Chapter 31 Hindi ko alam na kaya ko palang lumutang sa ere. Wala naman akong pakpak para makalipad. Tiningnan ko si Chiro na ngayon ay nakangiti sa akin. Siya siguro ang may gawa nito sa akin. "Die!" Galit na sambit ng Phoenix. "Ikaw muna ang mauuna." Pinaikot 'ko sa hinlalaki 'ko ang hawak kong espada at dumulas pailalim para iwasan ang fireball na pinakawalan niya. I'm powerless pero alam ko sa sarili ko na kaya kong lumaban. Dumapo ako sa isang sanga at sumugod. Inikot ko ang espada sa hangin at tumambling mula sa taas. "Shoot!" Naiwasan nga niya atake 'ko pero hindi ang pakpak niya. Napaupo siya at pahawak sa kaliwa niyang pakpak. Nataranta ako nang mabilisan siyang sumugod nang 'di ko nakikita pero nahagip ng mata 'ko na nasa likod siya. Umiwas ako at napaatras pero hindi nak

