We both sit sa vip seats na binigay saamin ng staff na lalaki kanina.
"I don't think I like it here." I said almost a whisper.
Mukang hindi naman na din ako napapansin ni Margo dahil kanina pang humahaba ang leeg nito. Tila may hinahanap na kung sino sa paligid.
"They're here.." pinagtatampal pa ako ni Margo sa aking braso para lang makuha ang atensyon ko.
Tiningnan ko ang banda kung saan siya nakaturo.
"Saan?"
"Ayon!" Halos humaba na ang nguso ni Margo katuturo lang.
Nang matumpok kung saan ito nakaturo ay agad ko din naman nakita si Salvatore. He was wearing a simple black plain tshirt at maong pants. nakasuot na din ito ng head phones at protecive glasses.
Hindi lang siya kundi pati na din ang lalaking tinitingnan ni Margo noong nakaraan pa sa race. Si.. knight and shining armour.
Nagtataka na talaga ako sa nangyayari at akmang tatanungin na ito ng makadinig ako ng putok ng baril.
"No!" I shout as loud as I can. Napayuko ako at tinakpan ang aking mga tenga at pumikit.
"Mommy! No please no!" I cried. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil puro dilim na lang ang nakikita ko. Halos mabingi na ako sa bawat tunog sa paligid at tanging putok ng baril nalang ang nadiding.
I felt Margo holding my hands, kahit pati likod ko ay nararamdaman kong hinahawakan niya. Pero hindi ko alam kung bakit wala akong madinig. Minulat ko ang mgamata ko at nakitang bumubuka ang bibig nito.
I even saw some staffs na lumalapit na din saamin. My eyes when blank. Takot na takot ako. Ng padami na ng padami ang staff na nakapaligid saakin ay halos lalo akong natakot.
They look like they all gonna hurt me.
"Don't come near me!" muli kong sigaw "Mommy!"
Bahagya kong nakita ang pag kagulat at pagtataka sa mga muka ng staff. I get all my stuff sa sahig at pinilit na tumakbo kahit umiiyak.
I need to run.
I need to save myself.
Baka hindi na ako makaligtas ngayon kung hindi ako tatakbo.
"Celeria!" Margo shouted. Hindi ko na ito nilingon.
My tears are still falling. Wala itong tigil nanghihina na ang mga binti ko pero pinagpatuloy ko ang pag takbo.
Kailangan kong makalayo dito.
Pilit kong inaabot ang cellphone sa bag ko pero dahil sa panginginig ay nalaglag lang ito sa sahig.
Shit.
Pupulutin ko sana ito ng bigla nalang nandilim ang buong paligid ko and this time hindi ko na maiwasan ang mapapikit.
I woke up sa loob ng puting kwarto. Wala akong makita na ibang tao kundi ako. I decided na lumabas ng kwarto just to make sure where am I. Tumakbo ako at nandilim ang paligid, simula non hindi ko na alam ang nangyare kaya nasaan ako?
Pinagatuloy ko ang paglalakad pero wala pa din ako makita na ibang tao.
"Celeria.." Tawag saakin ng isang pamilyar na boses. Agad ko itong nilingon at nakita si mommy na nag aabang saakin sa may pintuan na nilabasan ko kanina.
"Mom?" masaya kong tawag dito. "You are here!" hindi ko na napigilan ang aking sarili at sinalubong na ito ng yakap.
"Yes, Anak! are you happy?"
Hinahaplos na ngayon ni Mommy ang aking buhok at pinupunasan ang aking luha na tumutulo pa din hanggang ngayon.
"Yes mommy.. I miss you so much! Miss ka na namin ni daddy."
"Miss ko na din kayo, anak. Celeria hindi tayo pwede magtagal kailangan nanatin umalis." Her smile vanished.
"Ha, why mom? I want to hug you more."
"Celeria tara na!"
Pagpipilit saakin ni Mommy. Umahon ang aking muka galing sa pagkakabaon sa kanyang balikat when I saw a man with a black mask pointing a gun on us.
"Mom.." natatakot kong tawag "Mom halika na tumakbo na tayo mommy!" Sigaw ko.
Mommy covered her body to me. Pilit ko siyang hinihila pero hindi na ito gumagalaw pa.
"Mommy!" Sigaw ko ng ipinutok na ng lalaking naka mask ang baril.
"Mommy!"
"Anak, what's wrong Daddy's here." I was still in shock. Mabilisan dumalo saakin si daddy at niyakap ako. I was in a hospital bed. May dextrose na din nakalaga sa kaliwang bahagi na ang aking kamay.
"Dad, si mommy.. Nakita ko po siya Dad. Iligtas po natin si Mommy." I cried on my fathers shoulder. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lubusang pag aalala.
"Ssshh.. Anak."
Ilang minuto ata ako bago napakalma. Sabi ng doctor ay nahimatay ako ng dahil sa sobrang takot and because of the trauma.
I stared blankly at the ceiling. The white lights above me felt too bright, too clean—too far from the chaos I just escaped. Or imagined. I wasn’t sure anymore.
The nurse came in quietly, checking my vitals. I didn’t move. I couldn’t.
“Celeria,” she said softly, “you’re safe now.”
Safe.
That word echoed in my head like a distant memory. What does safe even mean when your mind keeps dragging you back to the moment you lost everything?
I closed my eyes again. I could still feel Mommy’s arms around me. Her voice. Her warmth. But it was fading—like a dream slipping through my fingers.
Later that night, I heard hushed voices outside the room. Daddy was talking to the doctor.
“She’s reliving the trauma,” the doctor said. “It’s not just memory—it’s her body reacting as if it’s happening all over again. The fainting, the panic, the hallucinations… it’s classic post-traumatic stress.”
Nangyare na saakin ito noon but I didn't know that it might happen again.
Muling lumapit saakin si Daddy at niyakap ako ng mahigpit.
"I'm sorry.. I'm sorry, Anak." humihikbing sabi ni daddy. I can feel that he's already crying.
"Dad.." Hindi ko na din mapigilan ang umiyak.
"Magpahinga ka na anak. Nandito lang si Daddy."
I do as what he said. Ayaw ko na din pahirapan si daddy dahil kitang kita sa mga mata nito ang pagod at lubos na pag aalala.
He was still wearing his office attire. He must be working ng nalaman na may nag dala saakin sa hospital.
I don't know who it was but maybe si Margo kung nahabol niya ako or baka concerned citizens.
“Celeria,” she said softly, “you’ve been through something very intense. Your body and mind need time to recover.”
I nodded slowly, still holding Daddy’s hand.
Nakaupo na ako ngayon from my hospital bed it was 6 am in the morning at na discharge na din ako kaya pauwi na ako sa mansion ngayon.
“I’m advising a full week of rest,” she continued. “No school, no stress. Just quiet, safe space. I’ll issue a medical clearance for your absence.”
Daddy gave a small sigh of relief. “Thank you, Doc.”
It would be better to have a rest sa mansion. I just check my phone and turn it off para maalis muna ang sarili sa social medias and what soever.
Noong binuhay ko iyon ay nakita ko ang message ni Margo na she would visit me sa house dahil nung dumaan siya kanina sa hospital ay na discharge na daw pala ako.
I didn't reply to her but I know that she would understand.
"Miss, Celeria." tawag saakin ng isa sa mga kasama namin sa bahay.
"Yes?"
" Sabi po ng Daddy mo na pag may kailangan ka po o gusto sabihin nyo lang daw po saamin dahil pupunta na daw po siya sa opisina. Hindi na po siya nakapagpaalam dahil naliligo ka pa daw po kanina."
"Okay.. doon lang ako sa garden tatawag nalang ako pag may kailangan ako."
Naglakad ako sa may garden area. It was so beautiful here. Isa din ito sa madalas puntahan ni Mommy. Mahilig siya sa mga bulaklak kaya talagang sinadya nila na may garden kami sa bahay.
It was so beautiful.
Nang mainip ako sa garden ay napagpasyahan ko na pumunta sa may unahang bahagi ng aming mansyon.
May mga upuan doon para sa mga hardinero at tagalinis ng bahay. Malapit ns din ito sa aming malaking gate. I sit there for a few moments. Dinama ko ang hangin na humahampas sa aking muka.
I was enjoying my time there ng may mapansin akong lalaki na nakatitig saakin sa kabilang daan. Naningkit ang mga mata ko na tila ba tinatanaw kung sino iyon.
Hindi ko nalang ito pinansin. Lumapit ako bahagya sa may gate dahil may lumipad na kumpol ng mga ibon. I want to see it. Hindi naman ako lalabas at nasa gate din naman namin ang mga tauhan ni daddy.
"Ma'am nanjan po pala kayo." Bati ng matandang hardinero namin doon nginitian ko ito bago itinuloy ang kanyang ginagawa.
Nang makalapit ako sa may gate ay napansin ko ang lalaking kaninang nakamasid saakin. Ibinaling ko ang akinh tingin at napansin na may dalawa pang lalaki na katulad ng suot ng lalaking ito ang nandoon.
Napansin ata ng lalaki ang pag tingin ko. Agad naman din sila unti unting nag alisan.
That was weird.
"Ma'am!" bati ng guard na tauhan ni daddy.
"Kuya, may napansin po ba kayong naaligid dito sa bahay?" I ask.
Tatlo ang guard na nagbabantay dito sa may gate at madami naman sa loob na paikot ikot sa mansyon. Bakas sa muka ng tatlong guard ang pag tataka.
"Po? wala naman po Ma'am. Ikaw ba June may panasin ka?"
"Wala din po Ma'am safe naman po wag po kayo mag alala."
"Bakit po may napapansin po ba kayong kakaiba?" Tanong ng isa pa nilang kasama.
"Ah parang may nakita lang-" I didn't continue what I'm about to say when I was interrupted by a loud beep. Hinarang agad iyon ng mga tauhan namin.
The van window open. Sumilay ang muka ni Margo na nag aalala.
"Celeria!"
Naalerto ang guardya at agad na inikot ang drivers seat to check.
"Manong, I know them papasukin nyo na po."
The body guard open the gate. ng makapasok ang sasakyan ay agad na bumaba si Margo. Mahaba pa ang pathway bago ang mismong mansion namin pero mas pinili niya na bumaba agad at salubungin ako ng yakap.
"Buti ayos ka na!" umandar nanaman ang van na sinasakyan nito to find a parking inside. Inassist naman ito ng mga tauhan namin. "Halos lahat kami nag alala sayo!"
I'm not gonna lie. It was so good to be visited by a friend. Nakakagaan din naman ng pairamdam.
"Thanks, Margo. I didn't remember what happen ang alam ko lang ay tumakbo ako at nahimatay. Then I woke up na nasa hospital na."
Nagpalingalinga si Margo bago niya inangkla ang mga kamay sa aking braso.
"I was also told na sinugod ka na sa hospital. Hindi ako agad nakahabol sayo dahil sa bilis mong tumabo at may nangyari sa loob na.." She paused she was hesitant to tell me.
"Ah Nevermind, basta doon na kita pinuntahan noon bago ako tuluyang umuwi dahil gabi na ay di ka pa nagigising."
"Maybe someone saw me, baka mga concerned citizens lang."
"Baka nga. Plano talaga namin nila Hailey pumunta dito. Ewan ko ba at mga bigla nalang nawala kaya pumunta nalang ako mag isa. Bibisita naman ata yung mga yon bahala sila."
Well I expect them to visit me but I didn't expect a hundred percent. Maybe they are just too busy.
"It's okay.. next week naman ay papasok na din ako sa school. Pinagpapahinga lang ako."
Tumango tango ito.
"I'm very glad that you're doing fine."
Nagkwentuhan kami ni Margo hanggang sa napagdedisyona na din niya umuwi ng gumabi na.
I decided to have my half bath. Nagbabad ako sa bath tub ng ilang oras bago napag desisyonan na lumabas ng veranda. I was sipping my tea.
Dinama ko lang ang hangin. I feel okay, kung papayag nga lang si daddy ay kaya ko naman na sana ang pumasok na sa school. Pero dahil nga nag aalala pa ito ay ayaw muna niya na pumasok ako.
Ayaw ko naman na din dagdagan ang stress ni Daddy kaya sinunod ko nalang siya.