Pag-alis ni Eric sa upisina ay nagpasya na siyang umuwi, wala na siyang ganang magtrabaho dahil sa batikos na natatanggap niya mula sa grupo, although hindi naman lahat ay nagpahayag ng pagkadismaya sa kanya. Hindi naman siya natatakot pero naintimidate siya sa mga pagbabanta ng ilan laban sa kanya, alam naman niyang may mga tao sa grupo na matagal nang gusto siyang idispatsa pero napapailing na lamang siya dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang nakatayong Capo nila. Wala naman siyang pakialam kung mawala sa kanya ang pagiging pinuno ng grupo, hindi naman ang pagiging Capo ang pinangarap niyang buhay, napilitan lamang siya dahil sa kanyang ama. Ngunit magkaganon man ginawa pa rin niya ang kanyang responsibilidad hangang makilala siyang pinakanotorious na Capo sa loob ng bansa. He set the highest standard in the organization and regarded as the coldest and most heartless man alive. He used to be evil in the eyes of many at natatawa siya sa mga reactions ng mga ito kapag makagawa siya ng mabuti katulad ng pagbabalik niya sa mga nawalang pangalan sa business community. What the hell, wala na ba siyang karapatang gumawa ng mabuti? Napailing siya, hindi niya inakalang mahirap pala ang maging mabuting tao.
Natigil ang kanyang pagmuni muni ng makarating sila sa main gate ng bahay at sumandaling nakipag-usap ang driver sa security. Ipinaalam nitong may dumating na bisita at ito ang kinakapatid na si Elish. Kilala naman ito na labas masok sa bahay ng ama kung kayat walang rason na hindi papasukin ang dalaga. Tumango lamang siya sa pagrereport ng guard at pagkatapos ay binaybay na nila ang malawak na bakuran. Pagdating nila sa harap ng bahay ay may dalawang sasakyang nakapark malapit sa entrance, ibig sabihin nasa loob nga ang kanyang kinakapatid. Napaisip tuloy siya kung anong sadya nito, hindi siya masyadong close dito pero ito lamang ang nagfeeling close at madalas nagpapasaway sa kanya, and always act as his bratty little sister. Napabuntung hininga na lamang siya pagkatapos ay naiiling na bumaba sa sasakyan. Pagbaba niya upang pumasok sa loob ay may naulinigan siyang may tumatawa sa loob at parang may umiiyak. Biglang pumasok sa isip niya si Yzabella kung kayat halos takbuhin niya ang entrance hall. Pagtapak pa lamang niya sa maindoor ay bumangga sa katawan niya takot na takot na dalaga. Nagsisigaw pa ito ng hawakan niya ngunit agad itong yumakap sa kanya ng makita ang kanyang mukha.
„Parang awa mo, tulungan mo ako.”, takot na takot na turan nito bago sumalungayngay at mawalan ng malay sa kanyang bisig. Nabigla siya sa itsura ng dalaga, putlang pulta ang mukha habang nakalantad ang dibdib dahil sa napunit na damit. Dahil dito ay biglang tumaas ang lahat ng kanyang dugo at nanlisik ang mga mata. Pagtingin niya sa paligid ay saktong palapit ang lalaking humahabol sa dalaga, agad niyang binunot ang baril at pinutukan ng ilang beses ang lalaki hanggat hindi humandusay at mawalan ng hininga.
Sa narinig na putok ay nagsidatingan ang lahat habang tila naestatwa sa kinatatayuan ang mga kasama ng lalaki maging si Elish.
“Eric, anong ginagawa mo? Tauhan ko yan!”, turan ni Elish sa binata ng makompos ang sarili. Akala siguro ng binata kalaban ang tauhan niya kung kayat walang habas ang ginawang pagbaril dito. Ngunit halos mapaatras siya ng itutok ni Eric ang baril nito sa kanya habang nanlilisik ang mga mata.
“Who permitted you to bring havoc in my place?”, hindi maikakaila ang galit na turan ng binata dito.
“I did not! Pahard to get lang ang katulong mo, wala namang kaso saiyo kung ireregalo ko siya sa tauhan ko, di ba?”, si Elish kung kayat mas lalong kumulo ang kanyang dugo. Nanginginig ang kanyang kalamnan, baka hindi niya matantiya ang sarili at mapatay niya ng wala sa oras ang kinakapatid.
“Bibilang ako ng tatlo, kung hindi pa kayo aalis hindi na kayo makakalabas ng buhay dito.”, mariing pagbabanta niya dito. Hindi naman makapaniwala si Elish ngunit sa mukha ng binata ay nataranta ito lalo na ang mga kasama niya.
“You can’t do this to me, Eric.”, sinubukan niyang makmaktol dito ngunit hindi nagbabago ang tabas ng mukha nito.
“Isa!”, sa halip ay matigas nitong pagsisimulang magbilang. Ang mga tauhan ng binata ay isa isang nagsilapitan sa mga outsiders at hinawakan ang mga ito sa magkabilang balikat kung kayat bago pa man makabilang ng dalawa ang binata ay nawala na ang mga ito sa paningin niya.
Agad niyang binuhat si Yzabella pagkaalis ng mga ito. May nagprisintang tulungan siya sa pagbuhat sa dalaga ngunit umiling siya pagkatapos ay dinala niya ito sa taas upang ipahiga sa kanyang kuwarto. Napalunok siya ng tumambad sa kanya ang dibdib ng dalaga dahil sa punit nitong damit ngunit agad niyang kinuha ang kumot at itinakip dito. Mas lalong nagtiim ang kanyang bagang ng makita ang mg paso sa palad nito. Sa galit niya ay tinawagan niya ang security sa main gate upang harangan ang paglabas ng grupo ni Elish at inutusang gawin sa mga ito ang ginawa sa dalaga. Nasa pinakamataas na lebel ang kanyang galit sa pagkakataong ito at wala siyang pakialam kung sino ang makakabangga niya. Kung simula ito ng World War III, so be it! He’s ready to battle and not afraid to lose everything.
Pagkatapos niyang magbigay ng instruction sa security ay bumalik siya sa tabi ng dalaga, kinuha niya ang kamay nito at walang alinlangang inilapit sa mga labi at hinalikan na para bang magagamot agad ang tinamo nitong mga paso. Hindi naglaon ay inilagay niya sa kanyang pisngi ang palad nito. Her hands are soft and warm, and melted his cold heart. Parang biglang nagkabaterya ang kanyang puso at biglang tumibok ng mabilis. Banyaga para sa kanya ang mga ganitong feeling pero iba ang hatid nitong saya sa kaibuturan. Ang init ng kamay nito ay tila nagbibigay-buhay sa kanyang puso na matagal nang natutulog, nagigising ito sa magaan at masarap na pakiramdam na hindi niya inakalang maranasan.
Pagmulat ni Yzabella ay namulatan agad si Eric sa kanyang tabi at binebendahan ang kamay niya. Ngunit ng maalala ang nangyari sa kanya kanina ay agad niyang binawi ang kamay at agad bumangon mula sa pagkakahiga upang isiksik ang sarili sa sulok ng kama.
“Huwag! Huwag kang lalapit!”, nasa mukha niya ang sobrang pagkatakot habang mahigpit na humawak sa kumot na nakatakip sa kanyang dibdib.
Nagulat si Eric sa biglang pagbangon ni Yzabella ngunit napalunok ito sa sobrang takot na nakarehistro sa mukha ng dalaga. Nagkatrauma yata sa nangyari sa kanya kanina.
„Lumayo ka saakin, wala akong ginawang masama!”, hagulgol ng dalaga at hindi alam ni Eric kung ano ang gagawin. Naaawa siya sa dalaga at parang sinasaksak ang kanyang dibdib sa nakikita dito. Nagtangka siyang lapitan ito ngunit mas lalong isiniksik ni Yzabella ang sarili sa gilid habang panay ang pag-iyak.
„Calm down, you’re safe now; wala nang mananakit saiyo.”, pag-aalo niya sa dalaga ngunit mas lalong umiyak ito. Nang hawakan niya ulit ito at yakapin ay hindi naman na ito nagprotesta baskus ay ibinuro nito ang mukha sa kanyang dibdib habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha.
“Ayaw ko na dito, pauuwiin mo na ako, please.”, pakiusap ng dalaga ngunit hinalikan lamang niya ito sa ulo pagkatapos ay mas mahigpit ang ginawang pagyakap dito. God, he never cared so much like this before.
“It’s okay, sweetheart; I’m here now. Promise, I won’t let that happen again to you.”, wika niya kung kayat unti unting kumalma ito.
Nang tumigil ang dalaga sa pag-iyak ay iniangat ni Eric ang mukha nito, nag-usap ang kanilang mga mga mata at walang salitang makakapagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
“I will protect you until my last breath; will you trust me?”, pangako niya ng buong puso at tumitig ito ng matagal sa kanyang mga mata bago dahan dahang tumango.
“I will!”, maikling tugon nito at tumango tango siya habang kumikislap ang mga mata. Sa labis na kasiyahan ay nayakap niya ulit ang dalaga at wala sa sariling nahalikan ang ulo nito. Kapwa sila natigilan ngunit biglang ngumiti ang dalaga kung kayat hindi niya napigilang hawakan ang mukha nito at ginawaran ng halik sa labi. Smack lang sana ang ibibigay niyang halik dito ngunit nang magparaya ang dalaga sa pagsakop niya sa mga labi nito ay naging mas malalim ang ginawad niyang halik hoping na hindi ito magfafaint kagaya noong unang halikan niya ito. When he’s done, he kisses her on the forehead and embrace her firmly.