Napabuntong hininga siya nang makita si Kylie na muling nakatulog sa bisig ni Json. Malalim na ang gabi at marahil dahil sa pagod, nakatulog na ang lahat sa mansyon, maliban s akanya. Hinihintay niya kasing matapos ang paglalaro ng mag-ama sa playroom. Hindi naman niya akalain na nakatulog na ang mag-ama nang sinubukan niyang silipin ang mga ito sa loob ng playroom. Sandali pa niyang sinipat ang gwapong mukha ni Json. Nakatulog na rin ito dahil sa pagod. Ikatlong araw na nang paga-ani at hindi na rin sila nagagawi sa sakahan. Mula kasi ng insidenteng sadyang pagpapahiya ng nanay niya kay Json, iniiwasan na niyang mapalapit dito. Mas mainit kasi ang dugo ng pamilya niya rito kapag nasa malapit lang siya nito. Pagkatapos ng trabaho nito sa sakahan ay walang palya pa rin itong bumibisita ka

