Chapter 5

1167 Words
Pasado alas dose na ng gabi ng matapos si Eric mula sa mga binabasang dokumento. Simula ng pumasok siya sa pinakaoffice niya sa bahay ay hindi na siya lumabas. Habit na niya kasi ang tapusin ang lahat ng sinimulan niyang trabaho kahit abutin pa siya ng magdamag. Sakto ding kumalam ang kanyang tiyan. Naalala niya hindi pa pala siya naghapunan at hindi rin kumain kaninang tanghali dahil nainis siya sa kapatid ni Yzekiel. Speaking of kapatid ng hinayupak niyang kaibigan, nasaan pala ito? Hindi siya nagbigay ng directives kay Alkins kung saan ito matutulog, masyado pa namang gentleman ang kaibigan niyang iyon baka sa kuwarto na niya ito pinatuloy. Bigla ay napatayo siya sa kinaupuan at pagkatapos ay agad lumabas sa upisina. Pinakiramdaman pa niya ang buong paligid paglabas niya sa may pinto ngunit tila maayos naman ang lahat at napakatahimik. Tinungo niya ang hagdan at bumaba, pinaikutan niya ng tingin ang malawak na sala bago tinungo ang kusina. Pagdating niya doon ay wala ng tao at nasa tamang ayos na ang lahat ng mga gamit. Muli ay inilibot niya ang paningin sa malaking kusina bago binuksan ang refrigerator at kumuha ng tubig. Pagtungga niya ng maiinom ay naagaw ang kanyang atensiyon ng makitang nakabukas ang ilaw sa laundry room. Ngayon lang niya nakita na nakabukas ang ilaw doon sapagkat hindi naman ito ginagamit kapag ganitong oras. Bitbit ang bote ng tubig ay tinungo niya ang laundry room. Nasa labas pa lamang siya ay dinig niya ang nakaandar na automatic washing machine. Binuksan niya ang room at tumambad sa kanyang paningin ang mga nakahilerang damit habang maayos ang pagkakatupi. Sa pangatlong pangkakataon ay inilibot na naman niya ang paningin sa loob na tila ba may hinahanap. Halos murahin niya ang sarili ng makitang nakasalampak si Ysabella sa floor at natutulog habang nakasandal ang ulo sa may washing machine. Naidlip siguro ito habang hinihintay ang mga damit na nakasalang sa washing machine. She looks so tired. Suot pa rin nito ang kanyang damit mula sa kanilang bahay but it doesn’t make her look filthy bagkus ay napakalinis pa rin nitong tignan kahit siguro wala itong ligo ng ilang araw. She looks more beautiful than he remembers, more delicate and fragile na kapag gagalaw siya sa kinatatayuan ay any moment ay mababasag itong parang napakahalagang bagay. He wanted to touch her more than he was craving for her four years ago. She is the woman of his dreams, and the fast and thunder-like sounds of his heartbeat tell it so. Parang gustong lumabas ang kanyang pueo sa lakas ng pintig nito. Nang tumigil ang washing machine sa pag-andar ay naalimpungatan din agad si Ysabella mula sa pagkaidlip. Hinihintay niya kasing matapos ang mga nakasalang kanina at hindi niya namalayan ang sariling naidlip. Nakusot pa niya ang mga mata sapagakat parang ayaw pa nilang bumukas, nasanay kasi sa ganitong oras ay mahimbing na siyang natutulog. Ngunit kailangan niyang tapusin ang linalabhan baka mas lalong mainis sa kanya si Ginoong Eric. Kaya pa naman nitong pumatay ng tao, baka siya ang isusunod nitong barilin sa ulo. Speaking of the devil! Agad siyang napatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig ng luminaw ang paningin at nakitang nakatayo ito malapit sa may pinto at nakatingin ng mariin sa kanya. “Sorry po kung naidlip ako, hinihintay ko kasing matapos yung mga damit na nasa loob. May iuutos po kayo saakin?”, turan niya dito habang nakayuko ang ulo. Ayaw niyang tignan ang mukha ng lalaki, sobrang guwapo ngunit nakakatakot kapag nakakunot ang noo. “Why are you sleeping? Did I tell you to sleep while you’re working with me?”, iritadong saad nito at napakagat siya ng labi. “Pasensiya na po, hindi ko po namalayang naidlip ako. Pero hindi po ako natutulog, hinihintay ko lamang talaga ang mga damit sa loob ng machine para papaplantsahin ko.”, kabadong turan niya dito. Totoo naman, wala pa kasi siyang magawa kung kayat naisandal niya ang ulo kanina at naidlip. Hindi naman niya alam na bawal pala ang matulog sa bahay na ito. „Next time, walang tutulog tulog kung hindi ko sinasabi!”, pasupladong pahayag nito. Nakaramdam siya ng relief sa pagbibigay sa kanya ng chance kung kayat magalang siyang tumango dito. “Noted po, pasensiya na. At salamat din po sa kabaitan ninyo, pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.”, saad niya dito. “Are you kidding me?”, sa halip ay turang nito. Napaangat siya ng mukha at bigla siyang kinabahan dahil magkasalubong ang mga kilay nito. “Naku, hindi po. Natuwa lamang po ako dahil binigyan niyo po ako ng chance dahil sa aking pagkaidlip.”, mabilis niyang paliwanag dito ngunit sadya yatang nature nito na ang nakakunot ang noo. „Never utter God’s name when, in fact, at the back of your head, you are cursing me.”, ang lalaki at hindi niya napigilang hindi magprotesta. She never cursed anyone throughout her life. “Hindi po ako ganon, I’ll never think of cursing anyone in my entire life. Kahit gaano pa kasama ang nagawa ng mga tao sa paligid. I’ll never do that.”, „Wow! I’m impressed. I never thought isa palang santa ang aking kaharap?”, sarkastikong turan nito. “Hindi po ako Santa, I just believe that there is always a good side to everything.”, paliwanag niya. “Huh! Do you think it is a good idea to take the consequences of your brother’s fault?”, matalim ang matang turan nito at napalunok siya. “I am certain that my brother is innocent.”, lakas loob niyang pahayag at nagulat siya ng tumawa ito. “Hindi mo yata kilala ang kapatid mo? Don’t you know that he is the evilest person that I know?”, tuya nito. “I know he is not perfect, but he has a good side like everybody else.”, pagtatanggol niya sa kapatid. Mahal niya ang kanyang kuya at tanggap niya kung ano man ang mga pagkakamaling nagawa nito. Isa pa tao lang ang kanyang kapatid at nagkakamali. “Nice! How sweet of you as the traitor's sister. You stand for your brother, then you work for me day and night without sleep! Naiintindihan mo?”, halos nagbabaga ang mata nitong mulagat sa kanya. Sa sobrang nerbiyos ay agad siyang tumango. “Naiintindihan ko po.”, mabilis niyang pahayag. Kung ilang ulit itong lumunok habang nakatitig sa kanya pagkatapos ay bigla itong tumalikod at ibinalibag ang pintuan ng itoy lumabas. Napahinga naman siya ng maluwang ng makalabas ito sa pinto kahit halos malaglag ang kanyang puso sa lakas ng pagsara nito sa pinto. Napahilamos na lamang din siya sa kanyang mukha at tinanggap ang kapalarang hindi siya mamamatay sa pagbaril sa kanyang ulo kundi papatayin siya ng paunti unti dahil sa kawalan ng tulog. Ilang araw na lang kaya siya mundong ibabaw? Sa isiping iyon ay napasign of the cross siya ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD