Chapter 54 Eve's POV Dahan-dahan 'kong minulat ang aking mga mata nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Nasaan ako? "Gising na siya!" Rinig 'kong bulong ng kung sino. "Shanna, sabihan mo agad sina Lolo pati na rin ang ibang warrior na nasa labas." Sabi ng boses lalaki. Si Chiro? "Nah, ako na lang." Dugtong ng boses. Bumango ako kahit medyo masakit pa ang ulo 'ko. "Nasaan ako, Shanna?" "Nasa hospital." Sagot ni Shanna. "Hindi bat nasa school tayo?" I asked again. "Oo pero nalaman ng mga magulang mo ang nangyari sa'yo kaya tinransfer ka dito." "Pero hindi kayo puweding—" "Ssh, may sun protection kami. Wag kang mag-alala." "Si Fire?" Nag-iba ang expression ng mukha niya. Ang kaninang masaya ay naging malungkot. Anong nangyari? "Si Fire? Nasaan siya?" I asked again. May kutob ako

