Chapter 32 "Pardon? Mark on my–" Napakagat labi ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Nakarinig ako ng tawanan mula sa taas. Pinagtatawanan ba nila ako? "Yo! Alam na namin kung sino ka. Wag ka nang magdisguise pa. Evanna huh? Malapit lang naman sa pangalan mo." Sambit ni Storm habang bumaba mula sa hagdan. "Alam niyo?" Naguguluhan 'kong tanong. "Kami pa. Ugali niyong palang dalawa ay magkaibang-magkaiba. The way you act, the way you talk, mahahalata namin. Tsk! That impostor girl. Ang sarap ibigte." Naiinis na sabi ni Thunder. "Eh, kung alam niyo pala, bakit hindi niyo ako binalikan sa mundo ng mga tao? Alam niyo bang naghintay ako doon? Aish!" Naiinis kong sabi. Nagulo ko tuloy ang bangs 'ko. "Maraming nangyaring hindi maganda. Akala nga namin ay bumalik ka no'ng dumating ang

