Maingat na inilapag ni Json si Kylie sa malambot na kama sa kwarto ni Alexa. Mula kaninang dumating si Json nang bandang hapunan ay di na mapaghiwalay ang mag-ama. Tatlong araw na rin ang nakalilipas mula ng magkakilala ang mga ito, at masasabi niyang kakaiba ang saya ng anak niya tuwing kasama nito si Json. Minsan tinatanong ni Kylie kung bakit hindi nila ito kasama sa mansyon, sinasabi na lamang niya na kailangan nitong bantayan ang mga kabayo kaya, doon ito natutulog sa kwadra. Nagpapasalamat siya dahil sa gabing iyon, maiiwasan niya ang tanong na iyon ng anak dahil mahimbing na ang tulog nito. Sandali pang pinagmasdan ni Json ang kanilang anak bago hinaplos ang ulo nito at dinampian ng halik ang noo. Agad siyang nakaramdam ng bikig sa kanyang lalamunan dahil sa eksenang kanyang na

