“It’s alright, Yzabelle; nandito si Kuya para saiyo.”, pag-aalo ni Yzekiel habang yakap ang umiiyak sa takot na kapatid. “Kuya, anong nangyayari?”, nalilitong pahayag ni Yzabella sa kapatid habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Simula ng lumabas siya sa kumbento ay ilang ulit na siyang nakaranas ng pagtatangka sa kanyang buhay samantalang wala naman siyang ginagawang masama sa ibang tao. “Ssssh! It’s my fault, hindi kita nabantayan ng maigi. I’m sorry.”, turan ni Yzekiel sa dalaga habang hinahaplos ang likod nito. Ang programa ay pinangungunahan ng religious group, hindi niya akalaing may makakasingit pa ang lalaking nagtangkang dumukot sa kanyang kapatid. Sobra tuloy siyang nagiguilty sa sinapit nito kahit hindi sure kung dahil ba sa kanya ang pagtatangka dito o dahil kay Eri

