Chapter 55 Patapos na sana kaming magbreakfast nang biglang dumating ang ibang warriors kasama si Yumi. Tiningnan 'ko si Eshin na nag-iba ang awra, palukot ng palukot ang mukha niya. Mukhang ayaw niya sa presensiya ni Yumi. Sinulyapan 'ko si Shanna na malalim ang iniisip. Halos 'di na niya ginalaw ang pagkain sa mesa. Ako lang ba ang nakakaramdam na parang may mali? "Ugh, I'll go upstair, Eve. Hindi 'ko na matake makipagplastikan, okay?" Medyo malakas na sabi ni Eshin at padabog na naglakad paakyat sa itaas. "Hindi ata ako welcome dito, Rain." Rinig 'kong sabi ni Yumi. Nag-unahan namang pumunta sa kinaroroonan 'ko si Cloud at Light. Akmang i-aangat nila ang damit 'ko nang isa-isang pagtatampalin ni Fire ang mga kamay nila. "Subukan niyong hawakan ang tiyan niya, pagliliyabin 'ko an

