Halos hindi pa nabubuksan ni Yzabella ang washing machine upang kunin ang mga damit sa loob ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ulit si Eric. Agad siyang napatayo ngunit pagkalapit sa kanya ay agad siyang binuhat na parang sako at inilabas sa laundry room.
“Saan mo ako dadalhin? Parang awa mo, bitiwan mo ako!”, pagpalag niya dito ngunit tila wala itong naririnig at walang kaso ang ginagawa niyang pagwawala. Mula sa laundry room ay pumasok sila sa kitchen, lumabas sa sala at umakyat sila sa hagdan pataas sa bahay.
“Please, I will do everything you want. Hindi na ako matutulog buong araw at magdamag.”, pakiusap niya dito. Lalo siyang natakot ng buksan nito ang isang pinto at ibinaba siya sa isang silid. Isinara pa man din nito ang pintuan kung kayat napalayo siya dito ng husto. Nang bumaling sa kanya ay agad siyang lumuhod.
“Please Mister, maawa ka po saakin.”, pagmakaawa niya at kumunot ng husto ang noo nito.
“What are you thinking?”, saad ng lalaki kasabay ng pataas ng dalawang kilay. “For goodness’s sake, I’m not a rapist!”, bulalas nito kung kayat bigla siyang napahinto. Hindi nga? Yun kasi ang biglang pumasok sa kanyang isip, eh bakit siya pinuwersahang binuhat at ilock sa isang room na kasama ito?
“Sorry, akala ko kasi…’”,
„Akala mo kasi pagsasamantalahan kita?”, ang lalaki at lihim siyang napahiya. Nakagat niya tuloy ang pang-ibabang labi.
„Sige, bite more your lips at itutuloy ko na ang iniisip mo!”, narinig niyang turan nito at nataikip niya ang kamay sa mga labi.
„Pasensiya na po, nabigla lamang ako.”, nakayukong turan niya.
„Get up! Clean yourself and go to sleep.”, utos ng lalaki at hindi siya makapaniwalang tumingin dito.
“What?”, nakataas ang kilay nitong saad sa kanyang pagkagulat.
“Ayaw mo?”, turan pa nito kung kayat agad siyang tumayo.
“Gusto ko po, maraming salamat.”, saad niya at napakunot noo naman ito.
„How old are you?”, maya maya ay tanong nito.
“Po?”, turan niya ngunit mas lalong tumaas ang kilay nito.
“Twenty-four po.”, agad din niyang saad pagkakita sa tila iritadong mukha nito.
“You are just four years younger than me, kung maka “po” ka parang doble ang age gap natin..”, ang lalaki at hindi niya napigilang tumingin ulit sa mukha nito. Still, he owns the most dangerous and serious face in the world. His thick brows, with their well-groomed shape framing his piercing, and sharp eyes that seem to hold a thousand secrets. He has angular features because of the pointy bridge of his nose. His lips, firm and perfectly shaped, possess an irresistible allure that captivates all who lay eyes upon them. When he speaks, they move with purpose and precision, commanding attention and drawing others into his world.
“Did I pass your standard?” Nawili siya sa pag-eeksamin sa lalaking kaharap at hindi niya namalayang nakataas na ang kilay nito habang nakahalukipkip. Agad siyang natauhan at tila napasong binawi ang mata sa mukha nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha ngunit idinaan niya ito sa simpleng pagngiti.
“Ah, sorry po. May naalala lamang ako.”, turan niya habang lihim na pinagalitan ang sarili. How come na naisipan pa niyang pag-aralan ang kabuuan nito? Di ba nga ang turo, sa mata ng Diyos ay pare pareho ang mukha ng tao?
“Who? Your boyfriend?”, ang lalaki at napatingin siya dito. Anong pinagsasabi nito? Wala nga sa bokabularyo niya ang salitang boyfriend. Ngunit agad din siyang umiling ng tumaas ang dalawang kilay nito.
“No!”, mabilis niyang turan at hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pagngisi nito.
“Good! Now, get rest dahil marami kang gagawin bukas.”, ang lalaki at dali dali siyang tumango dito.
“Salamat po, Ginoong Eric. Ipagdarasal ko palagi ang kapayapaan sa buhay niyo.”, saad niya at napatitig sa kanyang mukha ang lalaki. Maya maya ay napakunot noo ito at halos mapaatras siya ng lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
“It's swollen, you need to apply a cold compress.”, ang lalaki habang iniinspeksiyon ang pasa sa kanyang pisngi.
“Ah, hindi na po kailangan. Okey lang po, salamat.”, turan niya ngunit tila walang narinig ang lalaki. Nang bitiwan nito ang kanyang pisngi ay tinungo ang mini refrigerator sa loob ng room at kumuha ng ice cube at ibinalot sa tela. Pagbalik nito ay pinaupo siya sa gilid ng kama at idinampi sa kanyang pisngi ang hawak na icepack.
“Aw!” hindi niya naiwasang turan ng dumikit ang icepack sa kanyang pisngi kung kayat inilayo agad ng lalaki ang pagkakadampi dito.
“Tiisin mo na lang para hindi mangitim.”, saad nito na nasa himig ang pag-aalala na animoy matagal na silang magkakilala.
„Ako na.”, aniya sa lalaki ngunit may pagkabingi yata ito dahil ipinagpatuloy pa rin ang pagdampi sa kanyang pisngi na tila walang narinig. Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata sapagkat nanunuot din ang sakit habang dumadampi ang malamig bagay sa kanyang pisngi.
Ingat na ingat si Eric mula sa pagdampi ng icepack sa pisngi ng dalaga. Nagsisimula na itong nangitim at namamagana dahil sa inabot na malakas na sampal mula sa tauhan ni Guillen.Muli ay nagtangis ang kanyang mga bagang pagkaalala sa pananakit dito, hindi siya magdadalawang isip na paulit ulit niyang barilin sa ulo ang nanakit dito kung may pagkakataon. Kung nahuli pala sila ng dating ay hindi lang siguro sampal ang inabot nito sa mga kamay ng mga iyon at pagsisisihan niya habang buhay kung may nangyaring masama dito. Napatitig na naman siya dito. Ysabella possesses a face that is a true testament to perfection, flawlessly sculpted and as smooth as silk. Every feature harmoniously blends, creating a look that is both captivating and dainty. Her complexion is like a porcelain, unblemished and radiant. Her skin is so smooth that it appears to be untouched by imperfections, as if she has been blessed with an enviable flawlessness. It exudes a natural glow, reflecting her inner beauty and lending an air of gleam to her overall presence. Her cheeks are delicately rosy. They are soft to the touch, inviting a gentle caress that only further emphasizes the velvety smoothness of her skin. Her eyes, framed by long and luscious lashes, are like sparkling gems. They hold a depth and clarity that seem to reveal the pureness of her soul, reflecting both wisdom and innocence simultaneously. Her lips, soft and supple, are adorned with a natural shade that complements her flawless complexion. They possess a natural plumpness, inviting the desire for a tender and gentle touch.
“For goodness’ sake Eric, she’s a nun!”, madiing paalala niya sa sarili. He nearly touches her lips and doesn’t know what will happen next if he cannot control himself. Agad niyang inihinto ang pagdampi ng icepack sa pisngi ng dalaga at inilayo ang sarili.
“Okey na yan. It’s already late at night, get some sleep!”, turan niya pagkatapos ay walang lingong likod na tinungo ang pinto.
“Maraming salamat, Ginoong Eric. Good night!”, narinig niyang pahabol ni Ysabella sa kanya bago nakalabas ang kanyang katawan sa pintuan. Hindi na rin niya ito nilingon bagkus ay tila binging hinila ang dahon ng pinto at isinara. Bigla siyang natakot sa sarili, baka kung lilingon siya ay babalik siya ng di oras at sakupin ang mga labi nito. Hindi lamang isang ordinaryong babae si Ysabella, isa itong alagad ng Diyos at nakatakdang iba ang purpose nito sa mundo. Mas gusto niyang paulit ulit kumitil ng buhay ng masasamang tao kesa pagsamantalahan ito.
Nagulat si Ysabella sa biglaang paglabas ni Eric sa kuwarto. Dinadampian lamang nito ang pasa sa kanyang pisngi ngunit tila nasaniban ng masamang ispirito na bigla na lamang itong lumabas at parang binging hindi narinig ang ginawang pasasalamat dito. Aminado naman siyang may mga tao talagang paiba iba ang mood at marahil ay isa na ang Eric nayun sa may mga ganoong karakter kung kayat napailing na lamang siya habang nakatingin sa may pinto. Kahit paano ay hindi naman ganon kasama ang lalaki, kung hindi ay hindi na dapat ito nag-insist na icold compress ang kanyang pisngi. Totoo nga ang naririnig niya sa mga obispo, masama man ang isang tao mayroon at mayroon pa ring kabutihang nakatago sa sulok ng kanyang puso. Oo, ipagdarasal niya sa panginoon na sana mas manaig ang kabutihan ng lalaking yun kesa gumawa ng masama sa mundo. Hinagilap niya ang nakasabit na malaking rosary sa loob ng kanyang damit at taimtim na nanalangin sapagkat sa kabila ng mga pangyayari sa araw na ito ay marami pa rin siyang dapat ipagpasalamat sa panginoon.
Pagkatapos niyang manalangin ay inilibot naman niya ang paningin sa kinaroroonang silid. Halos magkasinlaki lang din ang silid na ito sa kuwarto niya sa kanilang mansion. May couch din malapit sa may bintana, may tv, aircon, refrigerator at may sariling bathroom, ngunit ang nakaagaw ng kanyang atensiyon ay ang nakasabit na isang malaking frame sa dingding. Larawan ng limang lalaki na nakasuot ng special forces uniform. May itim na pinta sa mga mukha at silang lahat ay nakangiti. Nakilala niya ang tatlong nasa gitna, si Eric habang pinagitnaan ng kanyang kuya at ni Alkins. Hindi pa niya nakita ang dalawa ngunit sigurado siyang special ang relationship ng lima sa isat isa. Napaisip siya, parang wala siyang nabalitaan na pumasok ang kanyang kapatid sa pagiging militar or special forces o baka hindi lang dumating ang balita sa kanya? Binuksan niya ang cabinet upang tumingin ng kahit anong maisusuot, gusto niyang maligo at kailangan niya ng pamalit na damit. Tumambat sa kanya ang puro kulay itim na kulay ng mga nasa loob ng cabinet, mapasweat shirt man ito, sando, shorts at pantalon. Maging ang mga undies na nakalagay sa isang kahon ay kulay itim, maging ang roba at mga towel na naroon. Mabuti na lamang pala at hindi kulay itim ang kulay ng bedsheet at pillowcases. Nagtaka tuloy sya kung sino ang nakalagi sa room na ito at super naman ang pagkainlove sa kulay itim. Pero hindi na niya iyon pinansin, kumuha siya ng isang sweatshirt at lounge pants at pumunta sa bathroom.