Chapter 53 Eve's POV Halos mapasub-sob kaming dalawa ni Fire sa unahan dahil sa biglang pagpreno ni Thunder. Bakit pa ba kasi kami nagkotse kung puwede namang magteleport o magpaka-ala-monkey sa gubat? "Hanggang kailan kayo magtitigang dalawa? Kagat-tingin? Halata namang nagkagatan na kayo. Mated nga naman, walang- hmp!" Sinamaan 'ko siya ng tingin saka ginulo ang nakaayos niyang buhok. "Ano? Aangal ka pa?" I arched my eyebrow. Ako naman ngayon ang sinamaan niya ng tingin. Tinanggal 'ko na rin ang palad 'ko sa bibig niya. "Pasalamat ka at kyut- wala. Sama ng tingin ng boyfriend mo, oh." Sabay turo niya kay Fire na sobrang lukot ang mukha. "Anong problema mo, Apoy?" I asked. Parang walang alam 'no? "Honeybaby," pagtatama niya. Pinaka-ayaw pa naman niya ang tawagin 'ko siyang Apoy. N

