Chapter 1
Zoey's POV
"Hya hya hya"...
"Ma'am Zoey bumalik po kayo, hinahanap na po kayo ni Don Roman!" Pasigaw na sabi ni Mang Kaloy
"Mauna na po kayo Mang Kaloy." Pasigaw kong sagot kay Mang Kaloy. Malayo na rin kasi ako sakanya.
Heto ako nakasakay sa kabayo ko at nililibot ang hacienda Del Gado. Su-sulitin ko ngayon bago pa ako ipatapon ni Dad sa company.
Napaka ganda talaga dito sa hacienda kaya mas gusto kong tumira dito kaysa pumunta sa Veronica City. Presko ang hangin at napakaganda ng tanawin. Mas payapa ang isip ko dito at talagang nakakagaan ng loob. Kung pwede lang dito nalang talaga ako titira sa buong buhay ko. Peaceful and careless life, haysst.
Napagod na yata ang kabayo kong si Mili kaya pumunta muna kami sa may lake para makainom siya at makapag pahinga. Napakalayo nang napuntahan namin ang gandang pagmasdan ng mga isda dito sa may lake. Ang tanda na nang lake na to pero malinis parin ang tubig, dahil na rin sa sobrang alaga ng mga trabahador namin dito sa hacienda.
Ito kasi ang favorite spot nang Mommy kaya kahit nung nabubuhay pa siya malinis talaga ang pond minsan siya na rin ang naglilinis dito. Kaya nung namatay ang Mommy noon, ito ang pinaka inistriktuhan ng Daddy na dapat hindi mabago at dapat palaging malinis, pati na rin ang mga halaman dapat ay malago sila.
Dito rin nagaganap ang death anniversary ni Mommy at kung birthday niya.
Namimiss ko na rin talaga si Mommy kaya ang magagawa ko nalang ay pumunta dito sa lake at alalahanin ang mga magagandang alala kasama siya.
Oo nga pala, Ako pala si Zoey Aphrodite Del Gado. Ang unika iha ng pamilyang Del Gado. Kaming Del Gado ang isa sa pinakamayaman dito sa bansa, dahil sa ang pamilyang Dela Vaga ang pinakamayaman at makapangyarihang businessman/businesswoman . Ang ibang mayayaman na pamilya ay kilala sa kanilang propesyon na doktor, engineer, chef, agent, jewelry company at iba pa. Pero tatlo lang ang pinaka kilala sa buong mundo at pinakamakapangyarihang pamilya. Ito ay ang pamilyang Miharez kilala ang angkan na ito sa kanilang propesyon na puro doktor, pamilyang Scott kilala ito dahil sa agent lahat ang nandito sa pamilyang ito, ang pamilyang Del Gado na sa larangan ng business.
Matagal nang magkakaibigan ang tatlo na pamilyang ito. Pero hindi ibig sabihin ay pinagkasundo nila ang mga anak nila upang mas lalong lumakas ang kapangyarihan nila. Dahil ayaw rin nilang magdusa ang kanilang mga anak dahil sa kasal na kanilang pinagkasunduan. Nais nilang maging masaya ang bawat miyembro ng pamilya nila. Kaya rin sikat ang mga pamilyang ito dahil ang importante sakanila ay ang tunay na kasiyahan at hindi pera at kapangyarihan.
Wala pa naman sa mga pamilyang ito ang nagkasundo sa pamamagitan ng kasal. Siguro dahil sa iba ang hilig nila at hindi talaga sila para sa isa't isa.
Bigla nalang sumigla si Mili at tumatalon talon ito. Nakapag pahinga na siya at gusto na niyang magpatuloy kami sa aming paglilibot.Kaya sumakay na ako at nilibot ang buong hacienda.
"Mili pag umalis ako dito sa hacienda ay dapat mabait ka at huwag takasan si Mang Berting."
"Neigh!" "Very Good Mili, pag balik ko ay pupunta tayo sa tabing dagat"
Tumalon talon si Mili sa tuwa, at ako naman ay napatawa nalang at ngumiti sa reaction ng kabayo ko.
Regalo siya nang Mommy sa akin nung bata pa ako, batang kabayo rin siya noon. Unang pagkakita namin sa isa't isa ay nagustuhan na namin ang isa't isa. Bata palang siya nang sakayan ko siya, binalaan ako ni Dad pero hindi ako nakinig at si Mili naman ay napakasaya nang sakyan ko siya at tumakbo na siya ng napaka bilis at aggressive din siya.
Hindi ko hinahayaang may humawak o sumakay sakanya noong bata pa ako kaya ayon pag may sasakay na iba sakanya ay tumatalon talon siya upang mahulog ang sumakay sakanya. Hindi niyang pinapayagan na may ibang sumakay sakanya maliban sa akin. Kaya napaka possessive namin sa isa't isa.
Halos alas singko na pala ng hapon, kailangan ko ng umuwi para hindi pagalitan ang mga katulong sa villa at ang mga security guards. Panigurado ako galit na si Dad neto.