Nanlaki ang mata ni Yvonne matapos kunin ang sinusubo sa kanya ni Intoy. Alam niyang awkward moment yun para sa nagbibirong binata pero gusto niyang gawin iyon. "Mas masarap pala adobo kapag kinakamay Edward"painosenteng sabi ni Yvonne. "Kung alam mo lang miss! hindi na tinuloy ni Intoy ang nasa isip nakita niya kaseng inalis ng dalaga ang kutsara at tinidor nito at sinubukang gayahin mag kamay ang binata. Nakakuha naman ito pero kapiranggot lang. Nakita niyang sumimangot ang dalaga kapag konti lang ang dakot nito. Kahit kapag nakasimamgot ito ay maganda pa din ito. Naawa si Intoy sa dalaga sa kakasubok sumubo ng madami halos ibuka na nito ang buong bibig ipasok lang ang buong kamay na may kanin. Hindi napigilan ng binata ang matawa. Narinig ng dalaga ang pagtawa niya kaya inirapan siy

