa rin ang damdamin sa nangyari kanina.
Pinagkrus naman ng isang lalaki na nasa pinakagitna ang mga braso nito saka ito nagtanong. "So, what's the matter?"
"Here." Ipinakita niya ang payment details nila at inabot sa lalaki. "We want to file a complaint regarding your system error! As you can see, it's not our fault! We already paid for our hotel accommodation but your staff told us that she can't find any record of our reservation! How can that be possible, Sir?" Nakataas-noo siyang hinarap ang gwapong lalaki.
Tiningnan ng mga ito ang papel na ibinigay niya. Ilang segundo lang ay muli silang hinarap.
"Okay. Pwede na kayong makakuha ng room. Ah, Clara—“ Tinawag nito ang receptionist. "Give them the best rooms, okay?"
"Yes, Sir Marion!"
Hindi na siya nasorpresa tulad ng mga kasama niya. May alam siya tungkol sa mga ito na nagsasalita sa iba't ibang lengguahe. Hindi lamang profiles ng mga ito ang napag-aralan niya kasama na ang mga iilan nitong mga karakter. Malaki ang naitulong ng pagiging computer geek niya sa grupo dahil nakakakuha siya ng mga mahahalagang impormasyon sa kahit sinong sikat sa lipunan.
Muli na naman niyang narinig ang kuro-kuro ng mga kaibigan sa likuran niya. Pambihira talaga ang mga ito! Kahit kailan talaga, puro na lang biro! Maya-maya pa ay napuna niya ang mga matang malalim ang mga titig sa kanila lalo na sa kaniya. Problema ng isang ito? Nakipagtagisan siya ng tingin dito. Akala mo ay matitinag ako sa mga tingin mong iyan? At bakit hindi pa umaalis ang mga ito? Nagtataka rin siya sa bagay na iyon. Nakapag-utos na ang isa sa kanilang bigyan sila ng maayos na kwarto ngunit naroon pa rin ang mga ito at tila may hinihintay. Sa huli, hinayaan na lamang niya at ng iba pa habang iniiwas ang mga tingin sa ibang direksiyon. Hindi rin niya nakayanang makipagtagisang ng tingin sa lalaki.
Habang naghihintay sila sa lobby ay biglang bumukas ang elevator at iniluwa niyon ang dalawang babaeng pamilyar sa kanila. Nagtagpo ang landas nila ng dalawa sa kasamahan nilang halos dalawang taon na rin tumiwalag sa grupo. Dito napagtanto niyang sadyang pinagtagpo silang lahat sa iisang pagkakataon.
Hindi sila magkamayaw sa pakikipagkumustahan sa isa't isa hanggang nauwi na lamang sa usapan sa tunay nilang pakay doon. Napag-alaman din ng lahat na hinahanap nila si Mitch kaya nagdesisyon ang grupo ni Aphrodite na manatili sila sa Root Valley. Marami pa man silang mga bagay na dapat malaman ngunit tikom pa rin ang bibig niyang ag-uusisa.
HALOS hindi makapaniwala si Po at ang iba pa sa natuklasan nila nang isiwalat ng kaibigan nilang sina Mitch, Jho at Khorie ang tungkol sa hiwagang dulot ng Green Valley. At ang bagay na nagpagimbal sa kanilang lahat, ang mga nakasalamuha nila kanina ay mga imortal. They have extraordinary superpowers and can do anything. Masyado na siyang advance sa teknolohiya at hindi na naabot ng kaniyang imahinasyon ang kakaiba sa mundong ginagalawan nila. Hindi na siya bata para sa mga ganoong kuwento subalit naroon sila at totoo ang mga narinig nila mula sa mga kaibigan.
Naikasal na rin ang kaibigan nilang si Mitch kay Hephaestus sa maikling panahong pananatili sa lugar at labis na rin ang dinanas na pagsubok nito sa tadhanang nakaatang dito. Sa huli, nagdeklara siya para sa lahat na kailangan nilang manatili sa lugar alang-alang na rin sa kaibigan at ang mga posibilidad oras na tumanggi sila.
Matapos ang mga rebelasyong natuklasan ay nagtungo na siya sa kanilang silid. Kasunod niya ang kaibigang si Lea na isa rin sa mga hindi makapaniwala sa sasapitin nila.
"My god! Hindi ako makapaniwala!" Pasalampak siyang umupo sa couch habang nasa center table ang laptop na inilapag niya kanina.
"Ako rin," tugon ni Lea. Naupo rin ito katabi niya.
Marahan naman niyang binuksan ang laptop. "I thought this mission will end up so easy. Hindi rin pala. Hindi natin alam kung kailan tayo makakauwi kung susundin natin ang tadhana kuno natin sa kanila. I couldn't imagine myself that—I'm one of the carrier! Kaya pala nang makita ko sa drawer ko ang tsuka na iyon at ipinasok sa bagahe, may kakaiba na akong nararamdaman." Napahilamos siya sa mukha at baka sakaling mahimasmasan siya. Iniisip na lamang niyang isang panaginip ang lahat ngunit gising na gising ang diwa niya sa kasalukuyan.
"Iniisip ko ang mga kapatid ko at ang nanay ko sa Pilipinas. Paano na sila kung wala ako? Paano kung magtagal ako rito at hindi na makauwi? Maliit pa ang mga kapatid ko." May halong lungkot ang tono ng boses ni Lea.
Sinulyapan niya ito sa tabi at napuna niyang malungkot nga ito. Si Lea lang ang inaasahan ng pamilya nito at kung totoo man ang tadhana nila sa mga imortal na naroroon, isa ito sa maaapektuhan. "Lea..." Marahan niyang wika. "Kung makapangyarihan naman sila marahil ay may solusyon sila sa bagay na iyan. Lahat tayo ay apektado pero...hindi pa rin tama."
Napabuntong-hininga ito. "I'm tired of thinking all of this. Sumasakit na ang sentido ko. Magpapahinga na ako." Marahan itong tumayo upang magpahinga na.
"Sige, mabuti pa nga. I'll send message to Miss Jow that we are already here."
"Okay," matamlay nitong tugon.
Sinundan na lamang niya ng tingin ang kaibigan. Nahahabag siya para dito at alam niya ang mga hirap na pinagdaanan nito noon pa man. Maya-maya pa ay tumayo siya at naglakad patungo sa mga gamit niyang nakapatong lang sa kama. Binuksan niya ang luggage upang hanapin ang binigay noon ni Khorie, ang tsuka. Ayaw sana niyang isama sa kaniyang pag-alis ngunit may nag-udyok sa kaniyang isipan na dalhin ito sa hindi rin niya malamang dahilan.
When she got it, she went back to the couch and sat down. She also takes a looked at it closely and barely checks the magical handle. It has red with gold designs around it, six inches long, and also she notices the engraved word that she doesn't understand.What's the meaning of this ancient letter? She wondered.
Inilapag niya ito sa center table na nakaharap sa kaniya ang kakaibang letra saka nagtipa sa laptop. Nagsimula na siyang mag-research sa ibig sabihin nito. Ilang minuto ang nakalipas ay natagpuan niya ang makalumang alpabetong salitang heiroglyphs na tugma sa mga salitang nakaukit sa tsuka niya. Ito na iyon! Muli niyang kinuha ang tsuka saka palipat-lipat ang tingin sa monitor at sa mahiwagang hawak. Siya?! Siya ang pagbibigyan ko nito?! Hindi siya makapaniwala sa natuklasan na naman niya. Muli niyang binuksan ang profile ng mga may-ari ng G&A at tumambad sa kaniya ang mga iba't ibang mukha ng mga kalalakihang nakaharap nila kanina sa lobby ng hotel. Hanggang sa tumigil siya sa kaka-scroll at napatuon ang tingin sa mukha ng lalaking malalim ang tingin sa kaniya kanina.
Napatitig siya sa seryosong mukha nito sa monitor saka marahang napasandal sa couch na kinauupuan. Naramdaman na niya ang pumipitik-pitik na sentido saka niya marahang hinilot ito sa magkabilaan. Pakiwari niya ay sasabog na ang utak niya. Kilala niya ito bilang isang seryosong tao, ayaw ng maingay, ayaw ng magulo at may pagka-arogante. Nalaman niya iyon mula sa source niya na isang agent din at sa London City naka-base. Aloof din ang mga ibang tao rito na mapagalitan ngunit marami rin namang nakakapagsabing mabait naman ito. Who knows? Nakikita naman sa aura niyang totoo ang mga haka-hakang iyon. Ngayon pa lang ay hindi na tayo magkakasundo, Vincent Ares Zellweger! Kung totoo man na reincarnated gods kayo ng Olympus, may posibilidad na kasama ang karakter nila noon sa ngayon. Sana naman hindi. Itinigil niya rin ang paghihilot sa sentido saka napabuntong-hininga. Ilang sandali pa siyang nakatitig sa mukha ng lalaki nasa monitor saka siya tumayo na upang mag-ayos ng gamit at magpahinga.