Chapter 42: Pagpapakilala

4125 Words

  "Bale ito ang magiging kwarto mo, hijo," ani Mg Ariston, ang katiwala sa rancho. Binuksan nito ang isang kwarto malapit sa mga kwadra, may kinapa sa pader at agad na bumaha ang liwanag sa maliit na kwarto- may higaan na pangisahan, maliit na mesang pabilog, isang lumang upuan na gawa sa kahoy, single burner gas stove, at electric fan na may kalumaan na ang modelo. Lihim siyang ngumiwi at humugot ng hininga bago pinalis ang anumang pag-aalinlangan pa sa kanyang isip. Naroon sya sa rancho para bawiin ang mag-ina niya. Kaya niyang gawin ang lahat makasama lang ang mag ito. Naunang pumasok si Mg Ariston, na sa tantya niya ay nasa 60 pataas na ang edad, puti na halos ang buhok nito at puno na rin ng guhit ng katandaan ang mukha, ngunit sa kabila niyon ay palangiti ito, kung kayat agad nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD