"Anak ko ba si Kylie, Alexa?" Lalong tumindi ang pagtambol sa dibdib ni Alexa dahil sa tanong ni Json. Gusto niyang sumagot pero abala ang isip niya sa pagproseso ng sunod-sunod ding katanungan sa isip niya. Paano nito nalaman? Sinabi ba ni Maia? O si Gran kaya? "Sino ‘yan baby?" tanong ni Justin na agad na lumapit sa kanya. "dela Vega," usal nito, may pangiinsulto. Lalo siyang nalito at puno ng kabang pinaglipat lipat niya ang tingin sa dalawang lalaking nagsusukatan din ng tingin. Marahas na bumaling sa kanya si Json. "I am asking you a question Alexa. Am I Kylie's father?" "What the f**k!" hindi makapaniwalang bulalas ni Justin. Mabilis siya nitong hinila papunta sa likod nito, upang malayo siya kay Json. "Stop it Samaniego! Labas ka dito!" Justin gave out an insulting chuckle

