bc

The Promise

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.6K
READ
fated
pregnant
drama
tragedy
twisted
sweet
heavy
serious
straight
spiritual
like
intro-logo
Blurb

H2B Series #1: The Promise

Hunter and Heaven promised to love each other, forever. But how can they fulfill their promises if Hunter is busy pursuing his dreams?

Dala ng kapusukan, maagang nabuntis ni Hunter si Heaven. Kapwa menor de edad pa lamang ang dalawa at wala pang kamalayan sa buhay ng ipakasal sila ng mga magulang. Masaya naman si Heaven na ipakasal kay Hunter dahil mahal na mahal niya ito, ngunit ang saya ni Heaven ay panandalian lamang dahil kailangan siyang iwan ni Hunter para tuparin ang pangarap nitong maging isang sikat na bokalista ng kanyang banda at tingalain ng lahat.

Sa nakalipas na taon, nagawa ni Heaven na itaguyod ang mga anak nila ni Hunter sa tulong na rin ng ama at kaibigan nito. Ngunit sa lumipas na taon na iyon ay hindi maiwasan ni Heaven na mangulila para sa lalaking tangi niyang minamahal. Nangako siya dito na iintindihin at hihintayin ang asawa hanggang sa maabot nito ang mga pangarap nito. Ngunit katulad ng apoy ay nauupos din si Heaven.

Hanggang kailan nga ba siya maghihintay sa mga pangako ni Hunter?

chap-preview
Free preview
Prologue
“I’M PREGNANT, HUNTER. . .” Bakas sa kaharap ang pag-kabigla sa kanyang sinabi. Nakagat niya ang ibabang labi, mahigpit siyang napa-hawak sa strap ng kanyang bag habang pinipigilan ang mga luha. Nanatili siyang naka-yuko, at pilit na pinapa-kalma ang kalooban. “Heaven. . .” “What are we going to do, baby?” Sambit niyang muli, saka dahan-dahan nag-angat ng tingin dito. Sinalubong niya ang mga mata ng binata, at doon niya naramdaman ang sakit. Halata sa mga mata nito ang takot at. . .pag-sisisi? “Baby, I need to go abroad. I need to pursue my dreams. I need to be there… Kulang ang H2B kapag wala ako. This is my only chance to show the world my talent, baby. This is my perfect time...” Humugot ito ng malalim na hininga. “I-i need to leave...” Dugtong pa nito. “I never asked you to stay...” She said softly. "I-i am just letting you know since you are the father…." Sabi pa ni Heaven saka humugot ng malalim na hininga. Pinipilit patatagin ang boses dahil ayaw nitong makita ni Hunter na naiiyak na siya. "I am sorry baby. I'm really sorry." Lumapit si Hunter kay Heaven at mahigpit itong niyakap. Doon na sunod-sunod na lumandas ang mga luha ni Heaven. She can feel the pain. She is hurting. She's scared for her and for the baby. She's scared for their future. She's still young and naive. How can she handle everything on her own? Hunter did not think twice before he answered her. He chose his dreams over her and the baby. "I promise I'll make it up to you, baby." Napatango nalang siya at pina-kalma ang sarili. She can't just ask Hunter to stay. She promised that she will be a supportive girlfriend to him. She just did not see the baby coming. She just did not expect that she'll be pregnant at a very young age. "I'll hold on to that, baby." Sabi niya pa saka niyakap ng mahigpit ang nobyo. FEW YEARS LATER. . . Sa paghampas ni Ivo ng stick sa drums ay siyang pagdagundong ng sigaw sa buong arena. Malakas ang hiyawan na nang-gagaling sa napakaraming tao na nasa loob at dumagdag pa ang tunog ng nag-lalakihang speaker sa bawat sulok. "Are you ready, heartbreakers?!" Malakas na sigaw ni Hunter, ang bokalista ng banda na may hawak na mikropono at may nakasabit na gitara sa katawan. Pawisan na siya at medyo hinihingal na dahil pang-limang kanta na nila ito, ngunit hindi niya iniinda ang pagod at tumalon-talon pa sa ibabaw ng stage habang tinutugtog ang panimulang musika ng kanta. Buong lakas na naghiyawan ang mga tao, kasabay ng pagkalabit nina Jake at RJ ng gitara at ang pagpisil ng virtual piano ni Vin. Everybody's got their demons Even wide awake or dreaming I'm the one who ends up leaving Make it okay See a war I wanna fight it See a match I wanna strike it Every fire I've ignited Faded to grey But now that I'm broken Now that you know it Caught up in a moment Can you see inside?" pagkanta ni Hunter na punong-puno ng emosyon habang inililibot ang kanyang paningin sa buong arena hanggang sa may matanaw siya na nagpangiti sakanya dahilan para maghiyawan ang mga tao, lalo na ang mga kababaihan. "We love you H2B!" "We love you Hunter! You hunt our hearts!" "You're so handsome, Ivo!" "Sexy RJ! I love you so much!" "Please marry me, Vin!" Ibinalik ni Hunter ang microphone sa stand saka pumirmi sa gitna. Nagsimula siyang mag-strum ng gitara habang patuloy pa din sa pagkanta. Nanatili ang mga mata niya sa iisang tao na naka-upo sa V.I.P area ng arena. Muling nag-hiyawan ang mga tao nang marinig ang pagkanta ni Jake sa second verse ng kanta. "Cause I've got a jet black heart And there's a hurricane underneath it Trying to keep us apart I write with a poison pen But these chemicals moving between us are the reason to start again…" Nang matapos ang performance nila ay agad silang nag-tungo sa dressing room na nakalaan para sa buong banda. Naunang pumasok si Ivo na sinundan nina RJ at Vin. Sandaling tumigil sa pag-lalakad si Jake nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone niya at napa-ngiti nang makita kung sino ang nag-text sakanya. Napatigil din si Hunter sa pag-lalakad na nasa likod ng kapatid, at biglang uminit ang ulo nang mabasa sa cellphone nito ang pangalan ng babaeng mahal niya. "Damn it!" Pabalya na sigaw ni Hunter sabay pabagsak na umupo sa couch sa tabi nina Ivo at RJ. "What's the matter, Hunt?" Tanong ni RJ na kasalukuyang may tinitignan sa cellphone nito. "That bastard twin of mine is hitting on my girl!" Sigaw nito sabay turo kay Jake na prenteng naka-upo at naka-dekwatro pa at kasalukuyan ng may headphones sa tenga. Agad nitong tinanggal ang headphones nito nang makita na nasa kanya ang atensyon ng mga kaibigan. "I am not, Hunter." Maikling wika nito at ngumisi sakanya. Inis na binato ni Hunter ang cellphone nito na agad naman nag-kawasak-wasak sa sahig. Kawawang cellphone, napagdiskitahan ng pinaka-pikon na miyembro ng banda. Sila ang H2B o handsome heartbreakers band. Sila ang sikat na banda sa buong asya at maging sa buong mundo. Nagsimula sina Hunter, Jake, RJ, Ivo at Vin noong nasa middle school pa lamang sila hanggang sa ma-discover ng isang talent agency at dinala sila sa Japan. Unang album pa lamang nila na na-i-released ay agad pumatok sa madla na naging dahilan ng kanilang kasikatan. Bukod sa angkin nilang kagwapuhan ay may talento talaga silang dapat talagang i-pag-mayabang. Sila ngayon ang pantasya ng mga kababaihan at kina-i-ingitan ng mga kalalakihan. Hunter Joshua Sandoval - Isidro at Homer Jacob Sandoval - Isidro, ang kambal na bokalista at lead guitarist ng bandang H2B. Bukod sa kilala ang pamilya nila sa mundo ng negosyo ay masasabi nga naman na napaka-talento nila at dapat talagang hangaan. Taglay nila pareho ang kulay tsokolate na mga mata na mula pa sa angkan ng mga Sandoval na may dugong banyaga. Tinitingala sila sa taas na six feet, two inches, maganda ang built ng kanilang panga-nga-tawan na sagana sa workout. Ngunit sa s*x appeal ay di hamak na mas lamang si Hunter dahil may ugaling introvert si Jake. Primitivo "Ivo" Angeles - Hansen, ang drummer ng banda na kahit kailan ay hindi na-link sa mga babaeng nagsasabi na may gusto sakanya. Napabalita na din minsan ang tungkol sa secret lover nito na hindi naman tinatanggi ng binata. Tinitingala din siya sa taas na six foot, toned ang kanyanyng muscles, broad shoulders at may four pack abs. Ngunit sa kabila ng taglay niyang kagwapuhan ay nagtatago ang misteryosong pag-uugali nito na ang tanging malalapit na pamilya at kaibigan lamang niya ang nakaka-alam. Reymar Joseff "RJ" Allegre, ang bassist ng banda na galing din sa mayamang angkan, at si Vincent "Vin" Garduce na kanilang pianist na ubod ng taas ng self confidence at isa sa jolly sa banda. Sila ang H2B, at ang kailang fandom ay tinatawag na Heartbreakers dahil nawawasak raw ang puso ng mga ito kapag hindi nila nasusuportahan ng mabuti ang kanilang mga idolo. "Easy dude, kahit hindi kayo madalas mag-kita, ikaw at ikaw pa rin ang lagi niyang titignan. Pangako 'yan." Pabirong wika ni Vin na sinundan ng tawa nila RJ. "Yeah. No matter how hard, Jake tried to seduce your woman, If she loves you very much, she will forever by your side, as easy as that." Wika naman ni Ivo na halata na sa mukha ang pagka-bored sa usapan nila. "Iyon ay kung hindi mapagod si Heaven sa pag-hi-hintay sa pangako ni Hunter." Sabi ni Jake saka humilig sa sandalan at mataman na tinitigan ang kapatid na ngayon ay masama na ang tingin sakanya. Mahina siyang natawa nang ma-ilagan ang tissue na ibinato nito sakanya at napailing na lamang. Katahimikan ang sumunod na namayani sa dressing room ng banda. Bigla ay napa-isip si Hunter sa sinabi ng kapatid. Ipinilig niya ang ulo saka huminga ng malalim. Naniniwala siyang hindi siya kayang bitawan ni Heaven. Mahal na mahal siya nito at matagal na din ang relasyon nila. Pagka-rating ng manager ng banda, at matapos sabihin nito na puwede na silang umuwi ay agad tumakbo si Hunter palabas. Mabilis niyang tinungo ang underground parking lot at sumakay sa asul na kotse. Nag-drive siya hanggang sa makarating sa harap ng isang bahay. Hindi maiwasan mapangiti ni Hunter ng makita ang babaeng mahal na mahal niya na nakatayo sa tapat ng pinto. "Heaven..." Bulong niya at tatlong beses na bumusina. Nang hindi lumingon sakanya si Heaven ay binaba niya ang car window at kinawayan ito. Agad naman lumapit ang babae sa kotse niya. "What took you so long, baby?" Wika nito nang makapasok siya sa loob ng sasakyan. Ngumiti lamang siya at kinintalan ito ng mabilis na halik sa labi. "I'm sorry. I love you." Sabi niya at hindi pinansin ang tanong nito. Mataman niyang tinitigan ito habang nanatili lamang na nakatingin sa harapan si Heaven. Sobrang na-miss niya ang babae, maraming taon din silang hindi naka-uwi ng Pilipinas, at talagang marami siyang pag-ku-kulang dito. "Kailan matatapos ang pag-so-sorry mo, Hunter?" Napabuntong-hininga siya nang marinig ang seryosong tanong nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at agad pina-andar ang sasakyan. Katahimikan ang namayani sa kanila hanggang sa makarating sa village kung saan nakatira si Heaven. "Baba na, baby. Baka hinahanap ka na ng kambal. Tatawagan kita mamaya kapag naka-uwi na din ako. Let's meet again, tomorrow. Alright?" Narinig niya ang pag-buntong-hininga ni Heaven. Bigla ay nakaramdam ng frustrations si Hunter. "Hanggang kailan tayo ganito, Hunter? It's been five years.." Marahas na bumuga ng hangin si Hunter saka hinarap si Heaven. "Diba baby napag-usapan na natin 'to?" Tumango nalang ang dalaga at tipid na ngumiti. Humalik ito sa pisngi niya saka binuksan ang pintuan sa gilid nito at walang lingon-likod na bumaba ng sasakyan niya. Napabuntong-hininga na lamang siya muli at pina-nuod itong pumasok sa malaking gate saka pinasibad ang kanyang sasakyan papunta sa bahay nila ng mga ka-banda niya. Hindi mawala sa isipan ni Hunter ang seryosong mukha ni Heaven ang tono ng pananalita nito. Alam niyang hindi niya ito masisisi kung maging ganoon sa kanya si Heaven dahil gaya nga ng sinabi ni Jake kanina, hindi imposible kung mapagod ito kakahintay sa pangako niya. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Limang taon, limang taon ang binilang niya bago siya mapunta sa kinalalagyan niya ngayon. Natutuwa siya sa kasikatan na tinatamasa nila ng kanyang mga ka-banda. Nagawa niyang talikuran ang babaeng tanging minahal at ang kambal nilang anak para sa pangarap niya. Hindi niya nagawang masaksihan ang paglaki ng mga ito pero dahil likas na maunawain ang kanyang mahal na asawa ay nagawa parin siya nitong patawarin, kaya ang akala niyang maayos na nilang relasyon ay hindi parin pala. Nag-de-demand pa din ito ng atensyon at oras mula sa kanya na hindi niya alam kung kailan niya ma-i-bi-bigay. Ilang taon pa nga ba ang dapat bilangin bago matupad ni Hunter ang pangako niya kay Heaven?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.1K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook