CHAPTER 03: Decision

2004 Words
Lina Nagpatuloy ang mainit niyang paghalik sa mga labi ko. Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko at ang nangyayari sa akin sa mga sandaling ito. Ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot ang mga labi niya. Nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. At nalalasahan ko ang masarap niyang laway, kahit hindi naman 'yon matamis. Hindi ko maintindihan. Hindi ako makakilos. Tila ba may kapangyarihan siya upang hindi ako pagalawin. Nagawa niyang sarhan at hindi paganahin ang isipan ko. Hanggang sa humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at nagawa niyang pagbaligtarin ang aming mga posisyon. Mas lalo pa akong kinabahan nang ako na ngayon ang nakahiga sa kama niya habang siya naman ang nasa ibabaw ko. Ako naman ngayon ang nakakaramdam ng bigat niya, na halos lumubog na ako dito sa kama niya. Mas lalo pang lumalim ang mga paghalik niya sa akin. Pumapasok na rin ang dila niya sa loob ng bibig ko at ginagalugad na niya ang bawat sulok ko doon. At nang dahil doon ay tuluyan na nga akong nakalimot. Nagising lamang ako nang maramdaman ko na ang mga labi niya sa dibdib ko at humahaplos na ang isa niyang kamay sa pinakamaselang parte ng katawan ko, sa gitna mismo ng mga hita ko. "N-Ninong..." Bigla na lamang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Mali ito. Hindi pwede ito! "N-Ninong, huwag po." Kaagad ko na siyang inawat nang maramdaman ko na ang paghawak niya sa garter ng short ko. Kaagad kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya. Kasalukuyan na rin niya ngayong isinusubo sa bibig niya ang u***g ng kanan kong s**o. Nadilaan na niya ito at nasupsop. Magkahalong kiliti at kakaibang sensasyon ang inihatid niyon sa akin ngunit natalo akong bigla nang hindi maipaliwanag na kaba. Napahinto din naman siya at hinihingal na lumingon sa akin. Namumula at namumungay ang kanyang mga mata. "L-Lina..." Tila doon lamang din siya nagising. May nabasa akong tila pagsisisi sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "N-Ninong, t-tama na po. M-Matulog na po kayo. Mali po ito." Kaagad ko na siyang itinulak ng malakas at hinila pababa ang blouse ko upang matakpan ang dibdib ko. Mabilis akong bumangon at patakbong lumabas ng silid niya. "Lina!" Narinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Mabilis akong pumasok sa loob ng silid ko at ikinandado ito. Tumakbo din ako patungo sa banyo at doon nagkulong. Sumuksok ako sa isang sulok at niyakap ang sarili ko. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga eksena namin at ang mga ginawa niya sa akin. Parang nararamdaman ko pa ang kamay niya habang humahaplos sa p********e ko. Kahit nakasuot pa ako ng panty at short ay ramdam na ramdam ko pa rin ang init niyon sa akin. Lalong-lalo na kung paano niya supsupin ang u***g ko sa kanan kong dibdib. May kakaiba akong naramdaman sa loob ko. Masarap 'yong ginawa niya sa dibdib ko. Yong lambot at init ng mga labi niya habang hinahagkan ako sa mga labi ko. Pero hindi tama ang mga 'yon. Maling-mali 'yon dahil may asawa siya at Ninong ko siya. Matalik siyang kaibigan ng Papa ko. Thirty-six na siya habang ako ay eighteen pa lang. Parang Tatay ko na rin siya. Hindi lang halata dahil mukha pa naman siyang bata at napakagwapo. Pero mali talaga. "Ano ba naman 'yan, Ninong. Bakit kasi nag-iiinom ka? Hindi mo na tuloy alam ang ginagawa mo. Paano na 'to?" Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa labis na frustration. Ayokong masira ang magandang relasyon namin ni Ninong. Napakabait niya sa akin. Pero siguro ay dahil na rin sa problemang hinaharap niya sa asawa niya kaya nagkaganun siya ngayon. Parang hindi na niya alam ang ginagawa niya. Siguro naman bukas ay makakalimutan na rin niya ito, paggising niya. Sana nga. Ayoko rin namang umalis dito. Wala na akong iba pang mapupuntahan. Ayoko rin siyang iwan sa ganitong sitwasyon. Baka mas lalong maging miserable ang buhay niya, kahit pa ang yaman-yaman niya. Wala nang mag-aasikaso sa kanya. Hindi naman siya inaasikaso ni Tita Gilda. Ako naman ang gumagawa ng lahat-lahat dito para kay Ninong. Kulang na lang talaga ay ako ang asawa niya. Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi. Ibinaba ko ang bra ko at inayos ito sa pagkakasuot sa dibdib ko. Hindi ko na talaga namalayan pa kanina kung paano niya ito naitaas. Namalayan ko na lang talaga na dumidede na siya sa akin. Mabuti na lang at nabalik ako sa huwisyo. Natatakot ako. Paano kung malaman 'yon ni Tita Gilda? Baka patayin na ako no'n. Mabuti na lang hindi niya naisipang bumalik. Kung nagkataon, baka hindi na ako humihinga ngayon. Naloko na. Tumayo na akong muli at humarap sa salamin. Inayos ko ang sarili ko. Napatitig na lamang ako sa mga labi ko. Parang nangangapal pa rin ang mga ito hanggang ngayon. Parang nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon dito ang mga labi ni Ninong. Inaamin ko naman na masarap siya humalik. Hindi ko maipaliwanag 'yong naramdaman ko kanina, lalo na't ngayon ko pa lang naranasan ang mahalikan. Siya ang first kiss ko. Napahinga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala. Hindi naman ako pangit. Maganda naman ako, morena nga lang. Hindi ako maputi. Pero makinis naman ang balat ko. Wala akong kahit na anong peklat sa katawan. Napahawak akong bigla sa dibdib ko. May boobs naman ako kahit papaano. Maliit din naman ang tiyan ko at mabalakang din naman ako. 5'4 ang height ko habang si Ninong ay 6'3. Paano ko kaya siya nagawang akayin kanina patungo sa kwarto niya? Ngayon ko lang naisip 'yon, ah. Nakapagtataka na nakaya ko siya sa tangkad niyang 'yon. Napabuntong-hininga akong muli ng malalim. Naisipan ko nang lumabas muli ng banyo. Dahan-dahan akong nagtungo sa pinto ng silid ko. Nakiramdam muna ako sa labas. Mukhang napakatahimik naman at wala akong marinig na kahit na anong kaluskos. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Kaliwa't kanan akong tumingin sa hallway. Ngunit wala siya. Hindi ko siya makita sa kahit saan. Napakatahimik din ng buong paligid. Minabuti ko nang lumabas at dahan-dahang naglakad sa hallway patungo sa silid niya. Natanaw kong nakabukas pa rin ang pinto ng silid niya. Hanggang sa matanaw ko rin siya sa loob niyon. Nakabulagta siya sa kama at humihilik na. Bigla akong napahalukipkip at napabuga ng malakas na hangin. "Sinasabi ko na nga ba lasing lang siya, eh. Kitam. Akala ko hahabulin niya ako. Nakatulog na rin pala siya. Sana nga paggising mo bukas ay nakalimutan mo na ang ginawa mo sa akin. Magkaroon ka sana nang amnesia." Tuluyan na akong lumapit sa silid niya. Pumasok ako sa loob at kinumutan na lamang siya. "Ang lakas pa ng hilik mo, Ninong." Wala sa sarili akong napatitig sa kanya. Ang gaganda ng mga pilik-mata niya. Masyado ang mga itong malalantik. Makakapal din ang mga kilay niya. Napakatangos ng ilong niya at maninipis lang ang mga labi at mamula-mula. Bakit si Papa ay nangingitim-ngitim na ang mga labi? Siguro ay dahil naninigarilyo siya. Samantala, si Ninong ay hindi. Inom lang yata ng alak ang alam niyang gawin. Kwento noon sa akin ni Papa, magkaibigan na sila ni Ninong Desmond simula pa noong mga bata pa lamang sila. Magkasama silang nag-aral simula kinder hanggang sa elementary. Pero pagsapit daw ng noong high school, matapos mamatay ng ina ni Ninong ay kinuha na ito ng ama niyang isang billionaire. Si Mr. David Delavega. Anak lamang siya nito sa labas. Nabuntis lang daw ni Mr. David Delavega ang ina niya noong ito ay magtrabaho sa bar dito sa Manila. Doon na sila nagkahiwalay ni Papa. Pero hindi naman daw naputol ang connection nila sa isa't isa. Palagi pa rin daw silang nagkakausap sa cell phone. Maagang nag-asawa si Papa sa edad na 17. Nabuntis niya kaagad si Mama at ako ang naging bunga. Kaagad niya itong ipinaalam noon kay Ninong. Namroblema daw kasi noon si Papa kung paano niya kami bubuhayin ni Mama. Hindi na siya nakapagtapos pa sa pag-aaral at nagtrabaho na lamang sa isang construction site. Tumulong naman daw si Ninong kay Papa para sa mga gastusin sa amin ni Mama habang ipinagbubuntis ako. Kaya siya rin ang naging Ninong ko. Binigyan niya noon ng malaking halaga si Papa bilang puhunan sa gusto nitong itayong negosyo. Nagtayo nga si Papa noon ng sarili niyang negosyo. Nagtinda siya ng mga lechong manok sa bayan, habang kami naman ni Mama ay naiiwan sa bahay. Medyo maayos na sana ang buhay namin noon, pero nagulat na lang kami ni Papa nang bigla na lamang kaming iwan ni Mama. Nalaman na lamang namin na sumama ito sa isang mayaman na lalaki, na siyang gusto ng mga lolo at lola ko para sa kanya noon pa man. Hindi siya hinabol ni Papa dahil kung mahal daw niya kami, hindi niya kami iiwan at ipagpapalit sa iba. Nagpatuloy na lamang kami noon ni Papa sa buhay. Pinalaki niya akong mag-isa. Ang lola ko na Nanay ni Papa ang siyang nag-alaga sa akin sa tuwing nagtitinda si Papa ng lechong manok sa bayan. Pagtuntong ko naman ng elementary ay yumao si Lola dahil sa sakit na diabetes. Pinag-aral ako ni Papa hanggang sa maka-graduate ako ng grade 12. Pinili ko na munang mag-stop kahit nangako si Ninong na tutulungan niya akong makapag-aral sa college. Nahihiya naman ako kaya tinanggihan ko na muna. Tinulungan ko na lamang muna si Papa sa pagtitinda ng lechong manok sa bayan. Nagtayo kami ng isa pang branch para mas lumaki ang kita namin. Nahihiya na rin kasi si Papa sa dami na nang naitulong ni Ninong sa amin. Hindi na namin alam kung paano pa kami makakabayad sa kanya. Pero makalipas ang tatlong buwan ay bigla na lamang inatake sa puso si Papa habang nasa kalagitnaan ng pagtitinda. Halos magunaw ang mundo ko sa nangyari. Mahal na mahal ko si Papa at hindi ko matanggap na iniwan niya ako nang ganun kaaga. Pero sobra ko siyang hinahangaan dahil ginawa niya ang lahat upang maitaguyod akong mag-isa. Pina-graduate niya lang muna ako bago niya ako iniwan. Kitang-kita ko pa ang saya sa kanya noong tumuntong kaming dalawa sa stage at sinabitan niya ako ng medalya. Hindi niya mapigilan noon ang maiyak sa labis na kaligayahan. Siguro ay masaya na rin si Papa kung saan man siya naroroon ngayon. Ipinagpapasalamat ko ang mga nagawa niya para sa akin noong nabubuhay pa siya. Ipinagmamalaki ko siya ng sobra. Kay Mama naman... Sana ay masaya din siya kung nasaan man siya ngayon. Naging maayos sana ang napili niyang buhay kaysa sa amin ni Papa. Muli akong napatitig kay Ninong. Napakalaki din ng ambag niya sa buhay namin ni Papa. Kung wala siya, paano na kaya kami ni Papa? Ngayon ay humihiling siya sa akin. Bigyan ko raw siya ng anak, na hindi maibigay sa kanya ng asawa niya. Bakit nga ba hindi ko 'yon ibigay sa kanya kung kaya ko namang gawin? Baka iyon na ang paraan para makabayad na kami ng utang sa kanya ni Papa. Bibigyan ko lang siya ng isang anak. Aksidenteng napadako ang mga mata ko sa p*********i nitong nakabukol sa suot nitong pantalon. Mukhang ang laki-laki nito sa hitsura pa lang. Paano nga ba ako mabubuntis? Paano ko siya mabibigyan ng anak? Ipapasok niya ba talaga 'yan sa akin? Katulad na lang nang kamuntik na niyang pag-angkin sa akin kani-kanina lang? Pero may asawa siya? Anong sasabihin ng asawa niya sa amin kapag nalaman nitong si Ninong ang ama ng dinadala kong bata sa sinapupunan ko? Siguradong makukulong kami pareho. Kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti. Gustuhin ko man, pero natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Kakausapin ko si Ninong bukas na bukas din, sa oras na magising na siya. Iyon ay kung maaalala pa niya ang mga ginawa niya sa akin kanina at ang request niya. Bakit kasi siya lasing nang lasing? Papayag na ako sa gusto niya. Pero kailangan niya akong itago kung ganun. Walang pwedeng makaalam nito na kahit sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD