Chapter 1
Eve's POV
Tingin nila magpapakasal ako sa mongoloid na lalaking ‘yon? Hell no! Basagulero na nga, babaero pa. Kamusta naman ang future ko sa kanya? Saka mukha pang sadista s***h manyakis.
Ugh! Kaya ayokong makipag-usap kay papa ng ganito, eh! Ganda ng mood ko kanina tapos ngayon, wala na!
Bahala na nga kung ma-uwi 'to sa away, basta ipaglalaban ko ang karapatan ko para sa sarili ko. Sometimes parents were not always right especially when it comes to arrange marriage.
I wanted to break free from this tradition, a loveless marriage.
"Hindi niyo naman ako ampon para ipakasal ng ganito kaaga sa lalaking ‘yon, ano? Kung gusto niyo, eh di kayo na lang ang magpakasal." Pabalang na sabi ko.
Sa totoo lang nakakainis iyong ganitong usapan. Nakakasira ng mood, as in!
"Eve! Itikom mo ‘yang bibig mo. Sumusobra ka ng bata ka! Hindi muna nirespeto ang desisyon ko. Alam mo bang maba-bunkrupt ang kompanya natin dahil sa'yo. Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo si Tuck. Prepare yourself tomorrow, bukas na ang engagement niyo." Dagdag pa ni papa inikutan ko lang ng mata.
Here we go again, an arrange marriage for business purpose.
Seriously, masyadong mababaw ang dahilan niya. Hindi ba puwedeng hayaan niya lang ako?
Ano 'to igagaya niya ako sa mga pinsan kong nauwi sa arrange marriage tapos ano, magsu-suffer din kagaya nila? That's absolutely not what I want! Gustong kong maging malaya.
May itsura naman si Tuck kaso ayoko lang talaga. Baka saktan lang ako no'n kapag naging mag-asawa na kami. Sa huli, ako rin magiging kawawa.
"Kaexcite naman pa," sarkastikong sabi ko. "Akala ko ba pa, gusto niyong maging maganda ang future ko? Eh, ano tawag mo dito? Maganda ba ang maipakasal ang anak sa basagulero at babaerong lalaki?" panghahamon ko sakanya.
Tahimik lang si mama sa tabi, nakikinig lang at mukhang walang balak na sumali. Alam niya kasi na kapag ayoko, ayoko talaga.
"Sumusobra ka na talaga Eve! Magpapakasal ka kay Tuck and that's final!" namumula na si papa sa sobrang inis. I stucked out my tongue and rolled my eyes.
Ang sarap niyang asarin. Sumulyap ako sa gawi ni mama at kinindatan dahilan para matawa siya.
"Eh di wow. Makapagbar na nga lang, sumasakit bangs ko sa inyo eh."
Tumakbo na ako palabas ng bahay. Naabutan ko si Kath sa labas ng bahay habang nakangisi sa'kin, mukhang alam na alam ang nangyayari sa akin.
"Sakay na. Hahabulin ka ng mga bodyguard mo." Nguso niya sa likod ko.
Sumakay na agad ako bago pa mahuli ang lahat. Tingin talaga nila magpapakasal ako eh? Pero seryoso ipapakasal talaga nila ako kay Tuck, si ma sinukuan na ako dahil hindi ako mapapayag. Si pa naman, ayon final na daw eh. Baka bukas na nga maipakasal na ako. No worries, puwede naman akong tumakas if ever.
Hindi naman ito bago sa'kin at ilang beses din nilang tinangkang gawin pero hanggang ngayon single pa rin ako.
"Alam na ng lahat na maikakasal ka 'te, tingnan mo sa billboard ng kompanya niyo oh," nadaan namin ang kompanya ni papa at totoong nasa billboard iyon. "Sakit sa mata! Ikaw din ang laman ng balita, eh. How about Troy? Nasabi mo na ba sakanya, your boyfriend?" hindi pa sigurado sa boyfriend eh.
"Fling." Pagtatama ko sakanya.
Gaya ng sabi ni Kath, sigurado akong alam ng lahat about sa kaganapan sa buhay ko at iyong kay Troy naman, fling ko lang. Since ako lang ang kaisang-isang anak ng Rutherford and heiress, ako ang laman ng balita.
It feels like the whole world knows about my wedding because my dad has so many international business partners. He's just using the company's bankruptcy as an excuse to force me into marriage.
Napatingin ako sa rearview mirror ng kotse ni Kath at talaga namang nakasunod sa amin ang mga bodyguards ni papa.
"Nakasunod sila Kath," ngisi-ngising sambit ko.
"Alam ko. Ikaw muna ang magdrive? Kukuhanin ko lang fake gun ko," natatawang sambit niya. "I'll distract them for you, cousin."
"Jusmey! Hindi na gagana ‘yan 'no. Alis diyan, ako muna ang magd-drive. Tingnan na lang natin kung hindi sila ma-aksidente."
"Tanga! As if naman na kabisado mo 'tong kotse ko, baka tayo pa ang ma-aksidente. I-t-txt ko lang sandali sina Yoseph kung nasa bar na sila."
"Tawagan mo na lang. And for your information, ha? Kabisado ko 'tong kotse mo. Luma na kaya 'to, kidding! Ako na diyan."
Nagpalit kami ng posisyon at kinalikot naman agad niya ang cellphone. Kung tawagan na lang kaya niya, mas mabilis pa kesa magtipa.
"Kung makaluma eh, kaya ka palaging nawawalan ng kotse eh. Palaging nanakaw dahil sa pabago-bago ka ng kotse. Ikaw na ang mayaman," she smirked. Nagsalita ang hindi mayaman. "Naku, Eve!"
"Mayaman ka naman ah, pansin ko ah, bago talaga 'tong kotse mo. Makabili na nga ng bago," I smirked. "I like it."
"Inggitera teh?"
"Tagal na," I said then grinned. "Hindi ata ako nagpapahuli sa mga latest especially cars."
Ganito kami mag-usap. Sa lahat ng pinsan ko, siya ang pinaka-close ko dahil iyong iba puro pagpaparinig ng masasakit na salita kesyo ganito, ganyan.
I drove her car at the highest speed, and she pressed something small in front, causing the car's color to change.
My lips parted for a minute and glance at her side. Nakangisi lang ang gaga habang nagtitipa sakanyang selpon.
"Ano? Inggit ka 'no?"
"Yeah, yeah. Makakabili rin ako bruha ka."
Tiningnan ko ulit ang rearview mirror at mabuti na lang hindi na sila nakasunod. Phew! Finally, we're free from bodyguards! Iba rin 'tong si Kath mag-isip ng kotse, eh. Automatic napapalitan ang kulay ng kotse in just one click.
Nakarating kaagad kami sa bar, pero iba ang nadatnan namin sa labas. Si Troy nakikipaghalikan sa babae na halos kita ang kaluluwa sa sout. Isa siguro 'to sa mga kaladkaring babae sa bar.
Ugh! Hindi ba puwedeng maghotel na lang sila? Ang sakit sa mata ha!
Bumaba ako ng kotse, gano'n din si Kath. Tinanguan lang niya ako nang tumingin ako sa kanya. b***h be like?
"Troy? Ikaw ba ‘yan?" Si Kath muna ang pinaeksena ko.
Sumandal ako sa kotse habang pinaglalaruan ang mga daliri. Pinag-ikis ko ang mga hita at nakangisi sa dalawang naglalampungan sa harap.
Tumigil naman silang dalawa nang marinig nila si Kath. Tahimik lang ako, naiinip na sa panonood sakanila.
"Kath? Bakit nandito ka? Nasaan si Eve? Kasama mo ba? Sabihin mong break na kami." Napangiwi ako sa sinabi ni Troy.
Anong break? Break-in ko pagmumukha niya, ni hindi nga kami, gago!
Oh well, naging ex ko siya pero hindi nagtagal no'ng naging kami tapos naging fling ko ulit. Ewan ko, mapilit eh, pinagbigyan ko na lang.
"Wow ha! Nakakita ka lang ng prostitute sa bar na kita ang kaluluwa, makikipaghiwalay ka agad kay Eve? Hindi ba puwedeng mag-usap muna kayo, oh nasaktan ka lang dahil nabalitaan mong ikakasal na siya sa iba? Kung pampalipas oras lang naman, why her?" nakangiwing sambit ni Kath na parang diring-diri pa.
Natigilan naman si Troy at 'yong kasama naman niyang babae mukhang sasabog na sa galit. Kaagad kong nahawakan ang kamay niya nang akmang sasampalin niya si Kath.
Umarko ang gilid ng labi ko at pinagtaasan siya ng kilay. "Not so fast, you're going to slap my cousin huh?"
Napasigaw siya nang pisilin ko ang pulsuhan niya at itinulak palayo at muntik tumama ang ulo sa bakal.
"b***h!" I muttered, raising my eyebrows.
"S-sino ka?" she stammered at napaatras nang lapitan ko siya.
"Why? Natatakot ka? Don't be scared little p***y, wala akong balak lagasan yang buhok mo." Mahinahong sabi ko at umirap.
Mabilis kong hinawakan ang buhok niya at nginud-ngod ang mukha niya sa sahig. Ito ang unang pagkakataon na ginawa ko 'to, maybe because of the stress and pressure dahil sa punyetang arrange marriage na yan.
Troy and Kath seemed surprised by what I did. They probably didn't expect me to be confrontational like this. I rarely get into fights, you see. Iniiwasan ako sa school because they say I'm intimidating just by my presence. They probably think I'm a war freak at school.
Tiningnan ko si Troy saka binitawan ang babae, and with all my strength sinampal ko siya pagkalakas-lakas.
"Never mess with me, Troy." I said, emotionless at parang natauhan pa siya.
Hindi naman ako apektado kung may kalandian pa siyang iba. I just feel like doing that to him, fling lang naman kami. Medyo nasaktan lang ang ego ko na nakakita lang ng babae na kita ang kaluluwa tapos bumigay na agad? God!
Nakahawak siya sa kanyang pisngi habang nakatingin sa'kin, tulala sa nangyayari.
"Masakit ba? Oh, I feel you," I flipped my hair. "Bagay naman kayo, mga hayop."
Inakbayan ko si Kath saka pumasok sa bar. Bar? Pangalan pa lang, alam niyo na. Don't get me wrong, hindi ako umiinom no'ng mga klaseng inumin na hard. Ako lang ata pa-wine and juice lang dito since mahina tolerance ko when it comes to alcohol.
Napasinghap ako nang may humigit sa akin paupo sa malawak na couch na pabilog kasunod si Kath na nagulat rin. It was Yoseph kasama ang buong barkada at may ilan din na hindi ko kilala. Maybe university school mates? Naka-jersey pa iyong iba, eh.
Nahagip ng paningin ko ang ilan na nakatingin sa'kin pero hindi ko na lang pinansin.
Nagsalin ng wine si Kath sa dalawang babasaging baso at binigay sa'kin iyong isa. Pareho kaming napangiti nang tunggain namin pareho ang baso bago uminom.
"Masaya ka na ba? Nang dahil sa'yo, naghiwalay kami ni Yeesha," napangisi na lang ako sa narinig. "b***h!"
Nandito pala ang lalaki na 'to. Hindi ko napansin sa dami ng tao rito sa lugar namin. Nakalimutan ko circle of friends pala nila Yoseph ang isa sakanila.
Naninisi? Matinde rin ang tama ng tuktok ng isang 'to eh. Kasalanan ko pa ang pag-iwan sa kanya ni Yeesha. Malay ko bang may relasyon pala sila.
Akmang sasampalin niya ako nang may humawak sa kamay niya. Yes, si Tuck nanampal ng babae. Sabi ko naman sainyo na sadista eh, that is why ayokong magpakasal sakanya and maybe kaya siya iniwan ni Yesha ay baka dahil din doon.
I rolled my eyes as I glared at him. Sandaling natigilan ang mga tao sa paligid namin dahil sa ginawa niya.
"Oh, nanampal ka pala ng babae? Sigurado ka bang ako ang dahilan? O baka dinahilan lang ni Yesha iyon para iwan ka kasi dahil sa pagiging mapanakit mo, physically?" I arched my brows as I sipped on my wine.
Umangat ang tingin ko sa nilalang na nakahawak kay Tuck at nagtaka ako dahil hindi ako pamilyar sa lalaki, like never ko pa siyang nakita. May something sa mga mata niya na hindi ko maexplain habang nakatitig sakanya. What's with this man? Napakamisteryoso niya kung makatitig.
Nabaling ang tingin ko kay Tuck nang biglang siyang tumayo, nakasunod sakanya ang barkada.
"Samahan niyo ako sa labas." Utos niya dahilan para magkatitigan kami ni Kath. Smell something will happen.
"Sundan natin?" asked Kath, excitedly.
"Wag na Kath, uminom na lang tayo. Gusto kong magpakalasing." Inisang-lagok ko ang kalahating wine sa baso.
"Pero, hindi ka umiinom," nag-aalaang sambit niya na tinawanan ko lang. "Eve, huwag. Sa bahay nalang tayo kung gusto mong mag-inom."
"Ngayon lang naman." Sambit ko at nagsalin ulit.
Tumango naman siya. Sina Yoseph, ayon sinundan ang grupo nila Tuck sa labas na mukhang makikipag-basagan ng ulo. I was about to drink tequila when someone snatched it away from me.
"Hi, sa akin na lang 'to ah? By the way, I'm Light. Nice to meet you," he said then extended his hand. "Wag kang mag-alala, nag-alcohol ako. Walang virus yan."
Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako natulala sa lalaki, I mean sa mga lalaki. They were five of them at isa ata sakanila iyong humawak kay Tuck para pigilan sa pagsampal sa'kin.
They looked like they were made of gods with their pale skin and undeniably gorgeous faces. Their slightly reddish hue on the sides of their eyes added to their appearance. What's that? A sign? Well, they were so handsome, and their lips, oh my gosh! Why did they look so kissable?
"Nakakahiya ka Eve, nakatulala ka oh. Pinagtawanan ka tuloy." Bulong sa akin ni Kath dahilan para matauhan ako.
Napakurap ako ng ilang beses at napailing. Nakakahiya nga, mabuti na lang at hindi sila lahat nakatingin sa akin, mukhang abala iyong iba na parang first time lang nakatikim ng drinks dito sa bar.
Natawa si Kath nang ngusuan ko siya at bumusangot na parang bata. Pinagttripan ako ng bruha. Hindi naman talaga nila ako pinagtatawanan eh.
"Oh, I'm Eve by the way. Siya naman si Kath," pagpapakilala ko.
Nakipagshake hands naman ako doon sa nagpakilala kanina at gano'n din si Kath. Isa-isang nagpakilala 'yong iba pero isa lang ang hindi, 'yong super duper misteryoso ang datingan. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin na para bang ino-obserbahan ako.
Problema kaya niya? Hindi ko alam pero nakakailang ang paninitig niya at kinikilabutan ako na para bang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko.
"Iyan si Fire." Pagpapakilala ni Light sa kanya, pero nagtsk lang ‘yong si Fire na ikinairita ko.
Siya na nga 'tong ipanakilala eh, and yet he's the one acting like that. No wonder there's something up with this man.
"Don't mind him, he's just like that sometimes. Want to drink?" tanong ng isa sakanila na agad ko namang tinanggap at kinuha ang baso mula sakanya.
Kung hindi ako nagkakamali, his name is Storm na normal lang kung makitungo at chill kung makipag-usap.
"Taga rito ba kayo?" wala sa sariling tanong ko dahilan para magtinginan sila sa'kin.
To be continued...