May ipinakitang picture si Intoy sa kanyang cellphone sabay tumango tango naman ng lalaki. Kinuha ang sarili nitong cellphone at tila may isinalin doon. "Tol, kailangan ko ng kahit anong update ha sa lalong madaling panahon. Bahala ka na sa diskarte mo repa basta ung deadline ko wag mong kalimutan" Nagkamay pa ang dalawang lalaki. Matapos makipagusap sa lalaki ay may isang pang kinausap si Intoy. Isang Filipino Chinese na nag aantay sa kanya sa may bangka mga ilang minuto rin silang nagusap, nag tawaran, at nagkasundo rin kinalaunan. Dakong alas 7 ng gabi ay nasa loob ng isang mall si Intoy. Habang nagmamaneho kanina patungo sa pantalan ay naalala ni Intoy ang kanyang prinsesa. Wala itong kahit ano kaya ipinasya niyang bilhan muna ito kahit ilang piraso. Tapos ay kapag magaling na ito ay

