CHAPTER 02: Only Wish

1814 Words
Lina "N-Ninong, ano pong sinasabi niyo? Marami na po ba kayong naiinom? Lasing na po ba kayo? Tama na po 'yan." Kaagad akong bumaling sa mga bote at baso ng alak na nasa tabi niya. Mabilis kong tinakpan ang bote at ibinalik sa dating kinalalagyan nito. "Huhugasan ko na po itong baso. Lilinisin ko lang po ang silid niyo para makapagpahinga na kayo. Kung ano-anong sinasabi mo, Ninong. Huwag ka ng mag-iinom sa susunod, ha." Hindi siya sumagot at nanatili lamang nakatitig sa akin. Maya-maya'y bigla siyang ngumiti at napailing. Huminga din siya ng malalim. "Kita mo na, Ninong. Pati ikaw natatawa sa sarili mo. Puro ka kalokohan. Buti na lang kilala na kita. Sandali lang po, ah. Lilinisin ko lang ang silid niyo." Mabilis ko na siyang iniwan at lumabas ng mini bar. Bitbit ko ang baso at ang first aid kit. Nagtungo ako sa kinaroroonan ng silid nila. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Umasim bigla ang mukha ko nang makita ko na kaagad ang napakaraming kalat. Basag-basag ang kanilang mga lampshade sa sahig. Mukhang ibinato ang mga ito sa pader. "Sino kaya sa kanila ang bumato? Mamahalin pa man din ang mga ito. Sayang naman. Ibinigay na lang sana nila sa akin at ibinenta ko. Tsk. Tsk. Tsk." Napapailing na lamang ako habang pumapasok sa loob. "Kunsabagay, barya-barya lang ito kay Ninong. Ikaw ba naman ang anak ng isang bilyonaryong nangunguna sa mga pinakamayayaman sa bansang ito... Pero ngayon ko lang napatunayan na hindi lahat ay nabibili ng pera. Katulad na lang ng isang masayang pamilya na hindi niya makuha-kuha sa asawa niya." Ibinaba ko na muna sa sofa ang baso at ang first aid kit bago ko sinimulan ang pagdampot sa mga malalaking bubog sa sahig. Kinuha ko din ang walis tambo at trash can sa labas. Bago ako muling pumasok sa loob ng silid ay tinanaw ko munang muli ang mini bar. Ganun na lamang ang pagnganga ko nang matanaw kong tinutungga na ni Ninong ang isang bote ng alak doon! "Hayst. Pasaway talagang Ninong. Lagot ka sa akin mamaya. Tatapusin ko lang itong nililinis ko." Napakamot na lang ako sa ulo ko at muli nang bumalik sa loob ng silid. Nagkalat din dito sa sahig ang mga unan at kumot. Dinampot ko ang mga ito at pinagpagan muna bago ko ibinalik sa kama. Mamaya ko na lang 'yan aayusin. Lilinisin ko muna itong sahig. Inumpisahan ko nang walisin ang buong sulok nitong silid at inipon ang lahat ng mga bubog sa gitnang bahagi. Siniguro kong walang matitira kahit na isa. Dahil kung hindi, siguradong masusugat nito ang mga paa ni Ninong. Kailan naman kaya babalik si Tita Gilda? Hindi ko rin naman gusto ang ugali ng asawa niyang 'yon. Mapagmataas siya, mataray at nananakit. Ilang beses na niyang sinaktan 'yong dalawang kasambahay namin dito na kaaalis lang kahapon. Namantsahan kasi ng isang kasambahay ang pinakamamahal niyang dress. Kaya ayon, sinabunutan ito ni Tita Gilda. 'Yong isa naman ay pinagbintangan nitong ninakaw ang kwintas niya. Kaya wala nang natira dito kundi ako na lang. Hindi ko alam kung nag-hire na ba ulit sila nang panibagong kasambahay. Madalas din niya akong pagalitan kahit sa kakaunting pagkakamali ko lang, pero naririyan si Ninong at siyang palaging nagtatanggol sa akin. 'Yon nga lang sa tuwing ipinagtatanggol niya naman ako, nauuwi na rin ito sa malalang away nila. Hanggang sa magkabasagan na naman sila ng mga gamit. Ayon sa lola ko noong nabubuhay pa siya, masama daw ang nagbabasag ng mga gamit sa tuwing nag-aaway ang mag-asawa. Masama siguro dahil wala nang pambili sa susunod. Pero sila, kahit minu-minuto pa silang magbasag ay ayos lang. Marami naman silang pambili. Mas lalo nga lang lumalala ang away nila at mukhang mahirap nang ayusin ang ganito. Basag din ang relasyon nila na kahit anong buo nila, mayroon na talagang lamat. Bakit kasi ayaw pang bigyan ni Tita Gilda ng anak si Ninong? Pareho na silang nagkaka-edad. Sayang din naman ang lahi ni Ninong. Napaka-pogi pa naman niya, katulad na lang ng mga kapatid niya sa ama. Naalala kong bigla 'yong sinabi niya sa akin kanina. Ano bang ibig niyang sabihin do'n? Ako ang magdadala ng baby niya sa sinapupunan ko? Ako ang magbubuntis? Paano mangyayari 'yon? Gagawin niya sa akin o idadaan namin sa Doctor? Kinakabahan tuloy ako. Baka nga lasing lang si Ninong. Hindi na niya alam ang sinasabi niya. Paano na lang kung narinig 'yon ni Tita Gilda? Eh, 'di rayot na naman 'to. Paktay na. Siguradong mapapalayas na rin niya ako dito. Wala nang taga-linis ng silid nila. Isang news broadcaster si Tita Gilda. Marahil ay ayaw niya lang masira ang figure niya. Labis niyang iniingatan ang katawan niya. Marami siyang mga pampaganda. Tipid kumain at madalas ding nasa gym. Madalas din siyang mag-jogging tuwing umaga sa labas. Minsan nga ay natanaw ko itong may kasabay na mga lalaki sa labas at mukhang nagkakatuwaan sila. Samantala, si Ninong ay mahimbing pang natutulog sa silid nila sa mga ganyang oras. Pinapanatili niyang sexy palagi ang katawan niya. Eh, paano nga siya magkakaanak niyan? Kawawa naman si Ninong. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. Sa wakas ay natapos na rin akong maglinis. Inilagay ko na lang ang lahat ng kalat at mga basag na lampshade sa trash can. Pinagpag ko rin ang kama nila. Inayos ko rin ang mga unan, bedsheet at kumot. Nilinis ko na rin ang banyo nila. Winalis ko rin ang sahig. Napahinto naman ako nang may sumamang tila isang banig na gamot sa pagwawalis ko mula sa ilalim nitong isang cabinet. Mabilis ko itong dinampot at sinuri. Nangunot ang noo ko nang mabasa ko ito. "Contraceptive pills? ... Di ba, ito 'yong iniinom para hindi magkaanak?" Apat pa lang ang nababawas na tablets dito. Mukhang iniinom nga ito ni Tita Gilda. Kung ganun, ayaw nga niyang magkaanak. Alam kaya ito ni Ninong Desmond? Minabuti ko itong isilid sa bulsa ko. Nakalimutan siguro itong dalhin ni Tita Gilda kanina. Baka balikan niya ito. Lumabas na rin ako ng banyo nang matapos na akong maglinis. Dinala ko na ang lahat ng mga kalat sa labas ng silid. "Sa wakas, natapos din ako. Napagod ako do'n, ah. Kalat pa more. Basag pa ng mga appliances. Daming pambili." Tinanaw ko si Ninong sa mini bar. Nangunot ang noo ko dahil mukhang nakayukyok na siya doon! "Hala, siya. Nalasing na nga yata. Ninong!" Kaagad ko siyang pinuntahan doon. Pumasok ako sa loob ng mini bar at nakita ko nga itong nakayukyok na sa bar counter. Mukhang nakatulog na ito at kakaunti na lang din ang laman ng bote ng alak! "Ninong naman, eh! Ang kulit mo naman, eh!" Kaagad ko siyang nilapitan at sinilip ang mukha dahil sa kabilang direksyon siya nakapaling. Nakapikit na ang ang mga mata nito at malalim na ang paghinga. "Ninong, gising." Marahan kong tinapik ang pisngi niya. "Hindi ka dito pwedeng matulog. Malalaglag ka dito. Sinabi na kasing tama na ang inom, eh. Ang kulit mo. Halika ka nga dito." Sinubukan ko siyang ibangon mula sa pagkakahapay niya sa bar counter. "Ang bigat mo po." Ngunit masyado siyang mabigat. "Ang hirap mong buhatin." "Hey... W-What happened?" Nagising naman siyang bigla ngunit pupungay-pungay ang mga mata niya at nahihirapan ding bumangon. "Ninong, halika na. Malinis na sa room niyo. Pwede ka na doon matulog. Ihahatid kita." Isinampay ko ang isa niyang braso sa balikat ko at sinubukan ko siyang itayo. "Hindi pa ako inaantok. I still want to drink," aniya na nauubo-ubo pa. "Bigyan mo pa ako ng alak." "Ninong, ha! Huwag mo akong susukahan! Parang nasusuka ka na nga, eh. Iinom ka pa!" "Lina..." "Halika na po. Doon ka na sa room niyo matulog." Nakatayo din naman kaming dalawa, ngunit kamuntik na kaming masubsob dahil sa bigat niya! "Ang bigat niyo, Ninong. Umayos kayo nang tayo." Niyakap ko pa ang baywang niya habang hawak ko ang braso niyang nakaakbay sa akin. "Dito na lang ako matutulog. Wala naman akong kasama do'n." "Marami ka namang unan na kasama do'n." "Samahan mo na lang ako." "Babantayan ko na lang kayo hanggang sa makatulog kayo. Dahan-dahan, baka sumubsob tayo." Hirap na hirap ko siyang inakay palabas ng mini bar at hahapay-hapay kaming naglakad patungo sa room nila ni Tita Gilda. "Sinabi ko naman kasi sa inyo, tama na ang inom. Hindi naman nakakatulong ang alak sa problema." "Just help me solve the problem. Can you?" "Hayan na naman kayo, eh. Paano ko ba kayo matutulungan? May magagawa ba ang isang tulad ko lang? Wala pa nga po akong natatapos." "I already told you what I want." "Ninong, nagjo-joke ka na naman. Lasing ka kasi. Bukas hindi mo na alam 'yang mga pinagsasasabi niyo sa akin. Ma-video nga kayo para may maipakita ako sa iyong ebidensya bukas." Bigla naman siyang tumawa. "Go ahead, Lina." "Mabuti na lang, tayo lang dalawa dito sa bahay niyo. Paano na lang kung may nakarinig sa inyo? Mayayari na naman kayo nito kay Tita Gilda." "I don't care about that f*****g woman. I know what her f*****g motives are for me." "Ano po 'yon?" Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng silid nila. Dinala ko siya sa kama. "Dito na kayo. Matulog na kayo dito." Ihihiga ko pa lang sana siya ay bigla na siyang bumagsak at dahil nakaakbay siya sa akin at yakap ko siya ay nadala din ako! "A-Aray ko, Ninong. Aray ko po. Ang bigat niyo!" Napatihaya siya habang ako naman ay nasa ibabaw niya! "Samahan mo muna ako dito." Yumakap sa akin ang mga braso niya. Namumungay na dumilat ang kanyang mga mata at tumitig sa akin. Hindi naman ako nakakilos kaagad sa posisyon naming dalawa. Nakahawak na ako ngayon sa malapad niyang dibdib at nakadiin ang katawan ko sa kanya. Muli na lamang bumilis ang pintig ng puso ko habang nakatitig din sa kanya. May munting kaba din akong nararamdaman sa dibdib. "N-Ninong--" "I promise, I'll give you everything you want... I'll give you everything you ask for... Just grant my only wish." Umangat ang kamay niya at humaplos sa pisngi ko. May tila kuryente namang gumapang sa mga ugat ko at nanalaytay ito sa mga kalamnan ko. Para akong ninanakawan ng lakas sa mga sandaling ito. Bahagyang umangat ang mukha niya at lumapit pa sa akin, kasabay ng kamay niyang marahang gumapang sa batok ko. Hinawakan niya ako doon kasabay nang mas paglapit pa sa akin ng mukha niya. Natulos na ako mula sa pagkakadapa ko sa kanya. "N-Ninong..." Nalanghap ko na ang mainit at magkahalong menthol at alak niyang hininga. Napatitig na lamang ako sa bahagyang nakaawang niyang mga labi na ngayo'y halos ga-hibla na lamang ang layo mula sa akin. Halos magiba ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Ngunit hindi ko magawang kumilos. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang tuluyan na itong lumapat sa akin at siniil ako ng isang maalab na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD