Chapter 2

1454 Words
“Tulong! Parang awa mo, tulungan mo ako!”, napabalikwas si Eric mula sa pagkakaidlip ng pumasok na naman sa kanyang panaginip ang babaing yun. Lately ay palagi niya itong napapanaginipan at palaging humihingi sa kanya ng tulong. Tila totoong totoo ang pangyayari at pinagpapawisan ang kanyang noo sa tuwing siya ay magigising. Hindi niya personal na kilala ang babae. Four years ago, ay sumama siya sa kanyang ama upang magbigay ng donation sa mga nasalanta ng bagyo. Nagtratrain pa lamang siya noon kung paano hawakan ang kanilang negosyo. Sa Italy kasi nakabase ang kanyang ama at kailangan niyang matutunan ang pasikot sikot ng kanilang negosyo sa Pilipinas dahil siya ang mangangasiwa dito. Nakaupo siya sa harap kasama ang mga bigating mga politico ng mapansin ang babaeng nakalong sleeve ng puti at nakapalda ng kulay blue. May belo ding kulay blue sa ulo at nakalaylay sa kanyang dibdib ang malaking rosaryo. Maputi, makinis ang balat, mapupula ang mga labi, kulay rosas ang mga pisngi at higit sa lahat expressive ang bilugan nitong mga mata. Halos hindi siya kumurap habang nakatingin sa babaeng nag-aabot ng donation sa baba. Para kasi itong anghel habang nakangiti sa mga tao. Sa pagkastarstruck niya sa babae ay hindi na niya ito nalapitan upang tanungin ang pangalan nito. Nang sumunod na araw ay hindi na niya nakita ito, nalaman na lamang niya na isa itong madre at pumasok na ito sa monesteryo upang maging ganap na cloistered nun -yun bang mga madreng na nasa loob lamang ng kumbento nakalagi at nagdarasal. Noong una ay parang hindi niya matanggap sa sarili na isa itong madre, sumasadya pa siya sa mga ilang monesteryo upang masilayan ito ngunit hindi na niya kailan man nakita pa. Kahit isang beses lang niya itong nasilayan ay nag-iwan naman ito ng malaking puwang sa kanyang puso. Simula kasi ng makita niya ang babaeng iyon ay hindi na siya kailan man nagkainterest sa mga babae kahit napakarami ang may gustong siya ay masilo. Bilang pinuno ng pinakamalaking organisasyon sa loob ng bansa, hindi na niya mabilang kung ilang babae ang dumaan sa kanyang kamay ngunit ang lahat ay pawang mga parausan lamang at hindi na nakakaulit pa. Pero bakit palagi niya itong napapanaginipan? Mayroon kayang masamang nangyari sa kanya? Natigil ang kanyang pag-iisip ng tumunog ang kanyang cellphone, si Alkins, ang kasalukuyang kanang kamay niya simula ng magtraidor ang itinuring niyang kapatid at kaibigan na si Yzekiel De los Santos. “Speak!”, makapangyarihang utos niya dito. “Boss, si Guillen at ang kanyang tropa nasa bahay ni De los Santos.”, pagrereport ng nasa kabilang linya. Naikuyom niya ang mga palad, mas lalong hindi mapapalabas ang traydor na Yzekiel na yun kung tinatakot at ginugulo ang kanyang pamilya. Kilala niya ang dating kaibigan, kung gaano siya katigas ay ganon di ito kahit sino pa ang ipapaharap. Nacomatose nat lahat ang ama ngunit nanatili pa rin sa pagtatago ang tarantado. Hindi siya mag-aalinlangang ubusin ang bala ng baril sa katawan nito sa oras magpapakita sa kanya. “Isa ring padalos dalos ang Guillen na yan, mga walang silbi! Ihanda mo ang sasakyan.”, galit niyang utos dito. Ang tropa ni Guillen ay nasa hanay ng kanyang kinakapatid na may mataas ding katungkulan sa kanilang organisasyon. Sa kanya nagkasala si Yzekiel dapat sa kanya din magbabayad. Ewan ba at nakikialam pa ang mga hinayupak. Palabas na sa kanyang silid sa kanilang mansion si Ysabella ng may marinig siyang karambola at hiyawan sa baba. Pupunta sila ng hospital ng kanyang mommy upang bisitahin ang kanyang daddy na nasa coma. Ilang araw din siyang nagnovena sa kanyang desisyon na lumabas sa monesteryo upang makasama at alagaan ang mga magulang. Labis namang nagulat at nalungkot ang kanyang mommy sa biglaan niyang pagdating at kung ilang ulit pa siya nitong pinababalik sa monesteryo. Ngunit nakapagpasya na siya, tama naman ang madre superyora na hindi lamang naman sa pagmamadre nasusukat ang paglilingkod sa Diyos; pero nangako naman siya sa sarili na babalik din siya sa loob kapag masigurong okey na ang kanyang ama’t ina. Mas lalong lumakas ang palahaw sa baba, tila binabasag ang mga malalaki at mamahaling vase na nakadisplay sa kanilang sala. Binilisan niya ang pagtungo sa may hagdan, dumungaw siya sa railings at nanlaki ang mata ng makita ang inang tinututukan ng baril habang duguan ang mga labi. “Mommy!”, turan niya sa ina pagkatapos ay patakbo siyang bumaba upang daluha ito. “No! Yzabelle, go back to your room!”, narinig niyang turan ng ina ngunit tila hindi niya narinig ito. Pagkababa niya sa may hagdan ay tumakbo siya sa kinaroroonan ng ina ngunit hindi pa siya nakakalapit dito ay may humarang na sa kanya at tinutukan ng baril ang kanyang ulo. “Huwag! Parang awa niyo na, huwag niyong sasaktan ang anak ko. Wala siyang kinalaman dito!”, umiiyak na turan ng kanyang ina habang walang magawa dahil nakatutok ang baril sa ulo nito. „Ah, may kapatid pala ang tarantadong Yzekiel na yun, tignan mo nga naman. Ang ganda ganda at ang kinis pa.”, ang lalaki habang pinagapang ang baril mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang panga kung kayat napilitan siyang itaas ang mukha. „Please mister, huminahon po kayo, hindi po kami lalaban.”, pakiusap niya dito ngunit tumawa iyon ng malakas. Tumingin sa mga kasama na nagsitawanan din, ngunit hindi niya akalaing sasampalin siya nito ng ubod lakas. Sa lakas ng pagkakasampal sa kanyang pisngi ay halos humiwalay ang kanyang kaluluwa. Naramdaman pa niya ang pag-agos ng dugo sa kanyang bibig ngunit hindi pa siya nakakarecover sa sampal na inabot niya ay malakas nitong hinila ang kanyang buhok at itinutok na naman ang baril sa kanyang ulo. „Wala akong pakialam kung lalaban kayo o hindi, palabasin niyo ang demonyo mong kapatid dahil kung hindi sa kangkungan kayo pupulutin.”, saad ng lalaki na mas lalong idiniin ang hawak na baril sa kanya. Hindi naman siya gumalaw sapagkat nangngatal pa ang buo niyang katawan sa pananakit nito sa kanya kung kayat ipinikit na lamang niya ang mga mata. „Lord, kayo na po ang bahala sa mga taong ito. Patawarin niyo po kami sa aming pagkakasala.”, taimtim niyang dalangin sa Maykapal, isang pagkakamali lang nito sa gatilyo ng baril ay wasak na ang kanyang mukha. Pagmulat ng kanyang mata ay may lalaking parating at pinagbabaril ang lalaking nakahawak sa kanya. Pagbaba ni Eric sa sasakyan ay dinig niya ang sigaw sa loob ng mansion ng mga De los Santos, may sumaludo pa sa kanyang tauhan ni Guillen sa labas ngunit hindi niya pinansin ang mga ito bagkus ay linakihan niya ang kanyang paghakbang. Pagpasok niya sa pintuan ay tumambad sa kanyang mata ang panggugulo ni Guillen at mga ilang tauhan nito sa loob ng pamamahay ng mga De los Santos. Wala siyang pakialam kung baliktarin nila ang buong kabahayan ngunit ang nakaagaw sa kanyang atensiyon ay ang babaing hawak ng isang tauhan ni Guillen. Nakapikit ito at kapansin pansin ang pangangatal ng buong katawan sa pakakasabunot ng buhok habang nakatutok ang baril sa panga. Sa labis na kaputian ay napansin niyang namaga ang pisngi nito at may dugong umaagos sa kanyang labi. Sa tanang buhay niya ay hindi siya nangingialam sa kung sino man ang nasa bingit ni kamatayan, kahit babae pa ito. Matagal na kasing namatay ang kanyang ina kung kayat matagal na rin siyang walang pakialam sa ibang tao. Ngunit nanlaki ang kanyang mata ng matunghayan ang kabuuang mukha ng babae, ito ang palaging laman ng kanyang panaginip. Sa nakikitang itchura nito ay tila nawalan siya ng katinuan, mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan nito kasabay ng pagbunot ng baril sa loob ng kanyang suit at walang alinlangang binaril sa ulo ang tauhang nakahawak dito. Pagmulat ng babae ay nagsisisigaw ito ng makitang duguan ang tauhang nakahawak sa kanya habang unti unting nabubuwal kasabay ng pagkalagot ng hininga. Walang nagtakang umimik sa kanyang ginawa, dahil kung mayroon ay isusunod niya. Maya maya ay itinutok niya ang hawak na baril sa babaeng umiiyak dahil sa mas matiding pagkatakot. Mas lalo itong namutla at biglang itinigil ang pag-iyak ngunit patuloy sa pag-agos ang mga luha habang nanginginig. Nabalot ng sobrang pagkatakot ang babae at nakaramdam siya ng galit sa sarili; bigla ay tila napaso ang kamay at inalis ang pagkakatutok niya ng baril dito pagkatapos bagkus ay isa isang itinutok sa tropa ni Guillen. “Get out! This is between me and Yzekiel. Ako lang ang may karapatang magparusa sa pamilyang ito!”, kalmado ngunit may pagbabantang turan niya sa grupo. Isa isang nagsitanguan ang mga ito pagkatapos ay tahimik na lumabas sa pangambang sila ang isusunod na banatan ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD