"Eh ang ama mo nasaan? buhay pa ba nga magulang mo?" usisa pa nito. Gusto sanang sabihin ni Intoy na nasa harapan niya ngunit nagpigil siya. Tumindi ang galit ni Intoy sa matanda sa pagtatanung ng mga bagay na alam na alam naman nito ang kasagutan. "Hindi ko ho kilala ang tatay ko iniwan nya kami nun ng ipinagbubuntis pa lang ako ng nanay ko. Sabi ho ng nanay ko ay sumama ito sa babaeng gusto ng pamilya niya para sa kanya" pigil na pigil ang boses ni Intoy pigil na pigil ang binatang lumabas ang totoong saloobin. "Hindi ko na din ho alam kung nasan na ang nanay ko ngayon huling balita ko namamasukan sa Saudi matagal na yun mga 10 taon na" Ayaw mag angat ng ulo ni Intoy dahil ayaw niyang ipagkanulo sya ng sariling damdamin. Kung kayat hindi niya nakita ang pagkagulat sa mukha ng matand

