Chapter 9 Nanghihina na ako pero patuloy pa rin si Fire sa pagsipsip ng dugo ko. Ilang sandali pa ay nawalan na ako ng lakas. Ilang ulit ko siyang tinawag pero tila wala siyang naririnig. "F-fire." Sambit ko sa pangalan niya at hinaplos ang kanyang pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang leeg ko pababa sa balikat ko. "T-tama na fire." Halos paanas kong sabi. Hiniga niya ako sa sahig at dumagan sa akin. Hinayaan ko na lang siyang sipsipin muli ang dugo ko at ipinikit ang aking mga mata. "Eve, I'm sorry." Bulong niya sa tenga ko. Naramdaman kong may malamig na dumapi sa labi ko pero hindi ko na kayang imulat pa ang mga mata ko para tingnan ‘yon. "Eve!" Was I heard before I collapsed. - Nagising ako dahil sa boses ng kung sino. Grabe naman ata 'to kung makasermon saka

