Tahimik na nakaupo si Alexa sa gilid ng hospital bed at pinagmamasdan ang walang malay na si Json. May gasa sa kanang noo nito, natatakpan niyon ang mahigit isang pulgadang bagong tahing sugat nito na resulta nang pagpukpok niya nang lecheng imported na figurine. Ngumiwi siya. Willing naman siyang gumive-it-to-me sana e, 'wag lang gano’n na may gulat factor! "O, pa'no na naman ngayon ‘yan, wala pa 'yang malay hanggang ngayon. 'Yang kamay mo rin kasi masyadong brutal!" inis na komento ng Kuya Lui niya. Nang matawagan niya ang ospital ay agad din siyang humingi ng back up sa pamilya niya. Dali-daling bumyahe ang mga ito gamit ang chopper ni Carlo, kaya naroon ngayon ang nanay at Kuya Lui nya. Syempre nagtawag siya ng back up. Baka ipakulong siya ng mga dela Vega, mahirap na! Nilingon niy

