“Pocket your smile!”, pasupladong turan ni Eric kay Alkins. Hindi niya nagustuhan ang pagsilay ng ngiti nito ng biglang lumapit sa kanya ang babae at wala sa sariling kumapit sa kanyang bisig. Natakot yata sa dami ng kanyang mga tauhan habang nakabitbit ng malalaking baril. Sumeryoso naman ang mukha ni Alkins ngunit nasa mata ang panunudyo. Parang gusto na niya tuloy itong tadyakan upang magdisappear sa kanyang paningin.
“What’s your plan?”, si Alkin habang pasimpleng tumingin sa babaing tila kuting na nakahawak pa rin sa kanyang bisig. Hindi ba ito natatakot sa kanya? Bat parang mas komportable itong nakahawak sa kanya kesa tumingin sa iba?
“Nagbakasyon ang ating mga katulong ngayon. Samahan mo siya sa kusina upang ipagluto tayong lahat ng makakain .”, turan niya habang tuloy tuloy sa pagpasok sa loob ng mansion ng kanyang ama. Simula ng manirahan sa Italy ang kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya ay ginawa na niyang hide out ang bahay nito. Meron din siya iba’t ibang bahay depende sa kanyang mood ngunit ang pinakapaborito niya at pinakaiingatan ay ang bahay ng kanyang ina na minana pa nito sa kanyang abuelo. Tahimik at malayo sa city at pumupunta lamang siya doon kung gusto niyang makaramdam ng mapayapang pag-iisip.
“Okey. Halika Ysabella, ihahatid na kita sa kusina.”, saad ni Alkins at napataas kilay siya sa pagtawag nito sa pangalan ng babae na parang matagal na silang magkakilala. Agad naman bumitaw si Ysabella mula sa pagkakakapit sa kanya at ngumiti ito ng bahagya na tila nawala na ang pagkatakot sa mukha kanina.
„Pagkatapos niyang magluto, kunin mo lahat ng damit ng mga kasamahan natin at lalabhan niya.”, bigla siyang nainis ng todo at napatingin si Alkin sa pangalawang utos nito. Mahigit singkwenta ang mga kasahaman nila at nag-aalala yata ito sa dami ng labhan ni Ysabella. Magsasalita pa sana ang kaibigan ngunit lumakad na siya patungo sa may hagdan kung kayat nakita na lamang niya sa sulok ng kanyang mata na umiling iyon.
„Hi, ako nga pala si Alkins. Kaibigan din ako ng iyong kapatid.”, narinig niyang turan ni Alkins kung kayat bigla siyang napahinto sa pag-akyat, ngunit ng lingunin niya ang mga ito ay palayo na din papunta sa kitchen. Mas lalong sumama ang kayang timpla. Hindi pa man nakakarating sa kusina ang mga ito ay tinawagan niya si Alkins.
“Come over here right away!”, turan niya ng iangat nito ang cellphone at agad ding niyang ibinaba pagkatapos. Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat sa may hagdan at dumirecho siya sa kanyang kuwarto. Tinanggal ang suot na damit at nagtuloy sa banyo.
Napailing si Alkins pagkatapos mawala na lamang bigla sa ere si Eric. Hindi pa man nakakapasok sa kitchen upang ihatid si Yzabelle ay pinapapunta na siya agad sa kinarooonan nito kung kayat dinalian niya ang pagtotour sa dalaga sa kusina.
“Ikaw na lamang ang bahalang magluto kung anong gusto mong lutuin, nasa mahigit 50 katao pala ang mga tao rito.”, turan nito kay Yzabella at halos lumaki ang mata ng dalaga sa dami.
“Kaya?”, saad niya sa dalaga ng makitang nabigla ito.
“Okey lang po.”, tugon ni Yzabella dito. Kailangan niyang kayanin, wala naman siyang magagawa diba? Isa pa naranasan na din niyang nagluto ng pangmaramihan ng dalawang taon sa monesteryo kung saan ay nasa first level pa lamang sila ng pagkacloistered nun.
„Kung ganon, maiwan na kita dito at kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi saakin.”, si Alkins at bahagyang ngumiti siya dito.
„Salamat po, ipagdarasal ko po kayo sa kabaitan niyo.”, pahayag niya kung kayat mas malawak ang ginawa nitong pagngiti bago tuluyang lumabas sa kitchen.
Nang tuluyang mawala sa kanyang paningin si Alkins ay hinagilap niya agad ang malaking rice cooker at nagsaing pagkatapos ay inilabas ang lahat ng gulay na nakita sa ref. Marami siyang nakitang karne sa freezer ngunit kumuha lang siya ng kaunti upang ipansahog sa gulay. Sa dami ay halos alas dose na ng tanghali ng natapos siya sa pagluluto. Kahit nakacentralized ang aircon ay naramdaman pa ang pawis na tumulo sa kanyang noo at dahil first time na naman niyang magluto ng madami ay nakaramdam siya ng pagod. Naisandal pa niya ang sarili sa may wall kasabay ng pagpikit ng mata. Nagulantang siya ng may biglang pumasok hinahanap ang nalutong pagkain.
“Asan ang nalutong pagkain, bakit ang tagal?”, narinig niyang pahayag ng bagong dating kung kayat nagulantang siya mula sa pagkakasandal sa wall.
“Andiyan na po sir, saglit lang po.”, mabilis niyang pahayag pagkakita kay Eric. Nakapalit na ito ng damit at napakaganda lalaki subalit tila walang kapayapaan ang pag-iisip kaya palagi itong galit. Pagkatapos maglagay ng kanin at ulam sa serving plate at bowl ay dali dali siyang lumapit sa dining table na kinaroroonan nito. Halos panghinaan siya ng tuhod habang papalapit dito sapagkat mas lalong kumunot ang noo nito habang mariing nakatingin sa kanya.
“Eto na po ang pagkain niyo sir.”, saad niya sabay lapag sa tray na kinalalagyan ng pagkain pagkatapos ay isa isang itong inilapag sa mesa mula sa tray.
“What is this?”, turan nito sa kanyang inihanda at nabitin sa ere ang kanyang paghinga.
“Naggisa po ako ng gulay na sinahugan ko po ng karne.”, mahinang saad niya pagkatapos ay napakagat siya ng labi.
“And you call this food? Anong akala mo saamin mga baboy?”, turan nito at nanlalaki ang mata niyang tumingin dito.
“Naku hindi po sir…”, hindi pa man niya natatapos ang sasabihn ay nagsiliparan ang mga inilapag niyang pagkain. Napakuros siya ng wala sa oras sapagkat di man lang nito iginalang ang pagkain.
“Kainin mo lahat ng niluto mo, kung hindi ay hindi ka kakain ng isang lingo!”, galit nitong pahayag ng makatayo mula sa pagkakaupo. Sa nerbiyos ay tumango tango na lamang siya dito habang nakayuko.
“What happen?”, mula sa may pinto ng komedor ay pumasok si Alkins na bagong ligo, halatang nagulat sa galit na itsura ng lalaki at ang nagkalat na pagkain.
“Ipakain mo sa kanya ang lahat ng kanyang niluto, kung may matapon pati ikaw hindi kakain ng isang linggo!”, banta nito sa bagong dating pagkatapos ay nagmartsa na itong lumabas sa komedor. Napalunok si Ysabella habang napakibit lamang si Alkin sa sinabi ng lalaki. Pakiwari niya ay lumabas lamang sa kaliwang tainga nito ang pagbabanta ng mamamatay tao.
“Let me guess, hindi niya nagustuhan ang niluto mo?”, baling ni Alkins sa kanya mula sa kanyang pagkaistatwa sa pagkakatayo.
“Patawarin siya ng Diyos pero ganun na nga, hindi man lang niya rinespeto ang pagkain.”, wala sa sariling turan niya at naitaas nito ang noo habang unti unting ngumiti dahil sa kanyang sinabi.
“Ano ba kasing niluto mo?”, si Alkin pa rin na hindi maitago ang pagkakangiti habang nakatingin dito.
“Naggisa ako ng gulay at sinahugan ng karne, masustansiya naman yun”, inosenteng pahayag niya kung kayat mas lalong tumaas ang dalawang kilay nito.
“Hindi lang mahilig sa gulay si Eric, hayaan mo na magpapadeliver na lang iyon ng pagkain.”, pahayag ni Alkins at napatingin siya dito. Magpapadeliver nga ngunit ipapakain naman lahat sa kanya ang niluto.
“ Pero sobrang dami yung niluto ko.”, problemadong turan niya dito.
„It’s okey, magugustuhan yan ng mga kasama ko.”, kalmadong pahayag ni Alkins kung kayat biglang sumigla ang kanyang mga mata.
„Talaga?”, tila excited niyang pahayag at nagthumbs up ito sa kanya.
Maya maya lamang ay kinalikot nito ang hawak na gadget at pagkatapos ng ilang sandal ay isa isang nagsilitawan ang mga kasamahan nito sa komedor. Ipinakilala siya ni Alkins sa mga ito pagkatapos ay nagpatulong ito sa iba upang ilabas sa kitchen ang kanyang niluto. Nang mailapag ang pagkain sa komedor ay biglang nagsitahimik ang lahat ng sabihin niyang magdasal muna sila para magpasalamat sa nakahaing pagkain. Tila nafreeze pa sa pagkuha ng pagkain ang iba ng magsimula ang kanyang pagdarasal.
"Heavenly Father, we thank you for the food before us, for the hands that prepared it, and for your abundant provision. Bless this meal, nourish our bodies, and strengthen our spirits. May our conversation be filled with love and gratitude. In Jesus' name, we pray. Amen."
“AMEN!”, halos sabay sabay na turan ng mga ito at hindi niya naiwasang magbigay ng ngiti pagkatapos. Nakatingin kasi sa kanya ang lahat na tila naghihintay ng iba pa niyang programa bago kumain.
“Sige po, pwede na po kayong kumain. Pasensiya na po sa aking luto.”, pahayag niya at hindi niya inaasahang ngitian siya ng mga ito.
“Thank you, miss.”, turan pa ng iba at magalang siyang nagbow sa mga ito.
“Happy?”, si Alkins ng makitang paubos na ang kanyang niluto.
“Salamat saiyo, Ginoong Alkins; akala ko hindi na ako makakain ng isang linggo.”, saad niya at ngumiti ito.
“Haist! Huwag mo na lamang pansinin si Eric, masyadong maraming iniisip kayo ganon. Masakit pa ba ang pasa sa pisngi mo?”, pansin nito sa kanyang pisngi. Sa sobrang dami ng kanyang ginawa sa pagluluto ay nakalimutan niyang masakit ito.
“Okey lang po, mawawala din to.”, turan niya habang pasimplemg kinapa kapa ang pisngi. Masakit din kasi nabugbog nga ito. Ngayon lang niya maranasan ang masaktan physically sapagkat hindi kailanman nakatanggap ng kahit konting kurot sa kanyang pamilya. She’s the baby of the family and everyone in the house treat her preciously. Lalo na ang kanyang kapatid na agad pumayag sa kanyang desisyon na pumasok sa kumbento at magmadre. Mas safe daw siya doon sapagkat marami daw naglipanang masasamang tao sa labas. Mukhang tama nga ang kapatid. Halos kalalabas lang niya sa monesteryo ay nakaranas na siya ng kalupitan ng ibang tao.
“Sabagay, pero mas maganda kung dampian mo ng ice mamaya. Sige, ikaw na muna ang bahala dito. Siya nga pala, yung mga labahin pinalagay ko na sa laundry room. Tignan mo na lang pagkatapos mong magligpit dito.”, saad ni Alkins at tumango tango siya dito.
“Sige po, maraming salamat sa tulong niyo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.”, tugon niya. Saglit itong natigilan ngunit ngumiti din pagkatapos ay nagbow sa kanya bago umalis.