Rinig ni Intoy ang pagiyak ni Princess marahil dahil natatakot pa rin ito, siguro ay nagkatruma ito. Napahawak sa batok si Intoy. Naroroon na naman ang kagustuhan niyang pasukin ang dalaga at aluhin, punasan ang mga luha nito at yakapin ng mahigpit. Nakuyom ni Intoy ang mga kamao at nahaplos na lamang ang pinto. Saka madiing kinuyom ulit ang kamao. "Sh*t! 'langhiyang kapalaran naman to oh" Nakaubos na ng tatlong bote ng beer si Intoy ng hindi niya namamalayan kakamuni muni niya. Hindi na rin kase niya lubos maisip ang mga nakita at mga nagyari. Naahawak pa si Intoy sa sugat niya. Medyo masakit at makirot pa rin. "Anong ginagawan ni Princess sa labasan at sino ang lalaking kausap nito.Sa naisip ay nakaramdam ng selos at inis si Intoy. Hindi niya ipinaalam na siya ang lalaking sumulpot

