Pagkatapos magpunas ng mga palamuti ay sa sahig naman ang isinunod ni Yzabella. Umalis si Eric at halos dala dala nito ang lahat ng kanyang mga tauhan na nagresulta ito sa katahimikan sa paligid at sa loob ng bahay, na nagbibigay sa kanya ng kalayaan upang ienjoy ang paglilinis. Malaki ang pasasalamat sa kanyang pananatili sa kumbento sa loob ng ilang taon dahil dito natutunan niya ang mga pangunahing gawain sa loob ng tahanan. Sa simula, siya ay nahihirapan dahil lumaki siya na may mga katulong sa bahay at hindi niya kailanman naranasang maglinis gamit ang walis tambo o kahit maghugas ng isang pinggan. Subalit sa kanyang pananatili sa kumbento, unti-unti niyang natutunan at napanibago ang sarili sa mga simpleng gawain na ito, na nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang kaalaman at kasanayan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan ng kanyang karanasan sa kumbento, narealize ni Yzabella na ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi sa kakayahan na matuto at magpakumbaba sa simpleng mga bagay. Nabatid niya na ang kahalagahan ng paglilingkod nang buong puso sa Panginoon ay nagmumula sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga simpleng gawain ng araw-araw. Ito ang nagturo sa kanya ng kahalagahan ng pagnanais na magkaroon ng tunay na kaalaman at pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng maayos at tapat na pamumuhay.
Naglagay siya ng pampakintab sa sahig at nagpopolish na lamang siya nang may biglang pumasok na hindi niya kilala sa loob ng bahay. Isang seksi at magandang babae kasunod ang ilang mga bodyguards nito. Nagpalinga linga ang mga ito pagkapasok sa entrance hall na tila may hinahanap ngunit ng masulyapan siya ng babae mula sa may sulok ay bigla itong napakunot noo pagkatapos ay unti unti lumapit sa kinaroroonan niya. Wala siyang ideya kung sino ang mga bagong dating, sa tingin niya ay matagal naman na itong labas masok sa bahay na ito dahil kung hindi ay hindi na sana nakapasok ang mga ito sa gate pa lamang kung kayat ipinagpatuloy lamang din niya ang kanyang ginagawa. Paglapit ng babae sa kanyang kinaroroonan ay basta na lamang nito tinapakan ang kanyang kamay habang nagpupunas sa sahig. Agad bumaon ang heels ng suot nitong stiletto sa likod ng kanyang palad kung kayat hindi siya nakagalaw.
“Who are you?”, turan nito. Diniinan pa ng babae ang pagkakatpak sa kamay niya kung kayat napilitan siyang iniangat ang mukha at salubungin ang nagdududa nitong mga mata.
“Ka...waksi po ako sa bahay na ito.”, tugon niya habang sunod sunod ang ginawang paglunok. Bumabaon ang heels nito sa kanyang kamay at nararamdaman niya ang sakit.
“Kawaksi? Kailan pa nagkaroon ng babaing katulong sa bahay na ito?”, ang babaeng bahagyang ngumiti ngunit tila nagngangalit ang mga matang nakatingin sa kanya. Maya maya ay lumapit ang isang bodyguard nito.
„Boss, siya ang kapatid ni De Los Santos.”, saad nito. Bigla namang nagbago ang expression ng mukha ng babae pagkarinig sa sinabi ng bodyguard nito, nanlisik ang mga matang tumitig sa kanya pagkatapos ay marahas nitong pinisil ang magkabila niyang pisngi.
“Kawawang nilalang.”, patuyang wika nito na mas lalong diniinan ang pagkakapisil nito sa kanyang pisngi. Halos mapangiwi si Yzabella ngunit tila umurong ang kanyang dila.
“Where’s your fucki’n brother?”, matigas na turan nito at umiling siya.
“Hindi ko po alam.”, sa wakas ay tugon niya. Ngunit nagsmirk ito pagkatapos ay marahas nitong binitiwan ang kanyang pisngi at halos mapasalampak siya sa sahig.
Kumuha ng sigarilyo ang babae sa kanyang bag, automatic namang inilabas ng bodyguard nito ang lighter at sinindihan. Humithit ito ng ilang beses pagkatapos ay pacross leg itong umupo sa may sofa. Maya maya ay sumenyas ito at pinapalapit ang dalaga sa kanya. Dahil sa takot ay agad namang tumayo si Yzabella at lumapit dito.
“Luhod!”, utos nito at naitulos siya sa kinatatayuan. Pinanlisikan siya ng babae kung kayat wala siyang nagawa kundi sumunod sa ipinapagawa nito.
“Taas ang dalawang kamay.”, pagkatapos ay turan nito. Napatitig siya sa babae ngunit pinanlakihan siya nito ng mata pagkatapos ay marahas nitong hinila ang kanyang kamay at ginawang astray ang kanyang palad. Halos nanigas ang buo niyang katawan pagdantay ng nakasinding sigarilyo sa kanyang palad. Pinipigil niya ang mapaiyak ngunit tila may sariling pag-iisip ang kanyang mga luha at kusang nagsilaglagan sa kanyang pisngi.
“Bakit, ka umiiyak? Pinapaiyak ba kita?”, saad ng babae at nakimkim niya ang mga labi upang hindi mapahikbi.
„Ganyan ang mangyayari saiyo hanggat hindi mo sinasabi kung nasaan ang kapatid mo.”, wika ng babae at mas lalo siyang napaluha ng ipatong nito ang sigalyo sa kanyang kamay.
“Maniwala po kayo saakin, wala po akong alam kung nasaan ang kuya ko.”, halos pahikbing turan niya ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng babae pagkatapos nakangiting umayos ng upo na tila enjoy na enjoy sa nakikitang paghihirap niya.
“Boss, parang wala siya talagang alam. Baka pwedeng ibalato mo nalang siya saakin?”, ang bodyguard ng babae habang nakatingin sa kanya ng may pagnanasa. Kumunot ang noo ng babae ngunit ng tumingin sa mukha ng alagad nito ay napangisi ito ng nakakaloko.
„Sa palagay ko pinagsawaan naman na ito ni Capo dahil ginawa na niyang alipin, baka pwedeng iregalo mo na lang saakin tutal mukha pa namang sariwa.”, anang lalaki at nagkatawanan ang dalawa kung kayat biglang kinalabutan si Yzabella.
„Sure, sigurado naman akong hindi umuulit ang aking kinakapatid sa mga tinitikman niya, ewanko ba at hindi pa niya idinispatya ang isang to.”, wika ng babaeng biglang naexcite sa naisip ng kanyang alagad. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ng lalaki pagkatapos ay excited na lumapit sa kanya.
„Huwag po.”, ang dalagang agad napaatras ng magtangkang hawakan siya ng lalaki. Sa ginawa niya ay tumawa ang babae at tila naman napapahiyang umiling ang lalaki sa amo nito. Nang hawakan na naman siya ng lalaki ay mabilis ulit siyang lumayo dito kung kayat mas lalong natuwa ang babae na tila nanonood lamang ng comedy. Nalukot ang mukha ng lalaki at seryoso na ito sa paghuli sa kanya, kung ilang ulit din silang nag-paikot ikot sa malawak na hall hanggang sa mahawakan nito ang kanyang damit at naigupo siya nito.
„Huwag po, parang awa niyo na.”, umiiyak niyang turan sa lalaki habang hayok na kayok na nakatingin sa kanya.
„Pinagod mo ako baby, pero huwag kang mag-alala paliligayahin kita.”, ang lalaking nasa mata ang labis na pagnanasa. Nang ilapit nito ang mukha upang halikan siya ay itinulak niya ito pagkatapos ay nagtangkang tatakbo ulit ngunit nahawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Galit siya nitong itinulak sa sahig pagkatapos ay walang awang pinunit ang harapan ng kanyang damit. Tumambad ang kanyang dibdib kung kayat mas lalong pinagnasaan siya ng lalaki. Akmang dadaganan siya ng lalaki ngunit ubod lakas niyang pinasalubungan ng tadyak kung kayat nabaligtad ito at tumilapon sa may di kalayuan. Bago pa man ito makabangon ay agad siyang tumayo at patakbo niyang tinungo ang pinto. Kahit anong mangyari ay hindi siya magpapahuli ng buhay sa lalaki, kahit barilin siya nito ay desidido siyang makalabas at bahala na kung anong mangyari sa kanya. Dahil may kalawakan ang hall ay nakabangon na ang lalaki bago pa niya marating ang pinto at mabilis itong humabol sa kanya. Dahil sa takot na mahuli na naman siya ng lalaki ay halos mawalan siya ng hininga na kumaripas ng takbo at hindi niya namalayang may papasok at nabangga niya ito. Sa takot ay bigla siyang nagsisigaw ng “huwag po, huwag po!” ngunit ng mapagsino ang ito ay agad siyang yumakap dito.
“Parang awa mo, tulungan mo ako.”, turan niya bago nawalan ng malay sa mga bisig nito.