Matagal ng nakalabas ng silid ang binatang bisita ni Don renato ay nanatili pa ring nakatitig ang matanda sa nakapinid na pinto. Hindi makapaniwala ang matanang Don na kani kanina lamang ay kaharap niya ang binatang matagal ng laman ng bawat gabi nitong mga huling araw. Unang buwan pa lamang ay nabalitaan na niya na buhay ang anak na si Yvonne at napapadpad sa isang maiit na komunidad sa Laguna. Magmula noon ay pinabantayan na ito ng Don Renato. Gusto sana niyang ipadala ang lahat ng kilalang alagad ng batas para kunin ang anak pero nahiya ang matanda sa sarili dahil noong naririto sa mansion si Yvonne ay hindi niya nagawang protektahan. Nabulag siya noon ni Belinda at pinagsisisihan na niya na hindi siya naniwala sa mga sumbong noon ni Yvonne. Buong akala kase niya ay nagrerebelde pa

