Chapter 3

1550 Words
Hindi naiwasan ni Ysabella ang sobrang pagkatakot. Nanginginig ang buo niyang kalamnan hindi dahil sa natamong pananakit kundi ang isiping mamamatay tao ang mga nakapasok sa kanilang pamamahay. Parang walang halaga ang buhay ng tao sa mga ito at natatakot siya para sa kanyang pamilya. “Sabihin mo sa ahas mong anak magpakita siya saakin dahil kung hindi pareparehas ko kayong ibabaon sa lupa ng buhay.”, pahayag ng lalaking walang awang bumaril sa kanyang attacker kanina. Sa pagkakataong ito ay sa mommy naman niya itinutok ang hawak na baril. Nawalan agad ng kulay ang mukha ng ina. Dahil sa takot niyang maaring mangyari sa ina ay lakas loob siyang tumayo at isinangga ang sarili. “Please mister, maawa po kayo sa aking ina. Wala po siyang kinalaman sa kung anong ginawa ng aking kapatid.”, pagmakaawa niya sa lalaki habang itinago sa kanyang likod ang ina. Nabigla ang lalaki sa ginawa niyang tila pagprotekta sa kanyang mommy ngunit hindi naglaon ay sa kanya naman itinutok ang hawak nitong baril. „Huwag! Huwag mong sasaktan ang anak ko, parang awa mo na.”, palahaw agad ng kanyang mommy ng makitang sa kanya itinutok ang baril nito. “Kung ganon, mamili kayo kung sino sainyong dalawa ang uunahin ko!”, galit na turan ng lalaki. “Ako na! Pakawalan mo na ang anak ko.”, turan ng kanyang mommy kung kayat biglang itinutok ng lalaki ang baril sa ulo ng ina. „Huwag please, huwag niyo pong sasaktan ang aking ina.”, mabilis niyang turan at napaluhod siya sa harap nito. “Parang awa mo na mister, huwag mong sasaktan ang aking ina. Kung ano man ang kasalanan ni kuya willing po akong pagbayaran iyon. Kahit ano pong ipagawa niyo saakin gagawin ko huwag niyo lamang sasaktan ang aking mga magulang.”, saad niya dito. “Ysabella!”, hindi makapaniwalang bulalas ng kanyang ina ngunit pumikit na lamang siya. Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang at gagawin niya ang lahat upang protektahan ang mga ito. Napamulat siya ng maramdaman ang nguso ng baril na dumikit sa kanyang baba upang iangat ng lalaki ang kanyang mukha. “Magaling! Sigurado kang willing kang gawin lahat ng gusto ko?”, ang lalaki habang nakatingin sa kanyang mga mata. Agad siyang tumango dito at ngumisi iyon. “Ano ang mga kaya mong gawin?”, tanong nito pagkatapos at napalunok siya. “Kaya kong magluto, maglaba, maglinis ng bahay, mag garden at magdasal. Ipagdadasal po kita ng sampung beses sa isang araw.”, saad niya at napataas ang kilay ng lalaki bago nagpalatak ng tawa. “Mukha na ba akong patay sa iyong paningin?”, maya maya ay nakakunot noong turan ng lalaki at kagyat siyang umiling. “Hindi po, ang ibig kong sabihin ay ipagprapray ko lagi ang kaligtasan niyo.”, mabilis niyang pahayag at napapatitig sa kanya ang lalaki ng mariin. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay bigla nitong hinablot ang kanyang kamay at marahas siyang hinila palabas. “Saan mo dadalhin ang anak ko? Ysabella!”, sigaw ng kanyang ina na agad humabol ngunit nahinto ito ng humarang ang isang kasama ng lalaki. “Mommy!”, turan niya ng lingunin ang ina ngunit mabilis siyang hinila ng lalaki kung kayat napaluha na lamang siya habang palayo dito. Pagdating nila sa labas ay agad silang sumakay sa nakabukas na sasakyan. Nagkusa siyang sumakay sapagkat ayaw niyang magalit sa kanya ang lalaki kung magmamatokpal pa siya sa mga gusto nito. Maliwanag pa sa sikat ng araw na mamatay tao ito at ipinagpasalamat niyang hindi siya sinaktan maging ang kanyang mommy sa kabila ng masidhing galit nito sa kanyang kapatid. Agad namang umandar ang sasakyan ng makaupo sila sa likod at mabilis na lumayo sa kanilang mansion. Maya maya ay nag-abot ng alcohol ang lalaking nasa tabi ng driver sa kanyang katabi. Nilinis nito ang kamay na tila mawawala ang bakas ng ginawa nitong pagkitil ng buhay sa loob ng kanilang pamamahay kanina. Tinanggal din nito ang suot na coat, niluwagan ang pagkakabuhol ng suot na necktie pagkatapos ay isinandal ang ulo sa headboard ng upuan. Siya naman ay walang imik na nakaupo sa tabi nito habang pinapakalma ang sarili. Ang pangyayari kanina ay maituturing niyang pinakaistress sa kanyang buhay sapagkat nakalimutan niyang kumalma at nakaramdam ng matinding pagkatakot. Sa isiping iyon ay napahawak siya sa bracelet niyang may rosaryo at ipinikit ang mata upang magpasalamat at humingi ng tawad sa Diyos. Isinandal ni Eric ang ulo sa headboard, gusto niyang irelax ang utak mula sa pangyayari kanina. Hindi siya basta basta pumapatay ngunit basta na lamang nagdilim ang paningin kanina at pinaputukan sa ulo ang kasamahan nila sa grupong nanunutok ng baril sa babaing katabi. Wala naman siyang pagsisi sa nagawa ngunit hindi niya ubos maisip na nakalabas na pala ang babaing ito sa kumbento. Kailan pa? Bakit hindi niya nalaman na may kapatid si Yzekiel at ito ang kapatid niya? Itinago ba ni Yzekiel ang kapatid sa kanya? Kung hindi siya magkamali si Yzekiel ang inutusan niyang maghanap sa babaing ito noong hindi na niya makita sa venue ng “Operation Tulong Program”, nalaman na lamang niya dito na pumasok na ito sa monesteryo bilang cloistered nun. Huh! Bastard. Noon pa pala ay niloko na siya ng itinuring niyang kapatid. Napatiimbagang siya pagkaalala sa traidor niyang kaibigan ngunit biglang napukaw ang atensiyon ng makitang nakahawak ng rosaryo ang katabi at tila taimtim na nagdarasal. Hindi niya tuloy naiwasang pag-aralan ang kabuuan nito. She’s wearing white long sleeves and black trouser pero kahit balot na balot ito ay kitang kita pa rin ang labis na kaputian at napakinis nitong balat. She does not wear belo just like before kung kayat tumambad sa kanyang mata ang makintab at kulay brownies nitong buhok. Despite sa pasa sa pisngi nito na ngayon ay tila namamaga, hindi pa rin maitago ang pinkish cheeks and reddish lips nito. She does not wear any accessories or make-up but is still holding the spot for the most beautiful scenery. Halos hindi siya kumarap mula sa pagkakatitig dito subalit bigla niyang ibinaling sa ibang direction ang paningin ng itaas nito ang mukha at isandal ang ulo sa headboard. Nang ibalik niya ang paningin dito ay nakasalungayngay sa kanang bahagi ang ulo, lihim siyang nangiti dahil nakatulog pala ito. Pagkurba ng sasakyan sa kaliwa ay sumunod ang ulo nitong sumalungangay sa kaliwa, at dahil walang masasandalan ang ulo sa pagitan nila ay unti unti niyang inilapit ang balikat hanggang tuluyang sumandal ang ulo nito sa kanyang balikat. Parang biglang nagkaroon ng malakas na boltahe ang kuryente sa kanyang katawan pagkatadantay ng ulo nito sa kanyang balikat. Lahat yata ng natutulog niyang ugat ay nagising at hindi niya alam kung bakit. Kakaiba ang bangong nagmumula sa buhok nito at sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya makaamoy ng ganito. Hindi masyadong matamis, napakafresh at napakasarap ang pasok nito sa kanyang ilong. Available kaya ang amoy nito sa market? Parang gusto niyang freshener at isabit sa loob ng kanyang silid at upisina. Unti unting iminulat ni Ysabella ang mga mata mula sa pagkaidlip, parang sumasakit ang isa niyang pisngi at dahan dahan siyang napahawak dito. Parang nangangapal ang pisngi at napaungol siya ng mas lalong makaramdam ng sakit. Linakihan niya ang pagbukas ng mata. Napakunot noo siya sapagkat nasa loob siya ng nakahintong sasakyan at nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ng isang lalaki. Sa kanyang pagkakaidlip ay parang nakalimutan niya ang mga pangyayari, akala niya nananaginip siya kung kayat unti unti siyang napaangat ng mukha upang tignan kung sino ang may-ari ng balikat na kinasasandalan niya. Para kasing ang gaan ng kanyang pakiramdam habang nakahilig dito. Pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanyang mata ang napakaseryosong mukha ng lalaki habang abot hanggang noo sa taas ang isang kilay nito. Bigla siyang napabalikwas mula sa pagkakasandal dito at tumuwid sa pagkakaupo. „Sorry po! Hindi ko namalayang nakaidlip ako, pasensiya na.”, agad niyang paghingi ng paumanhin dito. Gising na ang kanyang diwa at naalala na niya ang mga pangyayari. Tinignan lamang siya ng lalaki pagkatapos ay binigyan siya ng napakasarkastikong ngiti. Napahawak tuloy sa kanyang mukha upang takpan ang kanyang bibig ngunit napaungol siya pagdantay ng kamay sa kanyang namamagang pisngi. „Aww!”, naturan niya habang naipikit ang mata. “What’s wrong?”, mabilis na pahayag ng lalaki na nasa himig ang tila pag-aalala at naimulat niya ang kanyang mata. “Wala po.”, agad niyang turan dahil halos magkadikit ang mga kilay ng lalaki dahil sa labis na pagkakakunot ng noo. Tinitigan siya ng mariin nito na tila tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay bumaling na sa kabila at kinatok ang pinto. Agad namang bumukas ang sasakyan pagkatapos ay walang lingong bumaba ito pagkatapos ay tila haring naglakad sa gitna ng mga nakihilerang lalaki. Nawindang siya sa dami ng bodyguard nito, ang lalaki pa ng mga katawan at may mga armas na bitbit kung kayat bigla siyang kinilabutan. Agad siyang kumilos at bumaba pagkatapos ay kumaripas ng takbo upang sumunod sa lalaki. Napatingin pa ito sa kanya habang nakakunot ang noo dahil hindi niya namalayang kumapit siyang parang bata sa bisig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD