Malakas na katok sa pinto ang nagpagising sa kanya kinabukasan. Bangenge siyang tumayo at pinagbuksan ang makulit na taong may planong gumiba sa pinto ng kwarto niya. Sinipat niya ang orasan, alas singko y media pa lang ng umaga. Naiiling niyang pinihit ang seradura at tumambad sa kanya ang bulto ng nanay niya. Bihis na bihis ito at may overnight bag sa bisig nito. "Nay sa’n ka rarampa? Ang aga pa," naguguluhan niyang tanong. "Sasama ako kay Carlo pa-Maynila. Maghahalughog ako sa dati nating bahay baka nando’n ’yon ng hinahanap ko,” paliwanag ng nanay niya. "E ano ba kasi ‘yong hinahanap niyo Nay?" Imbes na sumagot ay umirap lang ang nanay niya. "Magmumumog ka na dun. Nakakasira ng kinabukasan yang hininga mo, Alexa," anang nanay niya. Lukot ang mukhang natutop niya ang bibig. Uma

