Chapter 8

1111 Words
Chapter 8 Nagulat ako nang ilapag ni Fire ang mga pagkain sa mesa. s**t! Muntik na akong mahulog sa sobrang pagkagulat. Naupo siya sa harap ng katapat kong upuan at tumingin sa labas ng bintana, tumingin din ako sa deriksyong tinitingnan niya pero wala namang makikita sa labas, garden lang. Umayos ako ng upo at sinimulang kainin ang mga nakahaing pagkain sa mesa. Ang dami naman ata nito, baka hindi ko maubos. "Say ahh, bilis na." Napalingon siya sa akin kaso tumingin na naman siya sa labas ng bintana. ‘Yong totoo, anong tinitingnan niya sa labas? Isinubo ka na lang sa bibig niya kahit nahihirapan akong iabot ‘yon sa kanya. Natawa ako ng taliman niya ako tingin at mukhang idudura pa niya ang siopao na isinubo ko sa bibig niya. "Magtatampo ako kapag hindi mo ‘yan kinain. Sige ka." "Tsk! Kumain ka na nga lang. Ubusin mo ‘yan lahat." "Tayong dalawa ang uubos." Saad ko at tumabi sa kanya. "Eve," warning tone ‘yan pero hinayaan ko lang. Napangiwi ako nang nguyain ko ang siopao. Anong klasing lasa 'to? Ang pait tapos maasim. What the fudge! "Kainin mo ‘yan, wag na wag mong isusuka. Pagtiyagaan mo muna." Nilunok ko kahit gustong-gusto ko nang isuka. Napangisi ako nang makaisip ako ng plano. "Say ahh. Tayo ang umubos. Promise, kakain ako basta kakain ka rin saka pagkatapos nating kumain, gagamutin ko ‘yang mga sugat mo para tuluyan nang maghilom." Tumango naman siya. Akmang hahawakan niya ang tinidor nang tabigin ko ang kamay niya. "Ako na ang susubo sayo para hindi ka na mahirapan." "Ako na." "Fire naman eh, kapag sinabi kong ako, ako na." "Fine." Habang sinusubuan ko siya, nakatitig lang siya sa akin na animo'y sinusuri ang maganda kong mukha. "Last na 'to." Akmang isusubo ko sa kanya ang pancit nang ilapit niya bigla ang mukha niya sa akin. Napakurap-kurap ako at napatitig din sa maamo niyang mukha. Why so handsome? His eyes was sparkling and super duper nang-aakit. Diyos ko! Tusukin ko ang mata niya eh. "A-anong problema?" Utal kong tanong sa kanya. "Isubo muna." He mouthed kaya isinubo ko na. Nag-iwas agad ako ng tingin at mabilis na kinain ang natitirang pagkain sa plato. Hindi ko ata kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal. Mahahypnotize ako nito eh. "Ayaw mo na ba akong subuan? You're blushing, Eve. May sakit ka ba?" Alalang tanong niya at dinampi ang palad niya sa noo ko. "I'm fine." Masigla kong tugon at humarap sa kanya. "Saka tapos ka na kayang kumain," dagdag ko. Nagbblush ba talaga ako? At nakita niya ‘yon? s**t! Nakakahiya talaga, mabuti na lang at hindi niya napansin na nahihiya ako kaya ako nagbblush. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mata. Anong ginagawa ng bampirang 'to? Napatayo ako bigla at mabilis na nag-iwas ng tingin. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Why so affected sa tuwing hinahawakan niya ako? "Bumalik na tayo, inaantok na ako." Excuse ko. Tumayo siya at walang sabing hinawakan ang kamay ko. Isa-isa niyang pinagpatong-patong ang mga daliri namin at nagsimulang maglakad palabas. "F-fire." Bulong ko. Naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Wag na wag kang aalis sa tabi ko even sa pagtulog natin." "Pero–" "That's an order." "O-okay." Napayuko na lang ako at humawak ng mabuti sa kamay niya. I know, he was protecting me from someone. Nang makarating kami sa mansyon nila Lee, kaagad siyang nagtungo sa cr. Naiwan akong tulala at naupo na lang sa mahabang couch. "Pinakain mo ba siya?" Tanong ni Lee na kararating lang ata. Hindi ko napansin ang pagdating niya sa sobrang lalim ng iniisip ko. "Oo, hindi ko kasi maubos sa dami ng inorder niya." "Alam mo bang isa sa kahinaan ng mga warriors ang makakain ng luto ng oracles?" Napatingin ako sa kanya. Kaya ba siya nagmadaling pumunta sa cr dahil doon sa nakain niya kanina? "Pero bakit?" "Ipinagbabawal sa kanila ang kumain ng kahit ano lalo na si Fire. Dugo lang ang puwede sa kanila at hanggang doon lang ‘yon. ‘Yon ang nakasaad sa patakaran ng mga warriors. Oracles dishes, human dishes etc. Ipinagbabawal sa kanila." Napatayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa cr kung saan nagtungo si Fire. Bakit hindi man lang siya nagreklamo? Bakit niya kainain ‘yon? That idiot! Nang makarating ako sa cr na pinasukan niya, kinatok ko agad ang pinto at walang sabing pumasok sa loob. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig at nakatakip ang kanyang bibig. "Bakit ka nandito? Sinabi ba sayo ni Lee?" "Sa tingin mo? You stupid! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nakakainis ka!" "Magtatampo ka sa akin kapag hindi ko kinain ‘yon." "Dapat kasi sinabi mo muna sa akin, hindi naman ako magtatampo kung sinabi mo kaagad." "I'm sorry." Malungkot niyang sambit. Lumapit ako sa kanya at niyakap. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. I just feel the urge to hug him. "Ako dapat ang humihingi ng sorry. Ako ang may kasalanan hindi ikaw." Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya at tumingin sa akin. Hawak niya ang magkabila kong braso pero ang mga mata niyang mapupungay ang nagpagulat sa akin. "Nanghihina ka." Malungkot kong sabi. Diyos ko! Anong gagawin ko? Hinang-hina na siya, namumuti ang kanyang mga labi na tila nawalan ng dugo, ang mata niya na kanina'y kulay itim ay naging pula, ang pangil niya ay lumabas. "Umalis ka na," nanghihina niyang sabi. "Just leave, ayokong masaktan kita. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nasaktan kita." Dagdag niya. "Ayoko!" Dumako ang tingin ko sa pulsuhan niyang nagdurugo. s**t! Ito ba ang epekto kapag kumakain siya ng lutong oracles? Mas nagulat ako nang iiwas niya ang tingin niya at doon nakita ang tattoo sa kanyang leeg na punong-puno ng dugo. "K-kinamot mo ang leeg mo?" "I'm different compared to them." "Wala akong pakialam kung naiiba ka sa kanila!" Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at pinunas sa kanyang leeg. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ko ‘yon pinansin. Matapos kong punasan ang leeg niya ay doon naman sa pulsuhan niya, hindi ko pinansin ang mahahaba niyang kuko. Wala akong pakialam kung naiiba siya sa kanila. "Eve," bulong niya pero sapat na para marinig ko. "Mabilis lang 'to." Nang matapos kong punasan ang pulsuhan niya, hinubad ko ang uniform coat ko kaya blouse na lang ang natira. Nagulat siya sa ginawa ko pero mas nagulat siya nang isandal ko siya sa pader. "Eve." Paos niyang sambit sa pangalan ko. "Suck my blood," saad ko at tinapat sa bibig niya ang leeg ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD