Yun ang nais niyang maging kongklusion ng dalaga para maging madali ang lahat pero bakit tila ayaw ng puso niya at mas masakit ang salitang iyon sa kanya. Halos masugat ang kamao ni Intoy sa pagkakakuyom ng kanyang palad ng maramdaman niya ang pagpatak ng luha ng dalaga sa kanyang mukha. Parang sasabog ang dibdib niya sa hikbi ng dalaga. Hindi na yata niya kaya pang tiisin ito dahil kahit siya ay nasasaktan na rin ng sobra. Kaya ng hinalikan siya ng dalaga at mag good night kiss ito ay parang goodbye na ito para sa binata at para siyang pinapatay maisip lang iyon. Sa bugso ng damdamin ng binata ay humulagpos ang pinipigil na nararamdaman, nakaalpas ang tinitikis na totoong saluobin. Nang Lumapat ang labi ng dalaga sa labi niya ay pinanawan ng matinong kaisipan si Intoy. Nanaig ang

